CHAPTER 1

42 1 0
                                    

RHYDEN

"Aray!" hiyaw ko sa sakit dahil tumama ang likod ko sa pader nang bigla akong itulak nang siraulong lalaking 'to.

Sino pa ba? Edi si Reyvhen! Siya na nga itong tinulungang makatago, grabe pa kung makapanulak. Walang utang na loob!

Pasalamat nga siya at sinama ko siyang magtago kahit na sinipa niya ako kanina. Gago, ang sakit pa naman no'n!

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at bigla niya akong sinipa. Hindi naman kasi dapat siya kasali sa gulo namin.

"Malinis ba 'yang kamay mo? Kadiri, nilagay pa sa bibig ko." diring-diri na sabi niya habang todo punas sa labi niyang tinakpan ko kanina gamit ang kamay ko.

Napaawang lang naman ang labi ko sa kaartehan ng lalaking 'to. Napaka oa! What if paliguan ko na lang siya ng alcohol?

"Napakaarte mo!" ngiwing sabi ko sa kaniya at lumabas na sa pinagtataguan namin nang masiguro kong wala na 'yung mga guard at si principal na nakita kong kasama pala ng mga guard kanina sa paghabol sa 'min. Sumunod namang lumabas 'yung maarteng lalaki.

Itong lalaking may dimples na 'to ay kapitbahay ko kaya kilalang-kilala ko siya kaya nga hindi ko pinapagalaw sa mga tropa ko 'yan kanina kasi gusto ko ako na ang gagalaw at may dahilan kung bakit hindi siya pwedeng saktan ng mga kaibigan ko.

Sabi din ng tatay ko ay h'wag akong sumama o makipag-kaibigan sa kaniya dahil ang pamilya daw nila ay kaaway namin. Inggetero daw sila kaya galit na galit si Papa sa pamilya niyan.

Hindi pa man kami pinapanganak ay magkaaway na talaga ang pamilya namin kaya nang maipanganak na talaga kami ay lumaki din kaming magkaaway at magkakompetensya sa lahat ng bagay. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na ba kaming nag-compete.

Lagi akong sinasabihan at pinapaalalahanan ng tatay ko na h'wag akong magpapatalo sa lalaking may dimples na 'to na ang sarap butasin sa lalim dahil nakakainis talaga siya.

Makita ko pa lang siya ay nag-iinit na ang ulo ko kaya nga gano'n na lang ang inis ko nang sipain niya ako kanina. Kung hindi lang dumating ang mga guard at 'yung principal ay ginantihan ko siya.

Sige nga, gawin mo. Tingnan natin mangyayare kapag nalaman ng kapatid mo na sinaktan mo si Reyvhen.

Napamura naman ako sa biglang sinabi ng utak ko. Hayst, kung bakit ba naman kasi kinailangan niya pang magpakabayani no'n. Dahil do'n, hindi ko siya magawang patulan.

"Alam ko namang gago ka pero h'wag mo ng idamay ang kaibigan ko." inis na sabi niya sa 'kin.

Pinagtaasan ko lang naman siya ng kilay. Akala ba niya tingin ng iba sa department namin at department niya ay magkasundo?

No! Nagkakamali siya dahil magkaaway ang department naming dalawa. Naturingang president ng architect department pero hindi niya alam na magkaaway ang department namin.

Graduating na lang kami at lahat-lahat, hindi niya pa rin alam na hindi naman talaga magkasundo ang department naming dalawa.

Hindi ko alam kung nagpapanggap lang ba siyang walang alam o wala talaga siyang alam.

Sa fourth year lang naman kami naging president na dalawa. Bawat year kasi ay may president. Like sa first year may president sila, sa second year meron din at gano'n din hanggang sa fourth year college. Para siyang representative ng bawat grade. Ay, ewan. Gano'n ang rules ng university na pinapasukan namin, eh.

Inaya lang naman ako maging president ng mga tropa ko. Hindi ko naman talaga 'to gusto pero hinayaan ko na lang sila at sinubukan ko na lang din since graduating na rin naman kami kaya why not?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just Friends? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon