"WHERE DO YOU THINK YOU'RE GOING?"
Biglang may humawak sa balikat ko, nasa likudan ko sya. Ayokong humarap. I'm dead.
"MAMAAAAA!!" Sigaw ko habang nakapikit at parang istatwa na hindi gumagalaw.
"Parang awa nyo na, hindi ko pa kayang mawala sa mundong ito. Gagawin ko ang lahat wag nyo lang akong saktan huhuhu." pagmamakaawa ko.
"Wahahahahahahahaha!!"
Biglang may tumawa. Boses babae, teka parang kilala ko yung boses na yun. Lumingon ako sa likudan ko, nakita ko yung dalawa kong bestfriend na buang.
WAPAAAAAK~
"Aray Cams (T_T)" sabi ni Mics na hinihimas himas yung pisngi nya.
"Grabe makasampal te?" sabi naman ni Shy na may pag-irap sakin.
"Kayong dalawa kasi eh! Niloloko nyo ko! Ayan tuloy nakuha nyo!" silang dalawa lang pala yung humawak sa balikat ko, nag boses lalaki pa sila para takutin ako. Napakababait na kaibigan talaga.
"Inihahandog ng Star Cinema, ang pelikulang pinamagatang 'Kamay na Bakal' na pinagbibidahan ng napaka chakang si Camylle Ann Martinez." asar sakin ni Mics.
"Gusto mo pang isa Mics?" sabay amba ko na kunware sasampalin ko sya.
"Waaaaaaah!!" sigaw nya sabay takbo papunta kay Shy. "Shy si Cams oh."
"Tara na nga umuwi na tayo. Dumidilim na." aya ko sakanilang dalawa.
[ Our Mansion, I mean house ]
"Ma!! Pa!! Andito napo ako!!" sigaw ko pagkapasok ko sa pinto.
"Oh kamusta si Shy? Ano bang nangayre? Ano nakabangga sa kanya?" tanong ni Mama.
"Ayun po si Shy namumula ang pisnge nabangga ng kamay ko." sabi ko sabay punta sa kusina.
"Anak, hindi pala nakabili ang papa mo ng ulam kaya yung binili mo nalang na tilapia ang niluto ko. Naghati na kami ng papa mo sa isang tilapia, sayo na yung isa."
"Sige po ma.." Pumunta ko sa kusina para kunin yung ulam ko. Gutom na gutom na ko. "Ma asan yung ulam ko?" tanong ko kay mama. Hindi ko makita eh.
"Asa lamesa anak!" sigaw ni mama na nanonood na ng tv.
"Wala po dito sa lamesa ma!"
"Anjan lang yon, baka naki pag hide and seek sayo hanapin mo nalang!"
Anong hide and seek? Baliw to si mama.
"Anak nasa ibabaw ng cabinet yung ulam mong tilapia nilipat ko nakataklob yun!" sigaw naman ni papa na nakahiga na sa kwarto.
Tinignan ko yung ibabaw ng cabinet, ayun nga may nakataklob na ulam. Laking gulat ko ng binuksan ko yung taklob.
"Mama kinain ng pusa yung ulam kong tilapia!!" wala na yung ulo nung tilapia tapos puro kurot kurot yung laman saka balat. Wala narin yung tyan nung isda.
Biglang tumakbo si mama papunta sakin sa kusina. "Ay oo nga anak, ginalaw yan ng pusa! Nako po." sabi ni mama na nakatingin dun sa isda. Teka lang, pusa ba kamo?
"Wala naman tayong alagang pusa dito sa bahay ah!!" Di kami nag-aalaga ng pusa dahil allergic ako sa balahibo ng hayop. "Mama umamin nga kayo! Kayo kumain ng isda ko no?!"
"Ah eh anak.. alam mo namang ano.. hehehe.." sagot sakin ni mama na parang naloloka.
"Anu bayan kayo na nga kumain nyan! Busog po ako!" sabay pasok ko sa kwarto ko. Wala na nga kong almusal, wala pading hapunan.. hala tigok na kinabukasan.
BINABASA MO ANG
Uy, Crush Kita! [[ONGOING-2020]]
Fiksi RemajaMeet Camylle ang babaeng NBSB (No Boyfriend Since Birth). Ang babaeng loyal sa kanyang crush, ang babaeng saksakan ng kamalasan at ang babaeng lapitin ng trahedya! Subaybayan ang kanyang nakakabaliw at nakakalokang istorya. BASA NA!