PROLOGUE

65 1 0
                                    

REYVHEN

Ngiting-ngiti ako ng sinuot ko ang earphones ko sa tainga para makinig ng music para ganahan akong gumawa ng plates na deadline na next week.

Matapos masuot ay agad kong plinay ang music sa cellphone ko tsaka ko pinatunog ang mga daliri ko sa kamay at pagkatapos ay inayos ang mga gamit ko na nasa mesa.

"Rey!"

Nasa library ako ngayon, nag-iisa. Dito ko napiling gumawa dahil tahimik at alam kong makakapagdrawing ako nang maayos.

"Rey!"

Sumasabay ako sa kanta at sinigurado ko namang hindi gano'n kalakas para hindi ako mapagalitan at makaistorbo. Nagbabang din ako ng ulo para mas ganahan.

Pero 'yun ang akala ko...

Hindi pa man nag-iinit ang pwet ko sa kinauupuan ko at hindi ko pa man nabubuksan ng maayos iyong mga lagayan ng markers ko nang may bigla na lang tumulak sa likuran ko dahilan para mapasubsob ang mukha ko sa mesa.

Mumurahin ko na sana nang makita ko kung sino at maalalang nasa library nga pala ako. Kung natuloy ko ay paniguradong malalagot ako sa librarian.

"Rey! Si White, nakikipag-away!" natatarantang sabi ng kaibigan ko na si Ley at niyuyugyog pa ako sa balikat kaya medyo nakakahilo.

Sa inis ko ay malakas ko siyang tinulak kaya napahiwalay ang kamay niya sa balikat ko. Nakaawang ang labi niya naman akong tiningnan.

Nakahawak siya ngayon sa dulo ng mesa para kumuha ng balanse. Kung hindi siguro siya nakahawak do'n ay paniguradong lagapak siya sa sahig.

Inis na tinanggal ko tuloy 'yung suot kong earphones para mas makausap siya nang maayos.

Nasira na tuloy 'yung maganda kong mood dahil sa baliw na 'to. Kung hindi ba naman kasi gago, eh. Pwede naman akong tawagin sa maayos na paraan. Kailangan talagang mangyugyog?

"Ano ba 'yon?" salubong ang kilay at may inis na tanong ko.

"Si White, need ng back-up. May kaaway na naman." sagot niya na ikinairap ko lang.

"Hayaan mo siya, malaki na siya, kaya niya na 'yan. Lagi naman siyang napapaaway. Hindi ka pa ba nasanay?" buntong hininga ko na lang na sabi kaysa ang bungangaan ko siya.

Hindi niya na rin pinansin pa ang ginawa kong pagtulak sa kaniya.

'Yung lalaking 'yun talaga, walang kadala-dala. Sa susunod nga, ako na ang bubugbog sa kaniya.

"Anong hayaan? Engineering students ang humahabol sa kaniya ngayon!" singhal niya sa 'kin na kaming dalawa lang naman ang makakarinig.

Nahinto tuloy ako sa balak na muling pag-upo nang talikuran ko siya. Napatayo rin kasi ako kanina matapos ko siyang matulak.

Napapikit ako sa inis. Sakit talaga sa ulo itong si White. Bakit ba ang hilig niyang sumabak sa gulo?

"Bakit naman sa mga 'yun pa?" salubong ang kilay na muli ko siyang hinarap.

"Aba malay ko kaya tara na! Mamaya patay na nating maabutan 'yon. Kilala mo naman 'yung mga engineering students 'di ba? Mga walang puso 'yon!" stress ng sabi niya.

"Hayst, White!" inis na singhal ko lang pero pabulong at napakuyom ng kamao.

"Tara na!" sabi pa ulit ni Ley.

"Oo, sandali." iritang sabi ko at tinalikuran siya para ayusin ang mga gamit ko.

Narinig ko naman siyang nagmura. Stress na stress ang gago.

Just Friends? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon