21

9 4 0
                                    

Lack of time and communication are one of the reasons why relationship didn't work. But not with us. We barely talk the past days because of busy schedule, but we didn't broke up or what.

"Tatanggapin ko ang isang project," sabi ng boss namin.

May meeting ngayon at pinakita niya sa amin ang project na balak niyang tanggapin. Magiging busy na naman ako nito.

"This is a big project. I hope like the other project, we will do our best again," he added.

I always do my best. Hindi ko gustong pumalpak sa trabaho. Lahat gusto ko ay nasa ayos at maganda ang pagkakagawa.

Nagmessage sa akin si Bea na umuwi raw siya sa Bulacan. I didn't reply, bigla kasi akong kinausap ng boss namin. Naging busy na rin pagkatapos no'n.

"Overtime raw kung kaya, Jaize," sabi ni Drew sa akin.

I just nodded.

I'm busy skimming the hard copies here in my table. Ang dami. May mga pag uusapan pa mamaya. Indeed, an overtime later.

"Uy! Kumain ka na muna, kanina ka pa hindi kumakain," sabi naman ni Danna.

Tumango lang din ako sa kaniya. Busy pa ako.

"Baka magalit na si Bea niyan, nagpapalipas ka na lagi ng gutom," dagdag niya pa.

Ilang araw na rin kasi akong late kumakain, minsan nga hindi pa. Sobrang dami lang talaga ng gawain.

"Tatapusin ko lang 'to," sagot ko naman, hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

Seven PM ang naging out ko nang araw na 'yon. I messaged Farrah, siya na ang nagluto ng dinner namin. Around nine PM nang makauwi ako sa bahay.

"Initin mo na lang ang ulam, Kuya. Kanina pa 'yan," sabi ni Farrah.

Binaba ko lang ang bag ko at dumiretso na ako sa kusina. Nagluto siya ng adobo. Hindi ako nakapaglunch kaya ngayon ay ramdam na ramdam ko na ang gutom.

Kumain na muna ako. After that, I clean myself and lay down in bed. Ilang minuto lang ay bumabagsak na ang talukap ng mga mata ko dahil sa antok.

I woke up early, four AM. Hindi na ako nakatulog kaya nagsimula na lang akong mag-asikaso para sa trabaho ko ngayong araw.

Phoebe:

Uwi ako mamaya, Kuya.

Natanggap ko ang message ni Phoebe. Napatingin pa ako sa calendar para i-check kung anong petsa na. Wala namang occasion or kuhanan ng report card.

Baka uuwi lang dahil gusto. May usapan na naman siguro sila ng ate Farrah niya.

Ako:

Late akong uuwi mamaya. Overtime sa work.

Nasa biyahe na ako. Eight AM ang oras ng pasok ko. Six AM pa lang ngayon, kapag traffic ay around seven AM na ako nakakarating sa trabaho.

Phoebe:

Okay.

I'm still sleepy and tired. Ilang araw na naman kasing sunud-sunod na maraming gawain.

Nakauwi na si Bea rito sa Laguna. Hindi pa rin kami nagkikita pa dahil hindi tugma ang schedule.

I decided to buy flowers for her. May shop akong madalas na makita at nagtry na rin akong bumili ro'n. I got their number, too.

["Good morning, this is Sunny Sunflower Shop!"] bungad sa akin nang tawagan ko sila.

"I like to order a bouquet of sunflower, please. How much is the delivery fee?" I asked.

["It depends on the address, Sir. Saan po ba i-de-deliver?"]

I'll Be Here (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon