CHAPTER 8

144 73 34
                                    

Yoshio's Point of View

Pinarada ko na sa labas ng bahay ang black kong motor.

"Papa!" Sabay na sigaw ng dalawa kong anak. Pababa pa lang ako sa motor ng salubungin ako nina Mizuki at Miizumi sa garahe. Napangiti naman ako dahil hindi pumapalya ang dalawang ito sa pag aantay sa akin. Kahit dis-oras na ng gabi ay hindi sila nakakalimot na mag hintay.

"Mama niyo nasaan?" tanong ko.

"Nandon po sa kwarto papa, nagugutom na nga po kami." Turo ni Mizuki sa kanyang tiyan.

"Wala rin pong sinaing at ulam." angal na sambit ni Miizumi.

Biglang kumirot ang puso ko nang malaman kong ganito na naman ginagawa ng asawa ko sa mga anak ko. Palagi na lang niyang binabaliwala ang mga bata.

"Tara samahan niyo sa kusina. Magluluto lang si papa. Pasensya na kayo hindi ko kayo naiwanan ng pagkain kanina." I sighed.

"Pa, what if mag-order na lang po tayo para makapahinga ka po while waiting?" Ani ni Mizuki.

"Sigurado kayo? Sige kung gusto niyo mag o-order na ako para mahilamusan ko na kayong dalawa." Sang ayon kong sabi sa kanila.

Umorder ako sa paboritong fast food chain ng mga anak ko. Jollibee. Six pieces of chicken joy bucket, three rice, three peach mango pies, three sides and three regular drinks. Additional super meal chicken joy, half jolly spaghetti, regular fries, rice and coke float with four mashed potatoes and sundaes for our late dinner.

Naiisip ko pa lang natatakam na rin ako. Paborito ko rin ang mga ito.

"Kunin niyo na yung damit at towel ninyo. Habang nag aantay tayo sa order mag hilamos muna kayong dalawa para after nito toothbrush na lang at makapahinga na kayo." utos ko sa kanila. Agad naman silang tumayo at kumuha sa kani-kanilang drawer.

Nakapag init na rin ako ng tubig at nilagay iyon sa balde. Hinaluan ko rin ito ng tap water para maging balanse lang ang lamig at init ng tubig.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay natapos ko na silang linisan, nakaupo na rin ang dalawa sa lamesa nang may nag door bell.

Mukhang ito na ata ang inorder ko.

Napasilip ang dalawa kong anak at tuwang tuwa ng makita ang supot ng Jollibee. Gaya ko, paborito nila ang mga ito. Tinulungan nila ako sa pag bitbit ng mga ito.

"Miizumi, tawagin mo na si mama mo. Sabihin mo kakain na tayo." Pilit akong ngumiti kahit na nadudurog ang puso ko ngayon.

Maya-maya pa ay bumaba muli si Miizumi ngunit wala ang anino ng kanilang ina. Kaya't nagpasya na akong umakyat at ako na ang tumawag sa kanya. Sinenyasan ko ang mga anak kong mauna na kumain dahil alam kong gutom na sila.

"Yome, si Yoshio ito. Kain na tayo." Kumatok ako sa pinto. Yome ang tawag ko sa kanya na ang ibig sabihin ay wifey sa salitang Japanese.

"Yome?" Pinihit ko na ang doorknob at nakita ko siyang gumagamit ng laptop at sobrang busy sa ginagawa.

"Hindi mo ba ako naririnig?" tanong ko muli sa kanya. This time lumapit na ako at binaba ko ang monitor ng laptop niya dahilan para tignan niya ako.

My wife doesn't love me and she ignores me, which hurts my heart to admit. I have been struggling for a time to accept this sad fact. I initially believed that it was only a temporary situation, a difficult time in our marriage that we could get through.

As the days progressed into weeks, and then into months, I became aware that there was a deeper problem.

Hello, Sir Yoshio. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon