prologue

586 8 0
                                    

Simula:

"bukas na pala starts mo ng klase, kinakabahan kaba?" jenica ask me, ang totoo oo kinakabahan ako.

transferee lang ako alam kong maraming manlalait sa akin, pero may pake ba ako? Wala, hayaan ko sila.

pero kung sakaling sumubra, edi patikimin.

"medyo kinakabahan"sagot ko hinawakan nya ang balikat ko

"kaya mo yan! matalino ka at active sa mga sports alam kong kaya mo ito" sabi nito

ngumiti nalang ako bilang sang ayon.

"Sana nga makayanan ko" sagot ko, ngumiti si jenica at niyakap ako

"sana maging kaklase kita" sabi nito "mas magiging excited ang school year ko kung kasama kita" dagdag nya

"Gusto ko rin no!" Sabi ko

"Sige na mau alis nako tumatawag si mama" paalam nya at lumabas na ng bahay, lumapit ako kay mama na kasalukuyang nasa kusina.

"Ihanda mona ang gamit mo maureen, hindi kita mahahatid bukas, may part-time job pakong pupuntahan, hindi na kase kasya ang pera natin pang gastos" sabi nito.

Mahirap lang kami hindi sapat ang perang kinikita ni mama sa part-time job nya, kaya minsan ay sinusubukan kong mag trabaho ng patago.

ang tatay ko ay isang Chinese, nasa china ito kasama ang kapatid kong lalaki, naghiwalay sila ni mama dahil sa hindi malamang dahilan.

mayaman ang papa ko ngunit hindi manlang kami nakaka kuha ng perang kinikita nya, sinabi ni papa kay mamang mag padala nalang ng sulat sa tuwing hirap na kami.

Pero si mama ayaw nya, nahihiya raw sya dahil sa mama nito, ang lola ko, masungit ang lola ko at ayaw nito kay mama, hindi lang sila mapaghiwalay ni papa dati dahil sa amin.

kaya ang ginawa nalabg ni papa ay lumipat sila ng china, kasama ang kapatid ko.

actually kuya ko yun.

half Chinese ako.

Ang mga pinsan ko rito sa Philippinas ay naiingit sa akin, bakit raw ang puti ko at ang ganda pa, ibang iba raw ang itsura ko sa kanila, minsan pangang nasabihang ampon.

Pero bata palang ako pinaliwanag na nila kung bakit iba ang itsura ko, kamukha ko si papa e.

"maureen tulala ka nanaman"

"Huh? Ah- ano" Nagulat ako kay mama "aayusin kona gamit ko para bukas mama"sabi ko at dali daling tumakbo paakyat

inayos ko ang gamit ko at humiga nako sa higaan.

Ano kaya ang mangyayari bukas?

---------

ONLY GIRL IN SECTION WILD|| ONLY GIRL SERIES Where stories live. Discover now