18

13 4 0
                                    

I spend another day in her apartment. Umuwi lang ako kinabukasan dahil may work pa.

“Jaize, natapos mo ba ’yung pina-check ko last time?” tanong ng kasamahan ko.

I nodded.

“Oo. Na-revise ko na rin ’yon,” sagot ko naman.

Maraming error. Double check pa para sigurado talaga na maayos na ang gawa niya. Ipapasa na lang iyon.

“Kunin ko na lang mamaya. Salamat!”

I am busy in drawing right now. May mga details pa sa plate na hindi ko nailalagay, absent pa ako kahapon kaya hindi ko naasikaso. Ngayon ko iyon ginagawa.

“Zamora, ipapasa na mamaya ’yan?” si Drew, isa rin sa kasamahan ko.

Tumango lang ako. Hindi ko sila masyadong kasundo. Masyado silang ma-issue rito sa trabaho.

“Lunch muna,” sabi naman ni Danna.

Siya ang babaeng ini-issue sa akin dito sa work namin. Mahinhin siya at maganda. Ilang beses kaming nagkakasabay sa pagpasok dahil same lang kami ng way.

Kaedad siguro ni Bea ito. Hindi ko rin nakakausap madalas pero nakakasabay ko nga sa pagpasok. Kaya sa tuwing nakikita kaming magkasama, bulungan at asaran ang naririnig namin.

“Patapos naman na ako,” sagot ko na lang.

Pero tinigil ko muna ang ginagawa ko para magmessage kay Bea. Lunch time na, for sure break niya rin sa work ngayon.

Ako:

Love, kumain ka na. Don’t skip, okay?

Hindi siya online. Binalik ko na ang atensyon ko sa paggawa ng plate. Tinapos ko na iyon para makapaglunch na rin ako. Bumalik si Danna sa tapat ko at may dala na siyang sketch pad. Sakto rin na nag aayos na ako ng mga gamit ko.

“Mahilig ka magdrawing ’di ba? Kaya mo rin sa anime?” tanong niya.

Umayos ako ng upo. Nakarinig na agad ako ng asaran dahil lang nasa gilid ko si Danna at nakatayo ro’n.

“Yeah, a bit,” sagot ko.

Pinakita niya sa akin ang sketch pad niyang hawak. Bumungad sa akin si Ace, character sa One Piece ’yon. May ibang anime pa siyang nakadrawing doon.

“Oh? One Piece fan ka?” medyo hindi ko naitago ang galak sa tono ko.

Bahagya siyang natawa. “Oo. Kahit anong anime naman,” sagot niya.

Nakakatuwa na may mga babaeng mahilig sa anime. Bihira lang kasi ang gano’n, common kasi na puro lalaki lang ang mahilig sa anime.

And knowing she’s a One Piece fan, I feel a bit excited. Si Bea nanonood na rin ng One Piece. I’m sure matutuwa siya kapag nalaman niyang may nakausap akong One Piece fan din. Baka magkasundo rin sila ni Danna if ever.

I’ll tell it to her later. Sa kaniya ako uuwi mamaya. I’ll sleep there later.

“Nice! My girlfriend is a fan of One Piece, too. Nahilig siya dahil sa akin. I’m a fan of anime,” sabi ko naman.

Bahagya naman siyang nagulat at kalaunan ay natawa rin.

“Maganda kasi talaga ang anime. Hindi siya nakakasawang panoorin,” sagot niya.

“Diyan nagsisimula ’yon, e,” rinig kong sabi ng isang kasamahan ko, sa grupo ni Drew iyon.

Nagsimula na naman silang asarin kami ni Danna. Hindi ko na pinatulan ang mga gano’n.

Natawa si Danna. “Nag-uusap lang naman kami. Huwag kayong ma-issue,” sabi niya.

I know she’s a bit annoyed, too. Ilang beses na kasing ganito ang mga kasamahan namin.

I'll Be Here (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon