Chapter 2

517 20 3
                                        

Tahimik ko siyang pinapanood habang nagluluto siya doon. Hindi na din niya ako pinalabas dahil may paparazzi sa labas na umaaligid, ayun sa kaniya ah. Syempre dahil dakilang takot akong malink ulit sakaniya hindi na ako lumabas ng condo niya. Nakaligo na din ako at suot suot ko ang damit niya dahil hindi nga ako basta bastang makakalabas ng condo niya.

" Quit staring." Napatikhim ako at umiwas ng tingin. Ano naman kung maugat kamay mo? Ano naman kung gwapo ka? Ano naman ngayon? Di ko naman siya tinititigan.

Napairap ako at muli siyang tinignan. He's already leaning at the kitchen counter while crossing his arms and raising his eyebrows. Hindi ko alam kung san ko idadako ang mata ko, sa braso ba niya , sa kamay ba niya o sa mukha niya? Bat kasi ang pogi ng nilalang na to? Pogi din naman si Ulrich pero kakaiba parin sa Alphang to.

Tumikhim ako at tinignan siya ng seryoso.. " Imbento ka, di ko naman tinititigan yang maugat na kamay mo." Natigil ako ng marealize ko kung anong sinabi ko. Uminit ang magkabilang pisngi ko dahil sa hiya.

Agad akong tumalikod sakaniya at nagkunyareng bubuksan ang tv niya pero hindi ko naman talaga alam kung paano magbukas ng TV mostly kasi si Ango o si Ulrich ang nagbubukas nun para samin ni Gid. Mas lalo akong namula ng marinig ko ang mahinang pagtawa niya. Tangina sana pinili ko nalang manahimik kesa sumbatan siya.

" Just say you want to touch it." Sinamaan ko siya ng tingin pero ng marealize kong nakatitig siya ay agad akong umiwas ng tingin. Pano ba naman kasi nakakapaso yung tinginan niya. Nakakainis. Isa pa tong shirt niyang suot ko hindi ko matukoy kung alpha scent niya ba ito or yung detergent ng damit niya pero aaminin ko namang ang soothing lang tas ang bango hehe.

" K-Kapal mo. G-Gutom na ako hindi ka pa ba tapos magluto?" Tanong ko sakaniya pero hindi ko naman nililingon narinig ko lang ulit ang mahinang pagtawa niya at ang paggalaw niy sa kusina.

" Yeah, I'm done. Come here." Lumingon ako sakaniya this time hindi na siya nakatingin saakin kundi inaayus na niya ang pagkakainan namin. I watched him fix his eyeglass and how he removed his apron at ang pagtungkod ng mga kamay niya sa lamesa bago niya ako tignan. Kunot noo siyang nakatingin bago siya ngumiti, hindi ko alam kung mapang asar ba yun o hindi pero naiirita ako.

Tumayo ako sa sofa at naglakad papunta sakaniya medyo nahiya ako dahil shirt lang talaga ang suot ko at mamaya pa ako makakalabas ng condo niya. The more i got closer the more I felt his burning stares kaya hindi ko na mapigilang mamula ewan ko ba bakit ba isyang tingin ng tingin.

I could still feel his eyes on me kahit na sa pag upo ko sa harap niya. I swallowed hard when I smelled his fragrance, kahit hindi naman kami gaanong magkalapit ay amoy na amoy ko ang scent niya. I bit my lower lip bago ipilig ang ulo ko, trying to get everything out of my head. Gutom lang to. Kinakabag na naman ako bwisit, nagugutom na kasi ako kaya ganyan.

" How's your recording?" Napatingala ako sakaniya habang nilalagyan niya ng bacon at ham ang plato ko. Hindi siya kakain ng breakfast? Bakit kape lang ?

" G-Good naman, Bakit?" I tilted my head while looking at him. He met my eyes and stare at for a moment bago niya ako sinenyasang kumain and I did. Habang sumusubo ako ng bacon ay hindi ko din mapigilang mapatingin sakaniya habang humihigop siya sa kape niya. Is this is usual morning breakfast?

" Lagi ka bang wala dito? I mean hindi ko alam na ikaw pala yung always empty ang condo.." I started the conversation. He put down his coffee and looked at me again, there! ayan na naman siya! Stop looking at me like that! Ramdam ko ang muling pamumula ng pisngi ko.

" Just busy, no time to come here but this time? I guess I have reason to come home." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya? Nu namang rason yan? Tumango nalang ako sa sinabi niya at nagpatuloy na kumain. Kahit sa pagkain ko ay ramdam ko ang titig niya.

" Staring is rude."

" You can't blame me. You have a pretty eyes there." Mas lalo akong namula sa sinabi niya at kumurap kurap bago tumingin sa kinakain ko. Kumain nalang ako na parang wala akong narinig. Buti nalang at nakayanan kong matapos ang kinakain ko dahil kahit sa pagtapos ni Fifth sa kape niya ay hindi niya ako iniwan sa kusina. Wala ba siyang work today?

" Wala ka bang work?" I asked, He looked at his watch and after that he shruggled and just fix the table. Tinulungan ko na nga siyang ligpitin pinagkainan ko eh kasi nakakahiya naman kung siya pa magliligpit.

" How 'bout you? You're enjoying my shirt too much, was it comfy? You can have it." I was taken back because of what he said. Inis ko siyang tinignan.

" Kapal mo naman! Mind you i don't have clothes kaya pinahiraman mo ako! And you said paparazzis are roaming around outside! That's why i stayed!" Hindi nakatakas saakin ang pagngisi niya. He smiled mischiveously and crossed him arms again.

" Well, I didn't know you'll take it seriously." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. What the hell? Naligo at kumain na ko dito sa condo niya't lahat lahat tas ... Tangina niya ba????

" Gago ka ba?" Hindi ko mapigilang saad sakaniya ng ikinatawa niya. " This building highly secured, you think there's really a paparazzi here?" Napapikit ako sa inis at hiya. Bwisit siya hayop!

" Well, That was just my excuse to have a breakfast with you,... atleast." He said dahilan para matigil ako at mas lalong mamula ang mga pisngi ko sa sinabi niya. What the hell?

" You could've asked me! I don't mind naman!" Inis kong asik bago nagmamartsang kinuha ang phone ko at damit kong pinagpalitan ko at akma akong lalabas na ng condo niya ng maramdaman ko ang marahang paghawak niya sa braso ko.

Para akong nakuryente sa paraan ng paghawak niya, nakakapaso sobrang nakakapaso . "Then, eat with me every morning."

I bit my lower lip as I nodded without even thinking. Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko habang palabas ng condo niya hanggang sa pagpasok ko sa condo ko. When it processed me ay hindi ko mapigilang mapatakbo sa kama ko at sumigaw sigaw sa unan ko. Tangina bakit ako umoo? Biwist kasing mga mata yan kung mangusap eh!

Nakakainis! Sky! Wake up! Boss mo yan! artist ka niya! Ano ba!!! Natigil lang ako ng marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng condo ko. Kaya agad akong bumangon sa kama ko at tinignan kung sino ang pumasok and It was Ulrich..

May dala dalang take outs na pagkain. Binaba niya yun sa table bago tanggalin ang jacket niya. When he removed his jacket ay doon lang siyang tumingin saakin. Kumunot ang noo niya habang taas baba niya akong tinitignan.

" New shirt and are you even wearing a boxer or something? Mind you that your manager is an alpha, Sky." Taas kilay na saad niya. Doon ko lang din napansing wala pa pala akong suot na kahit na ano bukod sa malaking shirt ni Fifth. I purse my lips bago kumamot sa ulo ko at pumasok pabalik ng kwarto ko.

And I thank the heavens na hindi talaga pheromones ni Fifth ang amoy ng shirt baka kung oo ay tinalak na naman ako ni Ulrich. I took a deep sigh bago tanggalin ang shirt ni fifth.

Now I'm contemplating wether, I'll return it or not?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FIFTH / OMEGAVERSE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon