CHAPTER 10- EX-LOVER

716 34 9
                                    


"Makakaalis ka na, jerk!" malakas kong sabi.
Sa inis ko ay itinulak ko siya palabas. Napalakas yata kaya kamuntik pa siyang mawalan ng balanse.

"Relax. Kung makatulak ka sa ex-lover mo ay para bang hindi mo minahal nang husto- ouch!" daing ni Jin nang ito naman ang apakan ko dahil sa pangbubwisit nito sa akin.

Napalunok pa ako nang mapagtantong makita ni Briana ang ginawa ko sa dalawa at mukhang gulat talaga ito sa pagiging bayolente ko.

"Ah, they're bugging me," agad kong paliwanag sa babae. Hindi ko nga alam kung bakit pakiramdam ko ay kailangan kong magpaliwanag.

Natawa naman ito sabay tango. "Alam ko namang may nakaraan kayo ni Zayden Taylor."

Napaawang naman ang bibig ko. Hindi naman nakagugulat talaga kung bakit alam niya ang tungkol doon. Malamang ay bago siya nakipagkita sa akin ay alam kong kinalkal niya na ang lahat ng impormasyon tungkol sa akin kagaya ng ginawa ni Lavioza.

Hindi lang ako makapaniwala na talagang ginawa ng isang ito na i-background check ko. Dapat pala ay ginawa ko rin iyon.

Masyado kasi akong distracted dahil sa away namin ni Zayden Taylor. Napapabayaan ko na ang ibang tao sa aking paligid na kailangan ko ring bantayan. Baka mamalayan ko na lang pala ay sinaksak na ako ng isang ito habang nakatalikod.

"See? Alam ng lahat ang tungkol sa inyo ng mortal enemy mo," sabat na naman ni Jin. Kinagat ko ang braso nito. "Aray!"

"Deserve mo 'yang tandang ka."

"What's tandang?"

"What's tandang?" panggagaya ko pa sa kaniyang tanong sa nakakainis na tono. "Rooster, ano pa ba? Mangmang," panlalait ko pa.

"What?" asik niya naman..

"Sorry kung nalaman ko ang tungkol doon. May dokumento lang din na dumating sa akin kahapon at lahat ng tungkol sa inyo ay nakalagay doon. Hindi ko alam kung sino ang sender," paumahin at paliwanag ni Briana

"What?" nakakunot-noo ko pang sabi. "Seryoso ka ba?"

"Yeah. Ang weird nga lang din dahil puro tungkol lang sa inyo ni Zayden Taylor ang impormasyong nandoon."

"Sinabi ba kung anong rason ng breakup namin?"

"Babae," agad nitong sabi.

"Ha?" lito ko namang usisa.

"Babae diumano ang dahilan kung bakit kayo naghiwalay. He's a womanizer, huh?"

Babae talaga? Sa tingin ba nila ay kaya akong ipagpalit ni Zayden sa ibang babae? Psss! Power trip din, ha?

Hindi naman ako nakasagot pero nakita ko kung paano biglang nag-iba ang emosyon sa mukha nito.

"Bakit?" usisa ko.

"Sorry, ayaw ko lang sa mga babaero. Gawain din iyon ng daddy ko. Naging mistress niya dati ang ina ni Jax Lavioza. Iyon ang dahilan kung bakit naging magkaaway ang family Smith at Lavioza."

Hindi kaya ay si Jax din ang nagpadala ng dokumento sa kaniya? Hindi naman imposible iyon pero wala pang buwan simula nang mawala sa mundong ito ang lalaking iyon.

Ipinagtataka ko rin nga dahil tahimik pa rin hanggang ngayon ang Lavioza sa kabila ng pagkawala ng alas nila.

Masyadong maliit ang mundo para sa amin. Hindi ko inaasahan na magkakadugtong-dugtong ang koneksyon naming nasa listahan ng mga mayayamang tao sa bansa.

Napataas-kilay naman ako nang may mapagtanto. Hindi naman ako nagtanong pero kusa niyang ikinuwento sa amin ang bagay na dapat ay sini-sekreto lang. Hindi nakaka-proud ang magkaroon ng tatay na cheater.

Shades of Obsession (Poly)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon