Chapter 01

7 1 0
                                    

(Enrollment)

Scarlett pov:

"I'm Scarlett Alcantara 18 yrs old...my hobby is playing online games and also I want to be alone, yes I'm introvert, and also I'm a college student first year college...sa totoo lang Ayoko na mag aral, why? Andaming kailangan gawin at nakaka antok nawawalan ako ng time sa pag lalaro ko Hehe yes mas important sakin ang games,*/Wala kang pake"
(End pov)

Araw na ng enrollment for first year college...Ayoko sana mag enroll pero pinipilit ako ng kapatid ko mag enroll dahil daw sayang talino ko kung diko gagamitin,
(San naman kaya galing Yung talinong sinasabi niya)

Pero no choice ako aga aga Niya akong ginising para lang asikasuhin Yung almusal ko at pwede Kong gamiting requirements para sa college, sasamahan Niya daw sana Ako kaso busy Sila sa trabaho para sa motor shop namin...yes di Sila nag college dahil mas inuna nila Ang motor shop, Wala naman akong magawa dahil bunso ako at ayokong sagutin Sila.

Nag asikaso na ako nag ayos ako ng sarili ko, simple lang ang sinuot kong damit black T-shirt lang at pants, pag tapos Kong mag asikaso lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na papuntang kusina, Nakita ko sila na nag hahain na kaya umupo na ako sa pwesto ko.

"Ano nga pala ulit nakuha mong course para sa college?" Tanong sakin ni kuya Kento habang nag titimpla ng kape

"Architecture" simpleng sagot ko sakaniya habang di naka tingin at ngumunguya ng hotdog

"So alam mo na mga gagawin mo? Tinuro naman siguro Yan bago ka mapunta sa college Diba? Tanong sakin ni kuya draken sabay higop ng kape

"Yes." Simpleng sagot ko habang tinutusok tusok ko ng tinidor ang Sunnyside up na niluto ni kuya draken

"Scarlett don't play that" sita ni kuya kirishima sakin agad ko namang tinigilan Ang pag tusok sa Sunnyside up

Napabuntong hininga nalang si kuya Kento habang naka tingin sakin...di niya ako masisise kung may galit Ako sakanila, kasalanan naman nila Yun.

Natapos akong kumain at Inayos ko na ang mga gamit ko para maka alis na ako, nag lakad nalang ako papunta sa terminal ng mga jeep, balak pa sana akong ihatid ni kuya Kenshin kaso tinanggihan ko nalang...baka mag away pa kami nun.

Ng maka sakay nako sa jeep nag antay pa ako ng apat na minuto para mapuno Yung jeep, ng mapuno na agad na umandar ang jeep at makalipas ang 8 minutes na byahe naka rating ako sa school kung saan ako mag eenroll

Ginawa ko na Ang lahat ng tinuro sakin ng mga kapatid ko para makapag enroll ginawa ko nga at natapos ako sa dalawang pag subok.

Oo dalawa!! Kase naman may mga Oras para silang sinusunod at napaka daming kailangan para makapag enroll ibang iba sa elementary at highschool life, letche 7:30 pm na ako maka alis sa school dahil sa sobrang haba ng pila at daming tao!! Gusto ko nalang mag wala sa pila tapos ang arte pa ng nag babantay kanina para sa medical keneme nila.

Bale nga pala apat na pag subok Ang haharapin ko, dahil kailangan ko lang iinterview at mag babayad pa sa registrar...so bukas ulit at another hussle nanaman
Pagka haba habang pila nanaman, apaka mainipin ko pa naman...jusko kung pwede lang lagpasan na lahat at dumiretso na sa registrar gagawin ko eh, kaso bawal.

So umuwi akong stress at kulang sa tulog...pag uwi ko dederetso na sana Ako sa kwarto ng Makita ko si kuya draken na may kausap sa sala...lalakeng matangkad ang kausap Niya, mataas lang ng onti si kuya ng Isang dangkal, tapos pogi at color lilac ang kulay ng buhok niya, may hikaw din at mukang. . .basagulero.

Aakyat na sana Ako ng bigla akong tawagin ni kuya draken.

"Scarlett, naka uwi kana pala. Bakit ngayon kalang? Tyaka bakit muka kang pagod na pagod?" Tanong Niya sakin ng habang hawak ang Isang stick ng yosi sa dalawang daliri niya, nilalaruan niya yun at pinipitik pitik

"Ah Wala, napagod lang sa pag eenroll...madami kaseng tao" sagot ko sakaniya habang hinuhubad ang sapatos ko

"Ganon ba, Sige mag pahinga kana, kung hindi kapa kumakain may ulam pa sa ref initin mo nalang" Sabi niya sakin ng di ako tinitignan at sinindihan ang yosi na hawak niya

"Hindi na busog ako" simpleng sagot ko at bago umakyat pinag masdan ko muna ang bisita niya, nagulat ako ng bigla niya akong tignan

Ngumisi siya at bumalik sa binabasa niyang papel.

"Problema nito? Crush moko?"

(Fast forward)

Andito na ulit ako sa impyer- I mean school...kung saan mag eenroll palang nakaka stress agad

Pumunta ako ng maaga para naman matapos na agad pag punta ko sa interview room nag tanong ng kaunti sakin ang naka assign dun at natapos ako ng Isang oras dun, agad akong pumunta sa registrar...Buti nalang di pa mahaba ang pila at nakapag bayad agad ako, nag tanong Siya sakin diko maintindihan Kase parang bumubulong lang.

Naka tatlong beses akong ulit na sabihin Niya sakin Ang tanong Niya pero Ang hina talaga ng boses Niya parang Siya lang nakaka intindi!!! Buti nalang matino Yung nasa likod ko at kinalabit ako...pag lingon ko sa likod, shewt!! Ang pogi Niya!! Matangkad at mukang koreano...oppa ata toh eh, lumapit Siya sa registrar at agad na sinigawan ang babae sa loob.

"What the fvck?! Problema nito?! Nakakahiya!!"

"MS. BAKA GUSTO MONG LAKASAN BOSES MO DI YUNG IKAW LANG NAKAKARINIG NG SINASABI MO AT NAGAGALIT KAPA KASE PAULIT ULIT!! KUNG MALAKI LANG TONG BUTAS DITO BAKA HINATAK KO NAYANG BUNGANGA MO!!" Galit na sabi ng lalake, agad ko siyang hinatak papalayo sa registrar at bumalik sa pila, andaming naka tingin samin at hiyang hiya ako sa ginawa niya, parang gusto ko nalang pakain sa lupa

Pag tapos ko sa registrar agad akong lumabas at natapos din Ang pisteng enrollment nato, balak ko na sanang umuwi ng biglang mag humatak sakin.

"Hey where are you going?" Sabi niya habang hawak ang likod ng kwelyo ng damit ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My crushmate is my duo in the gameWhere stories live. Discover now