Kabanata 2: Ang Tula

26 3 0
                                    

Malawak

Maliwanag

Nakakabingi ang katahimikan.

At

Masakit sa mata ang liwanag...

Nasaan ako?

Ano ang lugar na ito?

Bakit ako nandito?

Am I dead?

Ang huli ko lang na natandaan ay nag celebrate ako ng birthday ko kasama si Dol at ng mga kaibigan ko and the rest hindi ko na matandaan ang sumunod na nangyari.

Ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit nandito ako. What's wrong? 

O baka panaginip lang ito? Teka, bakit masyadong maliwanag ang buong kapaligiran?

Masyado ring kalmado ang hangin at nakakabingi ang katahimikan.

I mean walang katao-tao rito!

Walang puno, walang kahit ano... God, where am I?

Bahagya kong pinukpok ang ulo ko pero bakit ganon? Nararamdaman ko pa rin na gising na gising ako.

Pero ang mas nakapagtataka ay bakit ko dala-dala ang sketchbook na niregalo ni mama? Hindi ko agad ito namalayan na kanina ko na pala itong hawak-hawak.

Nagsimula akong maglakad. Nagba-bakasakaling  magising ako sa panaginip na ito or whatsoever.

Habang naglalakad ako sa malawak na liwanag kahit wala akong makita ay nagpatuloy parin ako. Ngunit sa paglalakad kong iyon ay biglang may nabangga ako dahilan para bumagsak ako sa lupa. Nabitawan ko rin ang sketchbook.

Hindi ko nakita kung ano iyon dahil wala namang nakaharang na kahit anong bagay sa harap ko. Only white background of light lang ang visible sa akin.

Pero nakaramdam ako ng sakit. Ang lakas-lakas ng pagkakabagsak ko sa lupa. Pakiramdam ko isang hayop o malaking tao ang bumangga o nabangga ko. Hindi ko lang alam...

At dahil doon, unti-unting nawawala ang liwanag ng paligid at napapalitan ito ng fog. Medyo blurd pa ang paningin ko sa lupang binagsakan ko pero habang tumatagal ay nagiging visible na ang mga green grass na nasa lupa.

Naramdaman ko agad ang matinding kirot ng braso ko. Natumba ako kanina at nasugatan ang braso ko.

Sa mga sandaling iyon ay unti-unti ko nang nasisilayan ang kapaligiran. May mga natitira pang mga fog pero ang mga damo at puno ay nagkikita ko na.

Nasaan ako?

Hanggang sa nilibot ko ang buong paningin ko sa kakaibang lugar na ito pero ang nakita ko ay ang sketchbook ko na nakahandusay sa lupa. Agad akong bumangon para pulutin iyon pero...

"Ate!"

It was Dol.

"You're up!" Gwapong smile ang agad niyang ibinato sa akin, "good morning." Dagdag pa niya

Dol is smoothly combing his hair. Kasalukuyang nasa harap niya ang salamin na nakadikit sa wall ng kwarto ko.

Teka, what happened last night? Wala na akong maalala.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sa Huling Talinghaga ng EklipseWhere stories live. Discover now