Kabanata 1: Ang unang talinghaga ng eklipse

40 5 0
                                    

"HAPPY BIRTHDAY ATE!" Isang malakas na bati ang bungad sa akin ni  Dol nang makapasok ako sa bahay. Dol is my brother.

It really surprised me dahil ang totoo pati birthday ko ay nakalimutan ko na rin.

Napangiti ako, "thank you." Kahit papaano ay may nakakaalala pa pala sa kapanganakan ko. And it was him.

"Ate, here's your cake. Ako ang nag bake niyan, I hope you will like it!"

Ang sweet naman ng isang ito. Lumapit ako sa kanya. Gosh, ang ganda ng pagkakadesign ng cake. "Did you really baked this for me?"

"Yes of course!" Proud niyang sagot.

"Blow the candle na." He even added.

Then, I blown the candle...

Honestly, I felt strange. Ibang iba ang pakiramdam. Malayong malayo ang timbangan noon at ngayon. Kung noon ay lagi kong nakakasama si mama sa tuwing birthday ko, kung noon ay lagi siyang nasa tabi ko pero ngayon, iba na. Ibang-iba na dahil wala na siya sa tabi ko dahil nasa ibang bansa na siya naninirahan kasama ng bago niyang asawa.

Nakita ko ang dimple na sumilip kay Dol habang tuwang tuwa ito. Dol is half blooded. Half Pilipino at half Palestino. Overseas Filipino Worker ang mama noon sa Palestine and may nakilala siyang guy at pinakasalan siya. Mahal naman nila ang isa't isa kaya lang, nagkaroon ng sakit sa puso ang ama ni Dol kaya binawian siya ng buhay kahit nasa sinapupunan pa lamang ni mama si Dol. After what happened ay umuwi si mama dito sa Pilipinas at dito na rin pinalaki ang kapatid ko sa ibang ama. Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit gwapo ang kapatid ko at matangos ang ilong.

"Bakit malungkot na naman ang ate?"

Napatingin ako sa kanya. "Ah, ako? Malulungkot? Sa mismong birthday ko? Hindi 'no!" Sabi ko kahit obvious naman na may kirot sa puso ko dahil ito na ang pangatlong birthday ko na wala si mama.

"Ah, eto ate!" He showed me a box. Iyong balot na balot ng mga makukulay na balot. Parang christmast lang?

"Regalo ito ni mama. Galing pa raw ito kay lola. Hindi rin naman niya ito napakinabangan noong kaarawan ni mama noong nag 21 siya kaya itinago na lang niya ito at hinintay ka mag 21 bago ito ibigay sa iyo as gift!"

Gosh!

Hinintay ni mama na mag 21 ako? Bago niya ito iregalo? Pwedi naman sana noong nag 15 ako. Hmff.

Hindi ko alam kung ano ang nilalaman ng box. Pero nang hawakan ko ito ay masyado siyang magaan. What's inside?

"Nag abala pa ang mama..." Saad ko na may halong lungkot sa aking mga mata pero agad ko iyon binawi at binigyan ko ng kumikinang na mga mata ang aking poging kapatid.

"Oh siya, mamaya na lang natin ito buksan. Kainin muna natin ang cake!" Excited kong tinuran.

ALAS diyes y mediya na ng gabi. Nasa loob na ako ng kwarto at nag si-scroll sa news feed sa aking Facebook. Nasa kwarto na rin si Dol at nagpapahinga na dahil may pasok pa siya bukas. Simpleng celebration lang naman ang ginawa namin kanina. Pagkatapos namin kumain ng cake at uminom ng soft drinks at nag kwentuhan ng kung ano-ano ay agad din naman kami nag ayos ng mga gamit tsaka nagsikulong na sa aming mga kwarto.

Halos hindi na rin magkandaugaga ang notification at messages ko. Ang daming bumabati sa akin ng 'happy birthday'.

'Happy f0rn day Shana!'

'Sana mabuhai ka pa ng matagal beh'

'Anong handa?'

'Oii gaga, let's celebrate Ana'

Sa Huling Talinghaga ng EklipseWhere stories live. Discover now