PROLOGUE

1 0 0
                                    

Reese

"sabi mo, sabi mo mahal mo 'ko."

"dahil lang ba sa awa 'yon? dahil lang ba hindi mo kayang makitang nasasaktan ang 'kaibigan' mo kaya kunyare mahal mo 'ko? hindi naman kita pinilit, ni hindi kita tinanong, nagkusa ka ei, nagkusa ka! kusa mong pinaramdam sakin yung putanginang pagmamahal na 'yan!"

Sa gitna ng ulan, sa harap ng aming tagpuan kung saan namin binuo ang masasayang ala-ala, dito ay nagmamakaawa akong nakikipag-usap sa kanya. Akala ko totoo lahat, akala ko masaya talaga siya sa akin, akala ko totoo lahat ng pinapakita niya. Akala ko... akala ko totoong pagmamahal 'yon. Pero hindi, hindi pala. Putangina! siya ang unang lalaking hinayaan kong pumasok sa buhay ko, his my first, my first in everything, first suitor, first dance, first kiss, first love, now, my first heartbreak.

" Sana, sana hindi ka na lang pumasok sa buhay ko, sana hinayaan mo na lang akong maging kaibigan sayo, sana hinayaan mo na lang akong masaktan, sana hinayaan mo na lang akong mahalin ka nang palihim. Kasi ngayon? hindi ko na alam, ang sakit-sakit Gab, ang sakit-sakit."

" Matalino ka naman ah, hindi mo naisip na masasaktan ako? hindi mo naisip na ikakawasak ko 'pag nalaman kong hindi mo naman talaga ako mahal, na awa lang naman talaga ang nararamdaman mo para sa'kin!  Ang galing mo! naisip mong solusyon ang magkunware na mahal 'ko para hindi mo 'ko masaktan pero napakabobo mo na hindi mo naisip na ikakadurog ko ang katotohanang awa lang naman talaga ang totoo mong nararamdaman."


Ganito pala ang pagmamahal.
Ganito pala masaktan.
Ganito pala umasa na nasa tamang tao ka na.

Kung alam ko lang na ganito pala ang magmahal,
Sana hindi ko na lang sinubukan,
Sana hindi ko na lang hinayaan,
Sana hindi na lang ako nagpapasok ng lalaki sa buhay ko.

Kung alam ko lang...
Sana...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FRECKLES Where stories live. Discover now