Nagulat ako ng bigla akong palibutan ng mga seahorse. Nako po anu ng gagawin ko, baka kulamin ako ng mga to para maging kamuka nila.
"Wow kung makatulak ka ha! Close tayo?" sigaw ko. Ansakit makatulak nitong babaeng to, kalahi ata to ni Pacquaio, kamuka ni Aling Dionisia eh. "Wag mo akong hahawakan! Magkakagerms ako, kadiri! Hugas muna kayo ng kamay bago touch me!"sabay irap ko sakanila.
"Ang arte mo naman! Wag ka ngang maarte hindi ka maganda!" sagot sakin ni seahorse #2
"Bulag ka ba at hindi mo makita ang kagandahan ko?" matapang na sagot ko sakanya.
"Hoy wag ka ngang feelingera! Yang kagandahan mo parang hangin! Nararamdaman mo, pero hindi mo naman nakikita!" sagot ni seahorse #2. Ay wow, pina-punchline ako? I-punch ko kaya mukha nito?!
"Eh ikaw? Ang kagandahan mo parang password! Ikaw lang ang nakakaalam!" punchline ko. Kala nya papatalo ako ha. Sige Camylle, itaas mo ang bandera ng mga babaeng maganda sa paningin ng mga nanay nila! Go go go!
"Girls, anong dapat gawin sa mga babaeng matabil ang dila?" mataray na sigaw ng isang babaeng negra. Mukang may balak na masama sakin ang mga seahorse na 'to, pero hindi ko sila uurungan! Fight kung fight!
"Anong ginagawa sa babaeng matabil ang dila?" biglang sagot ko."Dapat hindi kinakalaban lalo na kung mas maganda pa sayo! Mahiya ka nga sa balat mo! Negra ka na nga kulot kapa para ka tuloy ita! Tabi dyan late nako!" sabay tabig ko sa isang babae para makadaan ako.
"Hephephep! Saan ka pupunta?!" bigla naman akong hinila ng isang babaeng mataba. Anu ba yan, puro bacteria nako sa katawan! Gusto rin ata nito ni taba masampolan eh.
"Wow naman, kung ang mga kasama mo mga seahorse, ikaw naman shokoy." asar ko kay taba. "Nakikihang-out na pala ang shokoy sa mga seahorse? Eto namang isa." Sabay turo ko sa isang babaeng sobrang liit ng blouse labas tuloy ang pusod nya. "Ikaw, sexy nga ng katawan pag dating naman sa mukha, hipon. Ano bang tawag nyo sa barkadahan nyo, 'The Seafoods'? Baka mamaya may makita ako dito mukang crab naman."
Nagulat silang lahat sa sinabi ko. Akala niyo siguro ako yung bida na inaapi no? No no no.
"Excuse." Tinabig ko ng mahina yung isang babae, tumabi naman sya kaya dumaan ako.[ CLASSROOM ]
"Camylle! Late ka nanaman!" sigaw sakin ng math teacher ko.
"Sorry po ma'am, may nadaanan kasi akong seafoods, tumikim ako saglit."
"Aba may nadaanan ka palang pagkaen, di ka manlang nagdala para bigyan ako!"
Naglakad nako papunta sa upuan ko, sa may bandang likudan. Di pa ako nakakaupo pero kinausap na ako kaagad ng left at right seatmate ko, si Shyla at Micah, BFF's ko since elementary.
"Uyy Cams!" tawag sakin ni Mics. Nickname ko yan, oo korni pero silang dalawa lang ang gusto kong tumatawag sakin ng ganyan. "Nabalitaan mo ba yung new transfer sa section 1?" Teka, yung tatlong gwapo ba tinutukoy nila?
"Alin? Yung gwapo?" tanong ko.
"Oo yun nga! Natumpok mo!" Hayss tong mga bestfriend ko na to talaga. Basta tungkol sa gwapo anlakas makasagap ng radar nila. Teka ikwento ko kaya yung nangyare sakin kanina? Panigurado maiinggit tong mga to haha.
"Alam nyo bang may nangyari sakin kanina at saka sa isa sa mga gwapong transfer na yun?" pagmamayabang ko.
Biglang nanlaki yung mata nung dalawang best friend ko, teka parang may mali dito.
BINABASA MO ANG
Uy, Crush Kita! [[ONGOING-2020]]
JugendliteraturMeet Camylle ang babaeng NBSB (No Boyfriend Since Birth). Ang babaeng loyal sa kanyang crush, ang babaeng saksakan ng kamalasan at ang babaeng lapitin ng trahedya! Subaybayan ang kanyang nakakabaliw at nakakalokang istorya. BASA NA!