Chapter 5

25 11 1
                                    

"Go, go, hunkies!!!" panay cheer si Jima habang nanonod kami ng basketball. Hindi na ito tumigil kakasigaw mula pa kanina lalo na tuwing nakaka-score ang bias na team nito na grupo nina Benedict.

"Lower your voice Jima, nakakahiya na, pinagtitinginan na tayo oh," naiiritang saway ni Kyera dito. "At saka hunkies? So cheap." malditang dugtong niya.

"Saang banda ang cheap dun?", pairap namang sagot nito. "Palibhasa di mo kasi knows ang definition ng salitang hunks. Galing ka pa kasi sa sinaunang panahon." tumingin ito sa banda ng mga player na nakaupo na pala sa bench dahil time out na.

Halatang gusto pang rumesbak ng isa ngunit agad kong inawat. "Girls, stop it. We're in a public place."

Wala nang nagsalita sa mga ito ngunit nag-irapan pa at halatang nagpipikunan.

Tuwing mapapatingin ako sa banda ng mga players ng school namin ay nakikita ko lagi ang titig ni Benedict at nangingiti tuwing magkatinginan kami.

Nakumbinse niya akong manood dahil nangulit na naman ito kaninang lunch nang makita ako. Sakto ding kasama ko ang mga kaibigan kaya napa-oo ako lalo na't naging excited ang dalawa dahil nandun din ang ultimate crush ni Jima na kagrupo din ni Benedict kaya nakisali din ang dalawa sa pangungulit sa akin.

"Kanina ko pa napapansin 'yang si Bené ha, panay ang tingin sa'yo. Crush ka niyan, sure ako." ani Jima.

"Saka pansin mo kanina sa lunch, para siyang desperate douché kung maka pursue sa iyo. Eh ang dami kayang tao dun." dugtong pa ng isa.

"Gusto lang makipagkaibigan non. Wag kayong mag-ilusyon para sa akin."

They both scoffed.

I focused myself on the game but someone caught my attention.

Napatingin ako sa malayong banda ng bench kung saan nakaupo si Tau. He's sitting there casually habang nakatutok sa laro. But him doing nothing, his posture screams lavishness. He's only wearing a clean white tee shirt with a pair of black trouser, and a white shoes.

I can't help but to stare at him. I  want to avert my attention from him but I just can't. He's effortlessly handsome in his own way.

Napakurap ako ng ilang beses ng biglang tumingin siya sa banda namin. Hindi ko inaasahan 'yun. Pero hindi ko iniwas ang tingin ko at lalong nakakahiya. Ngunit agad rin nitong ibinalik ang tingin sa harap.

I sighed. Ibinalik ko ang focus sa players kung saan nag-aagawan na ng bola. There were girls cheering at our university's team, so as the other team.

Pasulyap-sulyap pa din ako sa banda ni Tau sa buong laro at nakafocus lang talaga ito sa harap. Hindi na ulit ito tumingin sa banda namin.

Eventually, Benedict's team won.

Gusto ko nang umalis lalo na't tapos naman na ang laro pero nilapitan na ako ni Benedict.

"Congratulations." I smiled a bit.

Kumislap ang mata nito. "Thank you. Buti nakapunta ka."

"Ang galing mo kanina, Bené ha,"  singit ni Jima. "hindi nasayang ang sigaw ko."

Benedict chuckled. "Salamat."

"Grabe siya kanina maglaro. Palibhasa inspired kaya ginanahan." nakangisi namang saad ni Kyera habang itinaas-taas pa ang dalawang kilay nito.

Kinunotan ko ng noo ang kaibigan. Alam ko namang ako ang ibig sabihin nun. 'Yung inspiration kuno.

Nagtawanan ang tatlo.

"Bené, may victory party mamaya. Punta ka?" lumapit ang isang ka-team nito.

"Ah, oo. Sige sunod ako," tumingin ito sa 'min. "una na ako girls, alam niyo na, panalo kami kaya-" he intentionally raised his brows. Then he looked at me. "I'll treat you some other time, Xi'an."

Parang ang kulit nito nung in-invite akong manood ng game niya, medyo nakakapikon din pero ngayon.... parang naging charming bigla.

I smiled. "Sure.....some other time."

Days passed by and we're back in our usual lives.

Normal doings in school, like magkukwentuhan ang dalawa at ako ang tagapakinig, Mag-aasaran ang kaibigan habang ako ang taga-awat, gagawa ng activities sa library na mauuwi sa chismisan. At syempre, ako na laging nakatitig Kay Tau. Pag uwi, kakain magsi- cellphone, kung may assignment gagawin, then matutulog.

Pero hindi pa din nawawala sa 'kin ang nakita ko ilang araw na rin. 'Kaya ba hindi ako nito napapansin maliban sa classmate lang ay dahil may iba na itong nagugustuhan? At ang babaeng 'yun, pinu-pursue niya ba 'yun? O girlfriend na talaga?'

And thinking about it really hurts. Yes, he's not just an ordinary crush because he's more than that. Pero 'yung sakit na nararamdaman ko tuwing iniisip'yun, bakit triple ang impact sa akin.

I don't know, and I hate to admit it but.... hindi ko na alam kung crush pa ba ang tawag dito.

"Hi, can I take this sit?" umangat ang tingin ko galing sa pagbabasa ng libro.

It's wednesday that time and I'm alone in the library, reading a book. Wala ang dalawa kong  kaibigan ngayon kaya mag-isa lang ako dito. Hindi naman ako nabo-bored dahil paborito ko din ang librong hiniram ko.

Nagulat ako sa biglang sulpot nito sa harap ko habang may hawak na libro ngunit hindi ko ipinahalata. My heart is pounding loudly just by his presence. I smiled a bit to cover my nervousness.

"S-sure." I innocently licked my lips as I avert my eyes to the book I read.

Ayokong mawalan ng konsentrasyon sa binabasa kaya pilit kong wag siyang tingnan.

"Nakakaabala ba ako?" tanong nito.

Mabilis na napaangat ang tingin ko dito. "Hindi no." kunot noo kong tugon dito.

Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa akin. Bigla akong may naalala. I bited my lips unintentionally.

I sighed, I can't keep this curiousity of mine anymore.

"Tau Imus." I seriously called out his name.

"Hmm?"

"May.... may girlfriend ka na pala?"  I casually asked, despite being stuttered.

He forehead creased at mas tinutok ang paningin sa akin. "Why did you asked?"

Nagkibit balikat ako. "Just casually asking."

Hindi nawala ang kunot noo nito. "That's least of my priorities."

Nanlaki ang mga mata ko sa sagot nito. Although he didn't answer precisely, he's answer was easy to understand. He's still single. I just hoped that that girl he's been with was just a relative or so.

Parang nabuhay ulit ang dugo ko. Sana lang hindi niya nahalata ang ngiti kong hindi na mawala-wala buong oras namin sa library.

I just hoped that I'll have the courage to confessed my feelings towards him. Maybe one of this days, I'll have the bravery to tell him how much attracted I am.

Excited ako na medyo takot.

Sana lang hindi ako mare-ject, takot pa naman ako sa ganun.

----

Next chapter?

Good day readers.....

Jinxhealer









You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Resisting her charmWhere stories live. Discover now