Nasa mini park, Nagpipigil ng luha

11 2 0
                                    

(4:16 pm.)

Ilang ulit pa ba akong kailangan masaktan para lang mamulat na hindi ako ang iyong nais na maging sandalan?

Ilang beses pa ba'ng kailangan ko kayong makitang magkasama na masaya sa piling nang isa't-isa para lang mapagtanto na kayo talaga ang bagay?

At ilang pagkakataon pa ba ang kailangan na ako ay magdamdam para lang masabi na hindi ako ang iyong mahal?

Na sa bawat tingin mo ay ramdam ko ang pagtaboy.

Tunay nga na sobrang sakit nito, ngunit makita ka lang ay titiisin ko.

_nasa mini park, nagpipigil ng luha

Saan?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon