Chapter 1

2 0 0
                                    

Hingal na hingal na sya.
Alam nyang nawawala na sya sa kagubatan. Pero pilit nyang hinahanap ang daan palabas. Naramdaman nya rin ang gutom uhaw.

Masakit ang buong katawan nya na puno ng mga galos at pasa. Pero ang mas nagpapahirap sa kanya ay hindi nya matandaan kung bakit napunta sya sa gitna ng kagubatan.

At mas malala pa ay hindi man lang nya alam ang kanyang pagkatao. Hindi nya alam kung sino sya at bakit sya nag iisa sa masukal na kagubatang tulad nito.

Gulong gulo sya. At nararamdaman nyang anumang oras ay tatakasan na sya ng ulirat. Pero bago pa man sya malaglag sa lupa ay nasalo sya ng isang lalaki.

Naaninag nya ang mukha ng lalaki. Malungkot ito pero parang may galit sa mga mata nito. Pero di na nya ito pinansin napangiti na lang sya dahil alam nyang ligtas na sya. Kasabay ay ang pagkawala ng kanyang ulirat.

Naikuyom ng dalaga ang mga palad nya. Dali dali syang kumuha ng maiinom na tubig. Naiinis sya dahil wala talaga syang maalala na ganung pangyayari sa buhay nya. Pero bakit mukha nya ang mga nasa panaginip nya?

"Iha! Bumangon kana andito na si Harry. Hindi maganda ang pinaghihintay ang bisita. Sabi moy magpapahinga ka lang ng isang oras...mag tatatlong oras na..." malakas na katok ng mommy nya.

Si Harry Abueva. Sya ang kaibigan ko simulat sapol. Bestfriend ko syang ituring pero nagbago yun ng magtapat sya sa akin 2 years ago....

Kaya heto at isicelebrate daw nila ang 2nd year anniversary nila.

"Yes mom, i'll be there in a while nag aayos pa ako" pagsisinungaling nya sa ina dahil ang totoo kakagising lang nya.

Narinig naman nyang bumaba na ito kaya dalidali syang naligo.

After 20 minutes bumaba na sya at hinarap ang boyfriend nyang gwapo. Moreno ito matikas ang pangangatawan. And as usual napaka sweet pa rin nito. Bawat okasyon na sinicelebrate nila ay inuulan sya ng regalo. Ganito ka galante ang boyfriend nya. Bukod sa mabait ay mayaman na mayaman ito. Kaya gusto rin ng mama nya.

At heto nga napakalaking bear ang regalo nito. Niyakap nya ang bear at nagsasalita ito ng "i love you babe!"

"Thank you babe... i love you too " sabay yakap at halik na rin nya sa lalaki.

Dinala sya nito sa isang five star hotel at doon sila naghapunan kasama na ang pamilya nya at ni Harry.

Habang masaya silang kumakain ay tumayo si Harry at nagsasalita.

"Attention everyone! This day marks our 2nd year of being a boyfriend and girlfriend. And i am thankful to that. And before this day ends i would like to do this" at lumapit ito sa ama at ina ng dalaga..

"Tita, tito May i marry your daughter?" Dagdag pa nito.

Nagulat ang mag asawa pero mabilis din na umoo ang ina ni Maya.

Pero biglang tumayo ang ina ng binata....

"This is too much iho!! Hinding hindi na ako papayag sa pagkakataong ito" sigaw ng mama ng binata.

"Pero ma"
"No way! Hinding hindi ako papayag! Tama na ang minsang pagkakamali mo anak!"

"Tita, bakit?" Lumapit na si Maya sa kanila

"Bakit? wow!!!! Ang kapal kapal ng mukha mo!!!dont you remember what you did  5 years ago? Mag amnesia amnesyahan ka pa rin ba?" Bulyaw nito.

Nabigla ang dalaga sa galit na pinapakita nito. Naramdaman nyang guilty sya pero di nya alam kung bakit at pumatak na ang mga luha nya. Naguguluhan sya kung bakit ganun ang naramdaman nya pero pakiramdam nya hiyang hiya sya.

"Tama na Verna!" Pagsuway ng kanyang ama sa ina ng binata.

"Tama na? Ako ang dapat nagsasabi sa inyo nyan! Tumigil na kayo!!! Tigilan nyo ng palabas na ito! Ilang milyon pa ba ang kulang ?? Sa tingin nyo maaayos pa natin ang mga nakalipas na nangyari? Ikaw Rosing" sabay duro sa ina ni Maya

"Magkano ba ang gusto mo? Diba pera pera lang naman ang katapat sa inyo diba?"

"Tita, hindi pera ang habol..."pero pinutol na ito ni Verna

"Really? Bravo! Bravo!" Sabay palakpak at lumakad palayo pero humarap din ito sa kanya..

"Sino ba ang niloloko mo Maya? 20milyon na ang nakuha mo sa amin remember? Kulang pa ba yun? tandaan mo never akong papayag na makasal ka sa anak ko. Di mo na kami maloloko ulit" sabay alis

Si Maya naman ay napahagulgol na napaupo. Naguguluhan sya sa mga sinabi ng ina ng boyfriend nya.

Mas napaiyak pa sya lalo ng tingin lang ang ginawa ni Harry sa kanya at sumunod sa inang umiling iling na lamang.

"Ma, pa.,, di ko maintindihan...ang sakit sakit dito ma pero wala akong maintindihan bakit ganito" hagulgol ni Maya.

Time MachineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon