Chapter 4: Unfortunate

7 6 3
                                    

TIMOTHY’S POV

Susunduin ako ngayon ni Leo dahil ’di ko feel dalhin ’yong motor ko ngayon. Ganito naman kadalasan routine namin pagtinatamad akong mag drive.

Kinuha ko na ’yong bag ko nang may narinig akong busina ng sasakyan sa labas at I assumed si Leo na ’yon, and I was right. Nagpaalam muna ako bago dali-daling lumabas.

“Ginawa mo na talaga akong official driver, noh? Bungad niya sa’kin. Tumawa lang ako sa sinabi niya at nagsuot ng seatbelt. Nagsimula nang magdrive si Leo.

Agad kaming nakarating sa UNI dahil wala namang traffic. May Saturday class kami kaya kami nasa school. I was unbuckling my seatbelt when Leo talked.

“Dumeretso kana mamaya after ng class mo kina Lian. ’Wag kang malate dahil na sa’yo ang flashdrive niya. Need niya ’yan before 1pm, paraanan mo nalang since 12:30 naman end ng class niyo. Mahabang paalala sakin ni Leo.

Yep, I know. Ayaw ko nang mapagalitan pa, noh? Baka ’di na'ko pansinin no’n. Hirap pa naman paamuhon ng isang Lian Dale Gonzalez. Sagot ko naman. Nagpaalam na’ko kay Leo at nagtungo sa building namin.

I ran down the hall dahil malapit na akong malate. I saw someone na pumasok sa elevator kaya mas nagdinalian ko pang tumakbo.

“TEKA! SANDALI, HINTAYIN MO ’KO! Sigaw ko. Nang makaabot ako sa harap ng elevator, pasara na ito at nakatingin lang sa’kin, expressionless, ang lalaking kinainisan ko sa lahat, walang planong buksan ulit ang door. ’Di ko na rin naharangan ’yong pinto kasi pasarado na talaga siya.

Tang*na mo talaga, Villadez!

I have no choice but to use the staircase, PAPUNTANG FIFTH FLOOR! ’Di man lang mawala-wala sa isip ko ’yong pagtitig kanina ng Villadez na ’yon! Nakakasira ng araw!

Tinakbo ko ang room ko using the staircase kasi ’di ko na mahintay ’yong elevator. I was already three minutes late when I arrived, at nagsimula na silang mag reporting.

“G-good m-morning, Madam. Sorry for being late. Hiningal kong sabi then bowed a bit. Pinagsabihan pa niya ako saglit before pinapasok.

Malas talaga sa buhay ko ’yong Villadez na ’yon!

Nagtungo agad ako sa pwesto ng mga kagrupo ko pagpasok ko. We discussed a bit and after that we waited for our turn to report.

“And that concludes our report. I said as we finished our report and we all bowed.

Lumapit ako kay Madam to pass our hard copy and after that nagligpit na kami sa mga gamit namin at bumalik na sa aming upuan.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil natapos na namin ang report. Maka-pagrelax na ’ko kahit saglit. I was not able to sleep early last night kasi I made a few changes sa report. Bago lang nag 12 pm, I still have time.

I was about to close my eyes when I suddenly saw someone walk past our room. It’s Villadez, again! He didn’t do anything pero kumukulo talaga dugo ko sa kan’ya! Because of him pinagsabihan ako ng prof namin! Kung ’di niya lang sana hinayaan masara ’yong elevator kanina edi ’di sana ako malelate! Buti nalang talaga at ’di masyadong late!

Time passed, ’di ko man lang na pansin na tapos na pala ang last group na magreport. Do’n lang ako nabalik sa isip ko nang magsitayuan na ang mga kaklase ko. Nagpaalam na ang prof namin kaya nagligpit nako ng mga gamit ko.

It’s already 12:40 pm kaya naman dali-dali akong lumabas. I was about to enter inside the elevator nang maalala ko na pinahawak ko pala sa kagrupo ko ’yong flashdrive no’ng nagpasa ako kay Madam ng hardcopy. I immediately ran back to our room and luckily ando’n pa siya at hinanap niya rin pala ako. I thanked her before ako umalis. Tinakbo ko nanaman ang hallway papunta sa elevator and when I got there, pababa pa ito sa ground floor.

HOLD MY HANDWhere stories live. Discover now