Chapter 6

170 16 13
                                    

Isang buwan. Mahigit isang buwan ng narito sa Isla namin si Christos. Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita kung hinahanap ba siya ng kaniyang pamilya o kung may kahit sinong taong naghahanap sa kaniya. Hindi naman talaga nawala ang alaala ni Christos ngunit hindi ko alam kung bakit ayaw niyang sabihin kung saan siya nakatira upang makabalik na siya sa kanila dahil baka nag-aalala na ang pamilya niya sa kaniya.

Tuwing tatanungin ko kasi siya tungkol sa personal na buhay niya lalo na kung tungkol sa kaniyang pamilya ay hindi niya ito sinasagot kaya naman wala akong makukuhang kahit anong impormasyon mula sa kaniya. Tatahimik lang siya o hindi naman ay iibahin ang aming pinag-uusapan upang maka-iwas lang siya sa aking katanungan. Hindi ko rin naman siya inuusisa pa ng lubusan dahil ayoko namang magmukhang usisera. Ayos na sa akin kung malandi ang tingin niya sa akin basta huwag lang chismosa. Chariz! Mas malala 'yon.

Masasabi kong tuluyan ng nakapag-adjust si Christos sa uri ng pamumuhay meron siya rito sa Isla Maligaya. Alam kong taliwas ito sa uri ng pamumuhay meron siya kung saan man siya galing ngunit ngayon ay sanay na siya sa buhay namin rito sa isla. Lagi siyang sumasama sa mga kalalakihan dito sa amin sa pangingisda, pamimingwit, at pangangaso. Siya na rin ang kumukuha ng mga kahoy upang ipangsiga tuwing magluluto kami. Minsa'y nagtatanim din siya sa likod ng bahay at siya na rin ang nagdidilig sa mga ito.

Sa pagluluto naman ay maaasahan din siya dahil minsan kapag tinatamad akong magluto ay siya na mismo ang gagawa nito. At naglilinis din siya sa loob at labas ng bahay. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil dumating si Christos sa buhay ko. Malaking tulong sa akin ang pagdating niya. Hindi na ako nahihirapan sa gawain bahay dahil si Christos na mismo ang gumagawa ng mga ito lalo na sa mga gawaing mabibigat at kailangan ng lakas na 'di nararapat gawin ng isang maganda at mahinhin na dalagang katulad ko. Dahil sa pagdating niya ay mas naging madali na sa akin ang lahat ng gawaing bahay.

Malaki rin ang pinagbago ni Christos mula sa kaniyang pisikal na katangian, pananalita, at ugali. Humaba at kumapal ang bigote niya sa mukha at humahaba na rin ang kaniyang buhok. Bagay naman sa kaniya dahil gwapo pa rin naman siya tignan ngunit mas gusto ko na wala siyang bigote dahil mas umaangat ang kaniyang kagwapuhan. Ang kaniyang kulay ay mas naging kayumanggi dahil na rin siguro sa pagbibilad sa araw tuwing siya ay nangingisda o namimingwit.

Nag-iba na rin ang paraan ng kaniyang pananalita dahil tagalog na ang halos ginagamit niyang lenggwahe lalo na kapag hindi ako ang kasama niya ngunit kapag kaming dalawa lang ay nag-iingles siya dahil ayon sa kaniya ay ito ang epektibong paraan upang madali kong matutunan ang salitang Ingles. Tinuturuan niya kasi ako nito. Sa katunayan nga ay marami na akong alam na salitang Ingles. Maririnig pa rin naman ang pagiging banyaga niya dahil tunog banyaga pa rin siya. Minsan ay yung isang lenggwahe naman ang kaniyang ginagamit na siyang hindi ko na talaga naiintindihan pa.

Nag-iba rin ang pakikitungo niya sa akin dahil sa bawat araw na nagdaan ay mas gusto niyang nasa tabi ko lang siya lagi kapag wala siyang ginagawa. Gusto niya laging hawak ang kamay ko o basta nakahawak siya sa kahit anong parte ng katawan ko. Palagi rin siyang humihingi ng yakap sa akin lalo na kapag nasa bahay lang kaming dalawa. Minsan nga ay hindi na siya magpapaalam pa at yayakapin na lang niya ako bigla. Napagtanto kong napakalaking damulag niya pala.

Kahit sa maikling panahon na magkasama kami ay mas nakilala ko siya at gusto ko pa siyang makilala lalo. Kahit alam kong malaki ang posibilidad na hindi naman siya magtatagal dito sa amin dahil alam kong babalik at babalik siya sa kung saan man siya galing ay gusto ko pa rin siyang makilala. Imposible mang pakinggan ngunit mas lalong napapalapit ang loob ko kay Christos sa bawat araw na magkasama kami. Hindi rin nakatulong ang pagiging malambing niya sa akin dahil mas lalo lang nahuhulog ang loob ko sa kaniya at hindi ko alam kung makak-ahon pa ba ako mula sa pagkakahulog sa kaniya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Taste of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon