Chapter 3

290 28 0
                                    

Mataas na ang sikat ng araw nang magising ako kinabukasan. Maaga sana akong magigising kung hindi lang dahil sa ginawa sa akin ni Christos kagabi. Nawindang ang buong sistema ko dahil sa ginawa niya sa akin.

Ang aking puso ay kinabahan ng bongga dahil akala ko ay masisisid na ang aking perlas ng silanganan kagabi ngunit hindi naman nangyari na siya namang ipinagpapasalamat ko dahil malandi lang ako pero hindi ako bubuka-buka na lang ng basta-basta. Aaminin kong masarap si Christos pero hindi ako tikim agad hanggang tingin lang muna ako at hindi rin ako desperado na luluhod na lang bigla sa harap niya upang sunggaban, tikman, at sambahin siya. Maria Clara ang atake natin mga bilat.

Bukod sa naramdaman ko ang malaki niyang kargada sa aking likuran at ang pagpisil niya sa aking pang-upo ay wala na siyang iba pang ginawa na  mahalay sa akin.

"Nakatalikod na ako, mi esposa. Magsuot ka muna ng pang-ibaba mo at ako na ang magsusuot nitong hawak ko sa iyo."

Ito ang katagang naalala kong sinabi niya sa akin matapos ang kahalayang ginawa niya. Nakatalikod nga siya matapos niyang kunin mula sa akin ang lumang daster ni lola. Kahit hindi ako nagsusuot ng panty o anumang pang-ibaba tuwing gabi ay mukhang kailangan ko atang sanayin ang sarili ko na magsuot nito dahil may kasama akong matulog na sobra sa kahalayan.

Gaya ng sabi niya ay siya na ang nag-suot ng daster ni lola sa akin habang may sinasabing mga katagang hindi ko naman maintindihan. Nakita ko rin na kumalma ang kaniyang sarili habang sinusuotan niya ako ng daster dahil wala na ang kaniyang malaking umbok sa gitnang parte ng katawan niya. Kahit walang hiya siya sa pagpapakaba sa akin ng bongga at gago siya sa kahalayan niya ay mabait siya sa parteng siya ang nagbihis sa akin.

Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi dahil iniisip ko ang ginawa sa akin ni Christos. Alam ko namang maganda ako at may maganda ring katawan pero hindi ko lubos maisip kung bakit nagawa niya iyon sa akin. Sinabihan ko naman siyang huwag muna siyang umakyat dahil nagbibihis pa ako pero sadyang matigas ang bungo niya at hindi siya nakinig sa akin at nagawa niyang umakyat sa itaas habang nakahubad pa ako at hindi pa nakabihis.

Ngayon ay pantay na kami dahil nakita ko na ang lahat sa kaniya. Nahawakan ko pa nga eh. Siya naman ay ganoon din. Wala na ata akong maitatago pa sa kaniya dahil nakita na niya ang buong katawan ko. Si Aj Raval na ba ako nito dahil nakita na ni Christos ang buong katawan ko? Lord, hindi. Hindi  pwede.

Isa pang dahilan kung bakit hindi ako nakatulog ng maayos kagabi ay dahil imbis na sa tabi ni Christos ako natulog ay sa dibdib niya ako pinatulog. Oo, sa ibabaw niya mismo ako natulog. Doon daw niya ako gustong matulog dahil makakatulog daw siya ng maayos kapag ganoon. Ilang beses kong sinabi sa kaniya na ayaw ko dahil mahihirapan siya kahit na triple ang laki niya sa akin ay mahihirapan pa rin siya pero nagpumilit siya at talagang gusto niya na sa ibabaw niya ako matulog.

Kahit anong tanggi ko ay hindi siya nakikinig sa akin. Sa tuwing babalik ako sa tabi niya ay binubuhat naman niya ako pabalik sa ibabaw niya kaya pinagbigyan ko siya at pumayag na lang sa gusto niya kesa magbangayan kami buong magdamag dahil sa kakulitan niya. Pakipot pa ba ako? Siya rin naman ang nagsabi na humiga ako dibdib niya at siya rin ang nagpupumilit kaya payag na tayo mga beh.

Noong una ay hindi ako kumportable sa ibabaw niya dahil ang tigas ng dibdib niya. Idagdag mo pa ang malakas na pagtibok ng puso niya. Akala ko nga ay may sakit siya sa puso pero nang tanungin ko naman siya ay sabi niya normal lang daw ito. Hindi rin nakatulong sa aking pagtulog ang malaking kargada ni Christos na tumatama sa aking pang-upo.

Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko nagustuhan ang pagtulog ko sa ibabaw ni Christos dahil aaminin kong nagustuhan ko ang pagpatong sa kaniya buong magdamag dahil sa init ng katawan niya. Ang init ng singaw ng kaniyang katawan ay nagbigay ng sapat na init sa aking nanlalamig na katawan. Pinawi nito ang lamig na aking nadarama kagabi.

Taste of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon