CHAPTER 2

4 0 0
                                    

AELIANA'S POV

"Hoy ano?! Asan kana?!" agad bumungad ang boses ni cali sa cellphone.

umagang - umaga

"Bakit? Ano ba yon? Hoy Cali umagang - umaga ha, ikalma mo naman yang bunganga mo" irritableng sagot ko sa kaniya, dahil ang totoo ay hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa nangyari kahapon, magdamag ko itong inisip.

"Hoy anong- baka nakakalimutan mong may long quiz tayo ngayon?!" agad naman ako natigilan sa sinabi ni cali sakin.

shit, oo nga pala putek may long quiz pala ngayon at kay dragona pa?!

"Nakalimutan ko! Eto na kikilos na, kayo na muna bahala kay dragona ha?! Tenkyou cali, mwuah!" nagmamadaling sabi ko para matapos na ang usapan namin, dahil napaka-ingay ng bunganga niya, tsk.

"Yu-yuckkk!!!! pwe! pwe!, kadiri ka naman lianna!" Maarteng sabi niya na halos maduwal duwal pa.

anak ng... ang O.A ha!

"bye gorjas gurl!" maarteng sabi ko pa at nung sasagot na siya ay binaba ko na agad ang call.

Dali - dali akong bumangon sa higaan ko at dumaretsyo na sa C.R, pagkatapos kong maligo ay nag toothbrush naman ako at nag mouthwash dahil hindi pwedeng amoy baktol ang bunganga ko. Kumuha nalang ako ng mamon  at coke sa reff bago ako lumabas ng apartment ko at sumakay sa motor ko, dahil hindi ako pwedeng magcommute at masyado na akong late.

puputok nanaman ang mga litid ni dragona kapag nakita ako, tsk tsk.

Wala pang 10 minutes ay nakarating na agad ako sa sa parking lot at halos hubarin ko na ang school shoes ko dahil nagmamabilis na akong tumakbo at di pwedeng maunahan ako ni dragona sa room.

Pawis na pawis akong pumasok sa room, mahal talaga ako ng diyos kasi wala pa doon si dragona.

"Umagang umaga aeliana pero mukhang maaga rin pumasok ang stress sayo, kaloka ang itsura mo teh!" pang-aasar ni alaia sakin at nginiwan ko nalang siya dahil masyado akong pagod kahit umaga palang.

"GOOODMORNENGG CLASS!" malakas at mahabang bati ni Ma'am Michelle, samin agad naman kaming bumati sa kaniya ngunit hindi na kami tumayo kasi ayaw niya yon at halos lahat naman ng teacher dito sa senior high ay hindi na kami pinapatayo tuwing babati sa kanila. "Get ready your ballpen, and in five minutes, our long quiz will start with 100 items. Any correction is wrong. Reminder You can only use a blackpen." agad naman umugong ang mga reklamo ng mga kaklase namin.

angas ah? 100 items para sa long quiz? anak ng...

Nagsimula na ang aming long quiz at wala nang nagtakang magsalita pa dahil alam nilang pupunitin ni ma'am ang sinong mahuli niya na maraming reklamo.

"Parang nalugaw ang utak ko don ah?!" agad na reklamo ni alaia pagkatapos ng long quiz namin.

"Sinabi mo pa! Jusko parang wala naman don ung mga tinuturo niya ah?!" reklamo din ni cali dito, at talaga namang halata sa mukha nila ang matinding stress. "Kayong dalawa?! Kamusta naman kayo? At kanina pa kayong nanahimik dyan? Nasagutan niyo ba lahat ung mga yon?!" tanong niya samin ni cali.

"Talagang nagtaka ka pa na tahimik kami dito ha?! Talaga namang tahimik si addie" natatawang angal ko sa kaniya, kasi totoo naman si addie ang palaging tahimik samin, palagi siyang walang reaksyon. Kala mo menopause na.

"Lahat nasagutan ko, cali" sagot ni addie sa kaniya habang sa iba nakatingin ang mga mata niya at para bang tamad na tamad ibuka ang bunganga niya.

"Wala pala tayo kay addie eh, naknamputcha baka anak yan ni ma'am michelle?! HAHAHAHA best in physics ata to?!" pang-aasar ni cali sa kaniya na imbis na sagutin siya ni addie ay inirapan lang niya ito.

Tahimik na kaming naglalakad papunta sa canteen, at agad na pumunta sa pwesto namin. Hindi sobrang laki ang canteen namin pero hindi rin sobrang sikip, may mga aircon din sa canteen namin at ang pwesto namin ay sa tapat ng aircon para malamig at hindi kami mangamoy dugyot dito. Agad na umorder ung tatlo at ako naman ang naiwan sa table para bantayan ang mga gamit namin.

Since grade 7 ay magkakaibigan na kami at hindi talaga kami mapaghiwalay kahit na sa señior high na kami ay nasa iisang school parin kami.

Sa aming apat ay si adira raine or addie, ang pinakamaganda samin pero siya rin ang pinakagwapo, masc kasi siya.  Mestiza, Tall, singkit ang mga mata, matangos na ilong, short wolfcut na medyo wavy ang buhok niya kaya kitang kita mo ang volume ng hair niya at talaga namang bagay na bagay yon sa kaniya, nakasuot siya ng specs na photochromic, habang suot ang pants at blouse na uniform namin at naglalakad na nakapasok ang isang kamay sa bulsa ng pants at ung isang kamay naman ay hawak ang inorder niya na can coke at iniinom ito.

Si Allison Alaia naman ay may straight na hanggang balikat ang buhok, morena, sakto lang ang height niya na may makapal na kilay na may matangos na ilong, malayo palang ay talaga namang mapapatingin ka sa kaniya. Pero ang intimidating ang itsura niya para bang kakainin ka ng buhay sa mga tinginan niya.

Si Caliya Xymin naman ay may long wavy hair na mestiza na parang wala ng dugo sa sobrang puti, na may matangos na ilong at plump lips na almond eyes na may mahabang pilik mata, at siya ang pinakamaliit samin, lagi itong nakangiti at hindi matatagalan na hindi bumubuka ang bunganga. Marami talaga ang humahanga sa ganda ni cali.

"Anong tinitingin - tingin mo dyan? Tanghaling tapat nag daydream ka dyan?! Iba rin ang trip mo eh no?!" salita ni cali kaya nagulat naman akong napatingin sa kanila at tumatawa naman sila. "Ayan na madam ang beef mushroom mo at iced cucumber drinks" lapag ni cali sakin, agad naman ako nagpasalamat at sinumulan na namin kumain para maaga rin kami matapos.

"Grabe no? ang ganda ganda dito, good choice talaga na ito ang pinili nating school for señior high" natutuwang sabi ni alaia na nakangiti sa mga puno habang nakatambay kami sa mini garden ng school.

"Ganda rin ng tuition" natatawang sabi ko rin sa kaniya, para naman matawa din sila.

"Coming from you?! Talaga ba? Na dating nagaaral sa—"

"Alam mo?! Ang ganda ganda ng lugar pwede ka bang manahimik?!" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita niya.

masyado pang maaga hehehe

"What if, after class bukas gumala tayo?! Kasi parang deserve ko ang sariwang hangin ng nature" yaya ni cali at syempre ang unang sumang-ayon sa kaniya ay si alaia at syempre tumango lang si addie sa plano niya, para tumangin silang lahat sakin.

badtrip naman oh

"Anong klaseng sariwang hangin pa ba gusto mo? Ayan ah nasa garden na tayo, maraming mga puno dito. Pwede namang—" pinutol niya ang sasabihin ko at dinuro ako sa mukha at nakapamewang pa ang isang kamay.

"Ano mo talagang ebas eh no?! Ang korni mo talaga? Bili na kasi aeliana, sumama kana!" parang kawawang bata na pumipilit sakin ja sumama sa kanila.

"Di ako pwede bukas"

"At bakit? Bakit bawal ka bukas? Wala naman tayong gagawin bukas ah?"

"May kailangan akong puntahan"

"Edi sasamahan ka namin, ano ka ba"

"Bawal, Caliya"

"Pleaseeeee!!!"

"Kahit lumuha ka pa ng dugo dyan, bawal kayo don, caliya." pagtatapos ko ng usapan at bumuntong hininga at alam na nila yon na hindi ko sasabihin kung saan ako pupunta.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNDER THE SUNSET (ON-GOING)Where stories live. Discover now