chapter two - "Darna!"

11 1 0
                                    

A/N: Hi guys! So, eto na nga pala ang chapter two ko. I really hope you like it. Kung feel niyong mag-comment then go! go! go! Ready your keyboard and mag-comment na. Oh! Kung gusto niyo ring mag-vote eh okay din pala. Hehe:D

__

"So class let's all open our texbooks on page.."

Blah.Blah.Blah. Hindi ko na pinakinggan pa ang mga sinasabi ng teacher namin. I opted to look at the gorgeous boys surrounding me at the moment nang hindi inaasahang dinapuan ng fabulous eyes ko yung transfer student aka suicidal emo nerd. 

Apparently, the new student is named Krissa Kristopher Grey. Tall, fair, and averagely normal. In short, she's boring. That's right people of the Philippines! She's a girl! Weird man ang pangalan niya but she's a certified girlaloo but since boring siya eh ini-ignore ko na lang siya.

Binalingan ko na lang ng tingin ang liwanag sa madilim kong buhay, si fafa-

"Mr. De Guzman?," tawag ng teacher kong pangit na humila sa kaluluwa ko pabalik sa katawan ko.

"Yes?," pa-cute na sabi ko while I touched my short hair.

"Please continue where Ms. Batong stopped"

"Ahm...," 'Yan kasi eh. Hindi nakikinig

Oh my momay! What am I going to do na? Baka katayin ako nitong UGLY teacher namin! EEEE! Sayang ang ganda ko!

"Page 102. Fifth stanza," pasimpleng bulong sakin ni Ms. Emo Nerd.

"What?,"ulit ko na hindi makapaniwala. Nakalimutan ko palang sabihin pero seatmate ko pala yung miyembro ng kulto ng kadiliman na ito.

" Page 102. Fifth stanza," bulong naman ulit sakin ni nerd.

With a sarcastic grin on my face, I turned to my teacher and read aloud. Hmm... Mukhang hindi naman masyadong masama si "parang-gusto-ko-nang-mamatay" looking emo nerd na ito.Maka-thank you nga sa kanya mamaya.

__

RIIINNNNGG!!!!!!!!!

Hooray! Hoorah! Ohh-La-La! Last subject na namin! Guess what mga delicious admirers ko? We are just going to have a film showing. Hahaha! Ang swerte talaga ng ganda kong pang-diyosa! Thank you patrona ng mga feeling girlaloos! Thank you presidente ng Pilipinas! At thank you nga rin pala sa sponsors ko! I want to thank Vicky Belo for-

"Ay kabayo!" napasigaw ako nang biglang sumulpot si Ms. Emo Nerd.

 "Is something wrong Mr. De Guzman?" mataray na tanong ng malditang History teacher namin.

I just put up my best smile. "It's nothing ma'am." My problem is your face.

My teacher just gave me a warning and continued ignoring me. And so, after a hundred years eh natapos na din yung movie.

Papauwi na sana ako ng makita ko si Ms. Emo Nerd na pinapalibutan ng tatlong girls. O. EM. GEE. Iz thiz hu-what I think thiz iz??

Is she being bullied?

Oh well. Sanay naman siguro itong i-bully. Even I can understand these girls. That geeky loner just seems to look like she's begging to be bullied.

I was about to walk away, runway style, when I remembered something. I still owe that  weirdo something. DA FUDGE! Nakakaimbeyerna! Kailangan ko pang maging ala-Darna! Ugh! Masisira ang beauty ko nito!

"Hoy mga bruha!" sigaw ko sa inis. "What are you doing to that freakshow?"

Bumaling sakin ang mga chakang babae na nakataas ang mga ala-caveman ang kilay.

"Are you talking to us?" sabay-sabay nilang sabi.

Wow. Sabay-sabay pa talaga silang tatlo.

"May nakikita pa ba kayong ibang tao?" mataray kong tanong sa kanila. "Of course kayo ang kinakausap ko. Are you girls just plain stupid?"

They looked at me with their mouths hanging open.

"Excuse me?" tanong ulit nila ng sabay-sabay.

With one eyebrow raised, I replied, "Gahd. Hindi lang pala kayo stupid, bingi rin kayo." Then kumuha ako ng bente from my Chanel purse. I'm addicted to branded bags sue me. "Here." Binigay ko sa babaeng nasa gitna yung bente. "Buy some cotton buds and some common sense coz darling you need it" I then grabbed the nerd's hand and walked away, leaving them with their mouths hanging open.  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Twisted Love Story (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon