(9:47 pm.)
Mag-aalas-diyes nanaman, ang oras na sa tuwing sumasapit ay binabalikan ko ang mga alaala natin. Pero teka, may babalikan nga ba? Gayong ayaw mo naman akong makasama. Nasa tuwing nakikita ako ay kulang na lang ipagtabuyan.
Tunay ngang kagaya ka lang ng mga bituin sa madilim na langit.
Mananatiling tanawin, at 'di kayang abutin. Maganda sa paningin, pero 'di magawang damhin.
_nasa labas ng bahay, nakatanaw sa makikinang na bituin.

BINABASA MO ANG
Saan?
Poetry'Saan?' Saan man makarating ay gagawing isulat ang sa'yo ay nais kong iparating.