Inis akong bumaling kay Gid eto na naman kasi siya nakakabwisit.
" Bakit mo sinabi kay Ulrich na magkasama tayo!!" asik ko sa kaniya. Tumawa nalang siya bago ngumisi habang kumukuha ng chips na hawak ni Anggo.
" Eh! Bibilhan niya daw ako bagong condo eh kaya sinabi ko." Ngumisi siya lalo dahilan para batuhin ko siya ng unan na nasa tabi ko. Nasa condo kami ngayon ni Ango dahil nag aya ito ng sleep over. Hindi na din ako nagpa alam kay Ulrich dahil alam kong hindi niya ako papayagan. He's aware naman na kasama ko sila Ango at Gid pero wala daw siyang tiwala kahit sa sariling kapatid. Well, the last time na nagpa alam kami ni Gid kay Ulrich ay sleep over talaga pero may ibang plano pa pala si Gid bukod sa sleepover. We went out and have party.
Ulrich find out about that kaya panay sermon siya saamin ni Gid noon at ng nalaman din ni Ango na lumabas kami ng wala siya ay mas tatay pa sa tatay kung manermon kung si Ulrich ay Kuyang Kuya kung manermon aba kakaiba si Ango.
Wala din daw tiwala si Ulrich kay Ango hindi dahil sa Alpha ito at kilalang kilala sa industriya hindi din naman kasi nasabi ni Ulrich kung bakit pero hindi niya lang talaga makakasundo si Ango.
Maya maya ay nakarinig na kami ng doorbell kaya mas lalo kong sinamaan ng tingin ni Gid.
" Hindi ka din papayagan nun na magstay dito sa condo ni Ango."
" Huy gago mainit ulo ng Kuya mo saakin, Tarantado."Umirap si Gid bago sinapak si Ango sa tabi niya. " Aray naman!"
"Ano ba kasing ginawa mo kay Kuya! Hindi na tuloy kami pinapayagang magsleep over dito!" Tumawa si Ango bago umiling at sumubo ng chips habang nakatingin saamin ng mapang asar.
" Ewan ko din kung bakit. No clue.." He said pero sa tono ng boses niya ay meron. Umirap ako bago nagmamartyang kinuha ang bag ko at binuksan ang pintuan ng condo ni Ango. Bumungad saakin ang kunot noong mananger ko at tinaasan pa ako ng kilay.
" You're comeback is next week, Sky." Ngumuso ako dahil sa sinabi niya. Comeback ko na pala next week kailangan ko na talagang lumayo muna kina Gid dahil demonyo sila.
"And you." Mas lalong nagtaas ng kilay si Ulrich ng makita si Gid sa likod ko.
" Hi, Kuya! Dito ako matutulo-"
" No. You'll come home with me. Hatid ko lang si Sky sa condo niya. Tara na." Malamig niyang turan. Pareho tuloy kaming napanguso at tumingin kay Ango na nakatingin saamin habang ineenjoy ang Lays. Pareho namin itong sinamaan ng tingin bago niya iwagayway ang kamay niya at may pang aasar pa sa ngisi niya. Bwisit talaga to.
Ulrich drove me back to my condo and reminded me about my schedule tomorrow bago umalis ng condo ko kasama si Gide. I took a deep sigh bago naglakad sa veranda ng condo ko at tanaw na tanaw ko ang mga ilaw na nanggagaling sa syudad. Ang ganda pagmasdan sa tottoo lang.
I took my phone out to take photos and update my fans for tonight and after that I busied myself from scrolling sa twitter reading fans aus about me and my previous partner in my past movies. I also read some of the articles such as about my dating rumors and the idols that i got link to without a proper evidences.
I looked at the other veranda, patay ang ilaw, wala parin ba yung may ari jan? It's quite empty since then. Never ko pa atang naabutang may tao doon. Well minsan naabutan kong bukas ng ilaw pero tinatamad akong alamin kung sino ang nasa kabilang condo.
I pouted and sighed again. Hindi talaga nawawala ang pangalan ko sa trend list kung hindi tungkol sa concert, sa kanta or sa movie ko ay tungkol naman sa dating rumors ko. Some fans also saying na dapat maglapag sila ng resibo kung paanong naging kadating rumor ko ang isang tao.