CHAPTER 1

14 0 0
                                    

AELIANA'S POV

Kakatapos lang ng class namin ngayon, nandito kami malapit sa may quiapo, dahil may binili lang si cali, kaibigan ko.

"Nakakainis naman ung prof ko, andaming arte itatambak den naman 'to!" reklamo niya habang naghahanap ng mga kailangan sa project niya.

Napapailing nalang ako dahil sa ingay niya, sabagay natural na sa kaniya 'to, ang pagiging maingay kahit saan.

"Can you please shut up?" iritang sabi ni addie.

"Ang panget mo kabonding" banat ni cali sa kaniya, umirap lang naman si addie sa kaniya.

"Ang ingay mo" may diin na sabi ni addie kay cali.

Her name is adira but she prefers to be called addie.

Ganyan lang talaga sila, lalo na kapag wala sa mood si addie, ayaw niya ng maingay. Sanay na rin kami sa ganong ugali ni addie.

"Alam mo naman badtrip ang adira natin, ang ingay mo pa HAHAHAHAHA" pangasar naman ni alaia.

Napatawa naman ako nung nakita kong umirap lang si addie.

"Bilisan mo na bumili cali, anong oras na" sabat ko sa kanila.

"Kung tulungan mo kaya ako ano liana?" Sarcastic na sabi niya sakin, agad naman akong tumawa.

"Bakit ka natawa? Tanginamo naman eh" asar na sabi niya, lalo pag naasar ang mukha niya nung sinabayan pa ni alaia ng nakakasusot na tawa.

"Kaya mo na yan, big girl kana" sabi ko sa kaniya habang pangisi ngisi.

"Dun muna ako mga pre" sabi ko sabay turo sa mga notebooks at mga highliters.

Naglakad ako ng patawa tawa, at ngising tumingin kay cali, kitang kita ko ang pagkairita niya.

Hilig talaga namin na asarin lagi si cali, kasi mabilis siyang maasar at medyo cute na rin, alam ko naman na tutulungan siya ni alaia don.

Nang makarating ako sa lagayan ng mga notebooks, agad ako naghanap ng sunset na cover.

Kinuha ko ito, at tingnan ang bawat pahina. Ang ganda ng cover nito pati ang papel na ginamit dito.

"Putangina ginto ba 'to?!" Gulat na sabi ko nung nakita ko kung ano ang presyo nito.

230?!?!?! tangina pag ba sinulatan ko to magiging ginto ba bawat letrang isusulat ko????

Agad kong binalik kung saan ito nakalagay, pero nilagay ko ito sa pinakadulo.

ang pinagbabawal na teknik haha.

"Babalikan kita" turo ko sa libro habang paatras ng biglang...

"Aray" nagulat ako ng may nabangga ako sa likod ko,mahina siyang napaaray.

"Sorry ate, sorry po talaga" sabi ko dito, ngunit parang kakaiba nung tumama ang mga mata niya sakin.

"Its okay, wag mo kasi kausapin ang notebook sa susunod" sabi ng babaeng nabangga ko, hindi ko alam kung joke ba yon o ano? At naglakad siya ng daredaretsyo.

Gago yon ah?!

Inis akong bumalik kung nasaan ang kaibigan ko, pero bago ako magpakita sa kanila ay inayos ko na ang sarili ko.

"Ayun! Ayun ang hinahanap ko! Nasan ba mga sales lady dito?" Sabi ni cali habang natingin sa paligid, nasa taas kasi ang hinahanap niya, at dahil pandak siya hindi niya ito maabot.

"Psh, pandak" natatawang sabi ni addie sa kaniya.

Hindi iyon narinig ni cali, at naglakad na si addie papunta sa tinuturo ni cali at inabot ito.

"Sa susunod kasi mag cherifer kana kili-kili" pangaasar ni addie, gusto ko naman humalagpak sa tawa.

baliw ka adira tanginamo HAHAHAHAHAHA.

"Hoy tanginamo adira, kahit ganto ko maganda ata to!" Sabi ni cali sa kaniya, habang turo sa muka at tumawa, at tumawa nalang kaming lahat.

Pagkalabas namin ay napagdesisyunan namin na, dumaan muna sa simabahan.

May mga nagtitindang mga pagkain sa gilid gilid, papunta na kami sa ihawan kaso biglang may nadanan kaming manghuhula, at tumigil na humarap samin si alaia.

"Try kaya natin magpahula, wala namang masama kung itratry natin diba" ngiting ngiti na sabi ni alaia samin, agad naman kaming nagkatitigan.

"Oo nga tama si alaia HAHAHAHAH you know malay mo tama ung hula edi alam na natin ung mangyayari HAHAHAHAHA" tawa ko at agad naman kaming nag apir ni alaia.

"Baka makahanap ako ng sugar dadeh" natatawang sabi ko sa kanila, tumawa naman sila.

Agad na sumunod kami kay alaia, dahil siya ang pasimuno nito, narinig ko pang umangal si addie.

"Psh" mahinang angal ni addie.

"Ano ka ba kahit kailan ang pangit mo kabonding" saway ni cali sa kaniya.

Nang makapasok na kami sa isang tent na nandon ang manghuhula, parang nararamdam akong kakaiba.

Bakit ako kinakabahan? Wala naman akong dapat kabahan kasi magpapahula lang kami.

"Tapos na ako pre, ikaw na" bulong sakin ni alaia, mukang masaya naman siya, pero lagi naman siyang masaya.

"H-ha? Si cali muna, papahuli nalang ako" nauutal na sabi ko sa kaniya, kitang kita ko ang pagtataka niya, pero maya maya ay tumango siya sakin at pumunta sa tabi ni cali at binulong don na siya na muna ang mauuna.

Makalipas ng ilang oras ay ako na ang sasalang, hindi ko alam pero habang naglalakad ako ng dahan dahan papunta sa manghuhula ay hindi maawat ang pag tibok ng mabilis ang puso ko.

Para na itong lalabas sa dibdib ko, pinag papawisan ako ng matindi.

"Pangalan?" Unang tanong sakin ng manghuhula, ngayon ay nakaupo na ako sa harap niya.

"Aeliana" maikling sagot ko, lalo akong kinabahan ng tumitig lang siya sakin.

"Ikaw pala" maikling sagot niya sakin habang hindi parin natitinag ang titig niya sakin.

'hehe liana pag hindi parin ito tumigil sa pagtitig tumakbo kana' sabi ko sa utak ko.

"H-ha? A-ang alin po?" Nauutal na tanong ko, pinipigilan kong mautal pero hindi ko parin magawa.

"Ikaw pala ang sinasabi nilang huling magpapahula" sabi niya sakin at tumingin na siya sa mga bara niya.

Kung ano ano ang ginagawa niya don at hindi ko iyon matindihan.

May nilapag siyang dalawang baraha sa tapat ko, at hindi ko alam kung ano yon at kung anong tawag don.

"Matutupad mo ang lahat ng pangarap mo" sabi niya sakin, napangiti naman ako ng kaunti.

Sa lahat ng paghihirap ko, matutupad ko din ang lahat ng pangarap ko.

May nilapag ulit siya dalawang baraha.

"May isa kang pangako na masisira" sabi niya ulit sakin.

Hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi niya, dahil kahit kailan hindi ako babasag sa sarili kong pangako.

May nilapag ulit siyang dalawang baraha, at tila bang doon ako kinabahan ng sobra.

Bakit ko ba 'to nararamdaman?

"Mamatay ka sa paborito mong oras."

UNDER THE SUNSET (ON-GOING)Where stories live. Discover now