Prolouge + Chapter 1: Badtrip!

1.9K 37 16
                                    

PROLOUGE:

Si snow white kumain lang ng apple, nagkalovelife na, eh ako kumain na ng fruit salad wala padin.

Si sleeping beauty nakatulog lang, pag gising may lovelife na, eh ako binangungot na wala padin.

Si cinderella natapilok lang, nagkalovelife na, eh ako nasubsob na wala padin.

Ano kayang feeling ng magkalovelife? Masarap kaya ang may lovelife? Teka bat ba ko puro lovelife mabubusog ba ko dyan? Mas gusto ko pang kumain kesa mabaliw sa lovelife na yan.

CHAPTER 1:

Habang nakapila ako sa sakayan ng tricycle biglang may sumigaw ng malakas na ikinagising ng katawang lupa kong aantok-antok.

"Ano ba yan bat wala akong tricycle na masakyan dito, kanina pako ditong ala-sais mag aala-syete na late nako!"

"Ate ang trycicle pang dalawahang tao lang, eh sa laking mong yan kukulangin yung upuan sa loob."

"ABA AT ININSULTO MO PA ANG PAGIGING MATABA KO?! EH IKAW TONG---"

"Ate hindi ka nga po kasya sa loob wag mo ng ipagpilitan dahil baka ma-platan din kami ng gulong disgrasya pa samin."

"ABA BAKET KA MAPAPLATAN DI NAMAN AKO SA GULONG SASAKAY!"

"Ate..." biglang singit ko "Mag jeep ka nalang kaya? Para matapos na rin  yang paghihirap mo anlaki ng problema mo eh."

"SAN AKO DITO SASAKAY?! SA LIKOD MO?!" Tanong ni ate na talsik talsik pa ang laway with matching taas pa ng kilay sakin, wala namang kilay.

"Try mo dun sumakay." Sabay turo ko dun sa truck na dealer ng mga baboy. "Maluwag dun libre pa pamasahe."

"CHE!" Sigaw ni ate sabay irap tapos walk out.

"Iha sasakay kaba?" Tanong sakin ni manong.

"Ay hindi ho, tricycle driver din ako dito." Nakapila na nga itatanong pa kung sasakay, nakaka badtrip.

"Oh sige iha sumakay kana."

"Manong sa Muntinlupa National High School nga po." Sabay abot ko ng fifty pesos bayad ko.

"Estudyante?"

"Hinde, Doctor." Hindi ba halata na naka uniform? "Opo estudyante ako."

"Nag-aaral ng mabuti?"

"Ano ba manong? Hindi ka pa ba aandar? Gusto mo ma-late ako sa first subject ko? Sige mag iinterviewhan nalang tayo dito." Tricycle driver ba talaga to si manong?

After 15 minutes

"Iha andito na tayo"

"Alam ko, thanks for the ride." Sabay baba ko sa tricycle.

"Teka hindi mo ba kuku--"

Hindi ko pinansin si manong, nabadtrip ako dahil sa kanya. Papasok na sana ako sa gate ng school nang bigla akong may naalala..

"YUNG SUKLI KOOOO!!" Tatakbo sana ako pabalik kay manong pero bigla nyang pinaharurot ang tricycle nya papalayo. Bwiset ka manong yung baon ko. Ibalik mo ang pipti pesos ko ajujujujuju.

Matamlay akong naglalakad papasok ng gate, para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Iniisip ko kung pano ko kakain saka uuwi mamaya. Nabalik nalang ako sa katinuan ng bigla ako hilahin ng school guard.

Uy, Crush Kita! [[ONGOING-2020]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon