May mga bagay na nangyayari sa atin ngunit mahirap paniwalaan. Mahirap ipaliwanag at tayo lamang ang nakakaintindi at nakakaalam. Tayo lamang ang nakakakita at nakakaramdam nito. Mga talinghagang hindi maipaliwanag ng kahit na sino.
At sa unang pagkakataon sa magkaibang panahon, ang unang tintang lalapat sa magkabiyak na libro ng mga puso ay muling magtatagpo. Ilang taon man ang itinagal nito, mahaba man na panahon ang lumipas at malayo man ang mga puso, ngunit sa huli ay magsasama parin ito at muling bubuhayin at sisimulan ang kwento sa libro ng mga puso.
***
SA HULING TALINGHAGA NG EKLIPSE
Malagonlong bridge in Tayabas City was built in 1841 under Gobernadorcillo Don Juaquin Ortega's term.
"MARAHIL ay naghahanda ka ng iyong regalo aking kapatid?" Putol ni Odessa sa katahimikang bumalot sa binatang si Cordusio.
Mabilis na ibinalik ng binata ang mga materyales sa pagkukumpuni ng papel na rosas. Sandali namang tumawa si Odessa habang dala-dala ang isang maliit na kahon.
"Ang aking kapatid ay pumapag-ibig na," lumapit si Odessa. "Iyan ba ay para kay binibining Berlima?" Bulong niya.
Pumeke lamang ng ngiti ang binata sa kaniyang kapatid. Batid niyang hindi talaga para iyon kay Berlima.
"Maaaring ganoon nga, ate".
"Sigurado akong magugustuhan niya!" Malawak na ngiti ang iginawad ni Odessa sa kapatid at agad namang tumango si Cordusio. "Ano ang laman ng kahon ate?"
"Mga tsokolate ito na mula kay Aleng Rupa. Ipinadala niya ito bilang handog na pasasalamat sa kabutihan ng ama dahil tinulungan ni ama na makalaya sa kulungan ang kanyang asawa."
Agad namang tumango ang binata bago ito naglakad patungo sa mga nakahilerang mga bagahe sa sahig. Nasa Maynila sila at ito ang araw ng muli nilang pagbabalik sa bayang kinagisnan nila, sa bayan ng Tayabas.
"Oh, hija't hijo! Kayo ay magsipaghanda na't sasapit na ang dilim. Baka kayo ay maiwan ng barko sa daungan." Aniya lola Cecita.
Ang matandang si Cecita ay lola nina Odessa at Cordusio. Bagaman matanda na ito ngunit hindi linggid sa kaalaman ng lahat na siya ay malakas pa at nagagawa niya pang makapaglakad ng malayo o maglakbay sa ilang parte ng kabisera ng bayan. Hindi rin uso sa kanya ang tungkod at malinaw din ang paningin niya.
Nagagalak na lumapit ang dalawa sa matanda. Pareho silang nag mano at hinagkan ang matanda samantalang ang kanilang mga bagahe ay isinakay na ng mga kasambahay sa kalesa.
Unang lumabas si Odessa sa mansyon ni lola Cecita at susunod lamang si Cordusio. Ngnunit bago pa man tuluyang makasunod ang binata ay agad itong hinila ng matanda at may ibinigay itong isang kahon na balot na balot ng isang magarbong tela. Magrereklamo pa sana si Cordusio ngunit sinuway ito ng kaniyang lola kung kaya't agad itong sumunod palabas at nagtungo na sa sasakyan nilang kalesa.
Hating gabi na ngunit hindi pa dumadalaw ang espirito ng antok kay Cordusio. Nakahilatay lamang siya sa kaniyang kwarto habang pinapakinggan ang huni ng gabi sa gitna ng karagatan. Sa labas ay maririnig ang ingay na nagmumula sa barko at ang ingay ng mga alon.
Malalim ang iniisip ni Cordusio. Iniisip niya kung ano na ang naging hitsura ng Tayabas at ang kaniyang iniirog na dalaga.
Hanggang sa sumagi sa isipan niya ang kahon na ibinigay ng kaniyang lola bago sila umalis sa Maynila. Agad bumangon si Cordusio at kinuha ang kahon.
Nang mabuksan niya ito ay tumambad sa kanya ang isang lumang libro. Kulay itim ang pabalat nito at may nakaukit na hugis ng araw habang ang bawat pahina nito ay blangko.
Kumunot ang noo ni Cordusio. Alam ng lola niya na mahilig siya lumikha ng mga tula. Agad namang napangiti ang binata sa naiisip niya. Pwedi niya itong sulatan ng kaniyang mga saloobin o kaya gawin niya itong talaarawan.
Nagpatuloy siya sa pagsusuri sa blangkong aklat at sa huling pahina nito ay may nakita siyang sulat. Ito ay nakasulat sa baybayin at ang mensahe ng sulat ay:
ᜀᜅ᜔ ᜂᜈᜅ᜔ ᜆᜒᜈ᜔ᜆᜅ᜔ ᜎᜎᜉᜆ᜔ ᜐ ᜎᜒᜊ᜔ᜇᜓᜅ᜔ ᜁᜆᜓ ᜀᜌ᜔ ᜋᜄ᜔ᜐᜒᜐᜒᜎ᜔ᜊᜒᜅ᜔ ᜐᜓᜐᜒ ᜂᜉᜅ᜔ ᜋᜓᜎᜒᜅ᜔ ᜋᜊᜓᜃ᜔ᜐᜈ᜔ ᜀᜅ᜔ ᜇᜎᜏᜅ᜔ ᜋᜄ᜔ᜃᜊᜒᜌᜃ᜔ ᜈ ᜉᜓᜐᜓ ᜈ ᜋᜆᜄᜎ᜔ ᜈᜅ᜔ ᜁᜉᜒᜈᜄ᜔ᜃᜎᜌᜓ ᜅ᜔ ᜆᜇ᜔ᜑᜈ᜶ ᜀᜅ᜔ ᜉᜓᜐᜓ ᜀᜌ᜔ ᜋᜄ᜔ᜐᜐᜋ ᜃᜆᜓᜎᜇ᜔ ᜈᜅ᜔ ᜉᜄ᜔ᜐᜐᜋ ᜅ᜔ ᜀᜇᜏ᜔ ᜀᜆ᜔ ᜅ᜔ ᜊᜓᜏᜈ᜔᜶
Translation:
"Ang unang tintang lalapat sa librong ito ay magsisilbing susi upang muling mabuksan ang dalawang magkabiyak na puso na matagal nang pinagkalayo ng tadhana. Ang mga puso ay magsasama katulad ng pagsasama ng araw at ng buwan"
Bumakas ang pagtataka sa mukha ni Cordusio. Ano kaya ang ibig sabinin niyon?
Bumuntong hininga na lamang siya. Hindi niya maintindihan ang tinutukoy ng sulat. Para sa kanya, ang sulat na iyon ay sinulat lamang ng kaniyang lola. Sadyang matalimhaga at malikot mag-iisip ang kaniyang lola sapagkat mahilig ito sa paglika ng tula. Ngunit ang hindi niya alam, ang sulat na iyon ay isinulat ng magkabiyak na mga puso.
Sabagay, mahilig din naman sa paglika ng tula ang binata kung kaya't nag umpisa siyang magsulat ng tula sa libro. At ito ang unang tintang dumanak sa libro ng magkabiyak na puso.
Ako man ay waring si araw,
At ikaw'y isang buwan na sumasayaw,
At sa kadiliman ika'y tinatanaw,
Sinag ko'y sana iyong matanaw.Ilang taon man kitang hihintayin,
Unos man ay dadanasin,
Sa malawak na sandaigdigan,
Hihintayin kita't sana'y dinggin.1841
Ang taon kung saan ang buhay ni Cordusio De Leña ay magbabago...
*********
YOU ARE READING
Sa Huling Talinghaga ng Eklipse
Historical FictionMaraming hindi maipaliwanag na talinghaga sa likod ng eklipse. Si Heneral Cordusio ay nabubuhay sa taong 1841 habang si Feliciana ay nabubuhay sa taong 2024. Pareho ang petsa ng kanilang kapanganakan kaya naman noong 21st birthday nila ay pareho si...