Chapter 18 - Team Julie

193 12 6
                                    


Iniwasik ko muna ang mga iniisip ko at pumasok na sa loob. Pagkarating ko sa hapag-kainan ay hindi pa rin sila kumakain.

"Hay, salamat nandito na siya makakain na tayo" sabi ni Frick.

Inikutan ko ng mata, "Ba't kasi hindi pa kayo kumakain."

"E, di ba sabi ni Lola dapat sabay sabay kumain ang lahat ng tao na nandito sa bahay para waang mapag-iwanan" suhestiyon pa niya.

Umupo nalang ako at kumuha na rin ng makakain ko.

"Grabe maselan pala si Miss Lesia sa pagkain, nagsuka pa nga" sabi ni Frick habang winawasik wasik sa ere ang tinidor.

"Hindi naman siguro" sabi namna ni Anne.

"Yeah, she said kanina kailangan niya ng umalis" singit naman ni Julie tumingin si Anne sa kaniya at naningkit ang mata.

"Ay, teka may bigla lang pumasok sa isip ko.. What if.."

Naghihintay kaming lahat sa sasabihin niya. Nambibitin pa si Bakla.

"What if, jontis si Madam" halos masamid kaming lahat dahil doon.

"Grabe naman niyang iniisip mo bakla, buntis agad!" singhal ni Anne.

"Hmm... pwede naman she has a boyfriend in fact they will get engaged and married anytime soon" pagsingit ni Julie sa usapan.

Tahimik lang ako nakikinig sa mga sinasabi nila pero parang may nararamdaman akong kirot sa dibdib ko. Kaya ininuman ko nalang ito ng tubig.

Patuloy pa rin sila sa pag-uusap habang ako ay nasa sarili kong mundo at malalim ang iniisip.

Bounce na kasi Par, nandiyan na si Julie oh, bulong isip ko sa akin.

Napatingin naman ako kay Julie na masayang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan ko.

What if, subukan ulit naman baka pwede pa naman kami ulit, anas ko sa isip ko.

"Cail"

Pwede naman siguro 'di ba?

"Cai"

Oo pwede pa yan, late game kami.

"Leigh"

Sig—

"Caileigh!" sigaw nilang tatlo.

"Ano ba! Bakit kayo sumisigaw?!" medyo napataas ang boses ko dahil sa gulat.

"Kanina ka pa kasi namin tinatawag" sabi ni Anne.

"So nakabalik ka na ba sa Earth, Cail?" sabi naman ni Frick.

"Tsk, bakit ano ba kasi 'yun?" naiinis kong usal.

"We talked about our business, the plant-based" sabi naman ni Julie kaya tumango ako.

"Ano meron doon?"

"Pwede ba ako mag-invest o maki-sosyo?" tanong ni Anne sa akin.

Naalala ko naman na Nutritionist pala 'tong si Annebantot, wala sa itsura niyang Nutrionist siya dahil sa katakawan niya. Bukod pa doon ay tumutulong si Anne sa Feeding program sa mga baranggay bukod pa doon nagtratrabaho siya sa mga Pre-school hanggang Primary school bilang Nutrionist. Madami pa 'yang sideline na hindi ko na alam kung ano pa ang iba.

"She said, she graduated in a degree of BS Nutrition and Dietetics so I think she's also qualified to be one of us" masayang sabi ni Julie.

"Bahala ka, ikaw ang naka-isip nito eh" parang saling pusa nga lang ako sa business nila ni Nico.

Risked it All (On-Hold)Where stories live. Discover now