TIMOTHY’S POV
“Hoi! Jace, bakit ba ang tagal mo?!” Iritadong tanong ni Lian.
Agad naman akong nagtungo sa kinaruruonan ng nga kaibigan ko. Kitang kita ko talaga sa pagmumukha ni Lian ang kanyang pagkainip.
“Alam mo? Dinaig mo pa ’yong pagong, eh!” Agad niyang reklamo the moment I got near them.
“Nalate ako ng gising eh, sorry naman.” Pagrason ko. Eh, sa nalimutan kong magset ng alarm, eh? ’Nu magagawa ko?
He sighed, at bigla niya nilahad kamay niya sa’kin. “Asan ’yong laptop?” ’Di naman ako agad nakasagot na siyang kinagusot ng mukha niya. Patay!
“WHAT THE F*CK, PEREZ!? SA LAHAT NG PWEDE MONG MALIMUTAN, ’YON PA? LATE KA NA NGA, NALIMUTAN MO PA ANG DAPAT MONG DALHIN!” Galit niyang reklamo.
Ba’t ko ba nalimutan ’yon? Nakaready na naman sana ’yon sa table kanina!
“TANG*NA, PEREZ! NO’NG ISANG ARAW PA’KO REMIND NANG REMIND SA’YO! ’ANDON ’YONG PROJECT KO, AND YOU KNOW THAT!” Galit niyang dagdag, kaya tumalikod na ako at tumakbo palabas ng UNI para umuwi.
Narinig ko pang sumigaw sina Glendell at Leo, pero nagmamadali ako at kailangan kong makabalik ng maaga. Kasalanan ko rin naman.
Nang makalabas ako ay pumara agad ako ng taxi, buti nalang at may napara ako agad.
I got home faster since ’di naman kalayuan ’yong school sa bahay namin, mga 10 minutes ride.
Napagpasyahan ko nalang na magmotor para mabilis, kaya matapos kong kunin ’yong sadya ko ay agad rin akong bumalik sa school.
Agad kong tinakbo ’yong hallway nang mapark ko ’yong motor dahil baka mapatay ako ni Lian kapag ’di pa ’ko magmadali.
Mabilis naman akong nakarating sa kung saan ko sila iniwan kanina. Napalingon naman sila sa akin at agad na tumayo si Lian para kunin ang laptop.
“Pasalamat ka at may oras pa, dahil baka nakahilata ka na diyan kung wala na.” Sabi niya habang mabilis na binuksan ang laptop, and good thing mabilis lang ma-open ’yon kaya dali-dali na niyang sinend ’yong project niya. He made it!
Phew! Muntikan na talaga akong paglamayan!
“Sorry talaga, Lian! ’Di ko talaga sinadya, ililibre nalang kita total nakaabot ka naman, diba?” Sabi ko sabay kamot sa batok. ’Di ko nga siya matingnan sa mata eh! Nakakatakot!
“Forget it! Dahil nagagalit lang ako sa’yo kapag naaalala ko!” Inis niyang sabi habang nilagay ang laptop sa bag.
“Sa susunod, maging responsible ka, Jace. No’ng isang araw ka pa sinabihan, niremind pa kita kagabi at kaninang madaling araw. You should know how important this is, Jace. We are both students, so you should know how important the final project is. ’Di ko kayang madelay.” Mahabang sabi niya habang deretsyong nakatingin sakin.
Parang double meaning ’yong sinabi niya.
If you’re wondering kung bakit nasa akin ang laptop niya, it’s because I borrowed it from him the other day dahil nagkaproblem ’yong akin.
“We should get going. May klase pa kami.” Pagpaalam ni Leo na siyang sinang-ayonan ni Glen. Sabay naman kaming nagpaalam ni Lian sa kanilang dalawa.
“Mauna na ako sa’yo dahil may tatapusin pa ’ko. Also, I’m sorry for yelling. I just felt frustrated. I hope you understand.” Paalam naman ni Lian sabay pat sa shoulder ko.
YOU ARE READING
HOLD MY HAND
RomancePlease, I'm not who you think I am. And I am not who you thought I should be. Let me just rest. I'm so fucking tired! Can someone out there reach out their hand and hold mine? Hold my hand, tightly. And please, don't ever let it go.