『 chapter two 』

80 10 3
                                    

date written: april 21, 2024

»»———- 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐄𝐑 𝐍𝐈𝐆𝐇𝐓  ———-««

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

»»———- 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐄𝐑 𝐍𝐈𝐆𝐇𝐓  ———-««

════ ⋆★⋆ ANG unang pagkikita namin ay hindi ro'n natapos. Nasundan pa ito nang nasundan hanggang sa dumating sa punto na kilala na rin siya ng magulang ko at nagagawa na rin niyang sunduin at ihatid ako sa bahay. Nitong nakaraan nga lamang ay inaya niya akong lumabas, natatawa pa nga ako sa magulang ko dahil sila pa ang may gana na mang-asar dahil unang beses daw nilang makita na may kasama akong lalaki at ipinakilala ko pa sa kanila. Achievement na raw kung maituturing 'yon.

"Bihis na bihis ka, may lakad ka ba ngayong gabi?" Tanong ni dad habang nakangisi pa sa akin.

"Hehe." Tipid na sagot ko na lang

"Kung si Hyuk naman ang kasama mo ay ayos lang. Matino naman siya base sa obserbasyon namin. At kung sakali man din na may makasalubong kayong mga basagulero, alam ko rin naman na kaya mong ipagtanggol ang sarili mo." Tumawang wika naman ni mom

"Mom!" Reklamo ko, kaya pati si daddy ay natawa na rin.

"Totoo naman? Baka nga si Hyuk pa ang ipagtanggol mo kung sakali, e." Pang-aasar pa lalo ni mommy kaya sinimangutan ko lang sila.

Ilang sandali rin naman ay may nag-doorbell na. "Alis na ko, mom, dad!" Paalam ko. Nagtatakbo na ako, subalit alam ko naman na kasunod ko lang din ang parents ko.

Nang makalapit ako kay Hyuk ay nakita kong nakatingin siya sa may pintuan namin. "Hiramin ko lang po si Tori sandali. Don't worry, iingatan ko po." Nakangiting aniya

Skit, ang gwapo! Jusko, 'wag mo naman akong pakiligin ng ganito, Hyuk! Grabe ka na.

"Saan ba tayo pupunta?" Panimulang tanong ko

"Wala rin akong eksaktong spot na nasa isip, gusto lang talaga kitang makasama." Diretsong sagot niya, kaya bahagya naman akong napangiti. 'Wag mo namang hayaan na mahulog ako nang sobra sa'yo. Kung kailan naman malapit lapit na akong umalis saka pa ganito. Ang tagal tagal pa ulit ng susunod nating pagkikita.

"Hyuk, kalmahan mo naman." Seryosong wika ko

"Huh?"

"Baka mas mahulog ako niyan sa ginagawa mo." Saad ko

"Bakit? Dahil ba aalis ka na kaya pinipigilan mo?"

"Yeah..." Tipid na tugon ko. Huminto kaming dalawa sa may tulay. Itinabi muna namin ang bike namin sa lugar na malapit lang din naman sa amin.

"Sa tingin mo ba hindi pa ako sobrang nahulog sa'yo?" Ipinatong niya ang braso niya sa harang ng tulay at saka tumingin sa akin.

"Maiksing panahon pa lang 'yon, paanong—"

"Alam kong maiksing panahon pa lang tayo na nagkakasama at nagkakakilala, pero hindi naman sa bilis o tagal nasusukat 'yon. Hindi ko rin naman masisisi ang sarili ko na nahulog kaagad ako." Paliwanag niya

"Hyuk..."

"Huwag mong pigilan ang nararamdaman mo. Mas mahihirapan ka kung pipigilan mo 'yan. Panahon naman ang magsasabi kung ano ang kahihinatnan natin, kaya habang narito ka pa, sulitin at enjoy-in mo. Sa araw ng pag-alis mo, saka mo sabihin sa akin kung dapat na ba akong tumigil, kasi kung ako lang, hihintayin kita kahit gaano pa katagal ang susunod mong pagbalik." Umiwas siya ng tingin at sa akin at tumingin na lang sa malayo

"Fine then, walang sisihan kapag nagkasakitan tayo nang damdamin, huh?"

"Ginusto natin 'to, kaya bakit naman tayo magsisisihan?" Nakangiti namang tanong niya

"Tara na lang mag-stroll. Pedal na pedal na 'ko." Nakatawang sabi ko naman

"Gusto kita, Viktoria. Tandaan mo 'yan." Seryosong wika niya saka ako hinawakan sa braso, bago siya sumakay sa bike niya.

⋆★⋆

Buong oras na nagbibisikleta kami ay nagrereplay rin sa utak ko ang sinabi niyang 'yon.

"Gusto kita, Viktoria."

Hindi naman bago sa akin ang mga pag-amin, kaya lang ay iba ang dating ng kay Hyuk. Sa kanya 'yong mabilis na pag-amin, pero ramdam kong seryoso at sincere. Ang mga lalaki kasi sa Sweden na umaamin sa akin noon, akala mo laro-laro lang e.

"Tahimik mo?" Panimula niya

"Kasalanan mo." Agarang sagot ko na ikinagulat naman niya

"Bakit ako?" Sa halip na sagutin siya ay mabilisan na lang akong pumedal para iwanan siya. Ah, nakakamiss nga naman talaga na mag bisikleta ng ganitong oras. Hindi ko magagawa ito kung hindi ko kasama si Hyuk.

"Hoy!!" Dinig kong hiyaw ni Hyuk, subalit hindi ko siya nililingon.

Ilang linggo na lang akong narito. Paano kung bandang dulo, hilingin kong hintayin mo ako, magagawa mo kaya 'yon? I mean, matatanggap ko naman din kung hindi, subalit... hindi naman masama na umasa, hindi ba?


Naihatid niya na ako pauwi, at heto na naman akong may malawak na ngiti kaya nginingisian ako ng magulang ko. "May nangyari ba?" Tanong ni dad

"Parang ayaw ko na bumalik sa Sweden,"

Nagkatinginan ang parents ko dahil sa sinabi ko. Dati kasi ay uwing-uwi ako, ngunit nag-iba ang ihip ng hangin.

"Gusto mo bang kausapin namin ang lolo at lola mo?" Pagsingit naman ni mommy

"Nope. Gusto ko na panahon ang sumubok sa aming dalawa. After nitong bakasyon na 'to ay tatapusin ko na ang natitirang dalawang taon ng kolehiyo ko sa Sweden, kaya matagal-tagal na ulit akong hindi makababalik. At once na makapagtapos ako, kauusapin ko sina lolo na dito na ako sa South Korea for good."

"Dahil ba kay Hyuk 'yan?" Tumango naman ako bilang sagot

"Dalaga na ang anak natin, Misha." Wika ni daddy sabay akbay kay mommy. Ang cute talaga ng magulang ko, akala mo tropa ko lang din na couple pa lang at hindi pa kasal, e.

"Sa tingin niyo, makakaya niya kayang hintayin ako kung sakali mang magpahintay ako sa kanya?" Seryosong tanong ko saka naupo sa sandalan ng sofa

"Kung ako naman ang tatanungin, bilang lalaki rin, sa tingin ko ay hindi naman si Hyuk ang tipo ng lalaki na mabilis sumuko. Siya 'yong lalaki na hindi titigil at susuko hanggang hindi niya nakukuha ang gusto niya. Yes, mukha siyang walang pakialam, pero there's more to him." Paliwanag naman ni daddy

"Kaunting hint lang, ganyan din ang daddy mo noon kaya hindi ko maiwasang maalala ang nakaraan namin sa inyong dalawa ni Hyuk."

Haaa, sana nga.

Sana tama ang tingin ng magulang ko sa'yo, Hyuk. Sana nga ay hindi ka sumuko kaagad. Kasi kung mangyayari 'yon, sobra akong masasaktan dahil ikaw pa lang ang seseryosohin ko nang ganito.

 Kasi kung mangyayari 'yon, sobra akong masasaktan dahil ikaw pa lang ang seseryosohin ko nang ganito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
our summer -★ hyuk kwonWhere stories live. Discover now