CHAPTER 15- LOOPHOLES

638 27 3
                                    

"Salamat naman at nakarating ka, Chaewon," nakangiting sabi ni Doc Elle nang makapasok kami ni Jin sa VIP Room 5 ng LC Restaurant.

Nakaupo na rin sina Doc Marocel at Pritzy sa hapag-kainan. Napansin ko kaagad ang presensiya ng dalawang babae na sa tingin ko ay kaedadan ko lang din naman.

"Yeah, wala naman na kasi akong gagawin. Uhm, this is Jin Beal," pakilala ko pa kasama kong tahimik lang din.

"I'm Doc Elle. Si Doc Marocel at Pritzy. Uhm, nandito rin ang anak kong si Eliza at ang anak ni Doc Maro na si Mina," pakilala naman ng doktora. "Maupo na kayo."

Ngumiti ako sa dalawang babae na nakapuwesto sa harapan namin mismo. Tumabi naman sa akin si Jin. Tinapik ko siya sa kaniyang hita para sabihing maging komportable lang. Nagkatinginan pa kami bago ko ibinaling ang aking tingin sa kaharap ko. Nahuli kong nakatitig si Eliza sa kaniya.

Imbes na pagtuonan iyon ng pansin ay nginitian ko na lang si Mina. Kamukha niya nga si Doc Maro. Lahat silang nandidito ay hindi maipagkakaila ang ganda.

"I'm Chaewon Jones, by the way," pormal na pakilala ko dahil ngayon ko lang naman sila nakita.

"Kilala ka namin," mahinahong sagot ni Eliza.

Gusto ko ang kaniyang awra. Siya iyong tipong hindi ka mahihiya o matatakot na lapitan para magtanong ng direksyon papunta sa isang lugar.

"Palagi kang nasa newspaper. Top celebrity ka kaya ng mga nasa high society," segunda naman ni Mina.

Halata naman sa isang ito na madaldal. Siya iyong tipong mabilis mong makasundo. Natawa ako nang sikuhin ito ng kaniyang ina.

"Oh, I see," tipid kong sabi at nagsimula na ring kumain.

"Mabuti na lang talaga at iniligtas mo ang PBH. Hulog ka talaga ng langit. Normal lang ba talaga na isang magandang anghel ang ipinapadala sa sanlibutan?"

"Well, I'm pretty so... probably yes?" sakay ko naman sa biro nito. Pareho kaming natawa.

"Ah, I like you already," sabi nito.

Hindi naman din gano'n kahalaga ang pinag-usapan namin. Naikuwento lang nila kung gaano sila nagulat noong sinabi sa kanila ni Mommy na galing siya sa mayamang pamilya at ikakasal na rin sa kay Daddy na hindi hamak na mas mayaman din.

Nang mga panahong iyon ay nasa huling taon na ng pagiging resident ang ina ko at makalipas ang ilang buwan na ipinagbubuntis na pala ako. Nalaman ko rin na noong dalawang taong gulang ako ay saka nagdesisyon si Mommy na mag-resign at magpokus na lang sa akin at sa family business nila.

Habang nagkukuwentuhan kami ay napansin ko rin ang kakaiba sa titig ni Eliza kay Jin. Nahuhuli ko rin silang paminsan-minsan na nagtatapunan ng kakaibang tingin at ngumingiti sa isa't-isa.

Nang matapos akong kumain ay nagpaalam muna akong pumunta ng rest room. Tinapik ko pa sa balikat si Jin.

"Samahan ba kita?" bulong niyang tanong.

"Are you kidding me?" mahina ko ring tugon. Tumawa lang ang loko.

Lumabas na ako at hinanap ang CR. Mabuti at kaagad ko namang nakita. Pumasok ako sa bakanteng cubicle at sinagot ang tawag ni Xia. Kanina ko pa kasi nararamdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko.

"Nasaan ka?" bungad nitong tanong. "Nasa labas ang kotse mo pero ikaw ay wala. Kamuntik na kitang i-report na missing, Jones!"

Nailayo ko naman ang cellphone sa aking tainga dahil sa tinis ng boses nito. "Relax. I'm fine. Nag-dinner lang kami nina Doc Elle."

"Fine. Dito ako matutulog sa bahay mo."

"Okay," tipid ko namang sabi at pinatay ko na ang tawag.

Lumabas na ako at naabutan ko si Eliza na naghuhugas ng kaniyang kamay. Naghugas din ako ng kamay habang tinititigan ang reflection ng babae sa salamin na nasa harapan namin.

Shades of Obsession (Poly)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon