『 chapter four 』

39 7 0
                                    

date written: april 25, 2024

»»———- 𝐂𝐑𝐔𝐄𝐋 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐄𝐑  ———-««

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

»»———- 𝐂𝐑𝐔𝐄𝐋 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐄𝐑  ———-««

════ ⋆★⋆ HULING dalawang araw na ng pagbabakasyon ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko! Matutuwa ba ako dahil may progress kami ni Hyuk? Malulungkot dahil iiwanan ko na rin siya at pakiramdam ko ay masasayang 'yong binuo naming dalawa na relasyon? Masasaktan dahil posible na mainip siya kung sakali mang magkamali ako ng desisyon? Magsisisi dahil kung hindi ko siya nakilala, hindi sana ako nagkakaganito.

"Wala ba kayong lakad ni Hyuk?" Tanong ni daddy sa akin

"Wala po, bukas pa." Malungkot na wika ko

Umupo si daddy sa kama ko at saka niya ti-nap ang pwesto sa tabi niya. Umalis ako mula sa pagkakabalot ng kumot at saka lumapit sa kanya. "Malalim na ba ang nararamdaman mo para sa kanya? Medyo naninibago kami ni mommy mo sa'yo, pero at the same time masaya kami dahil iba ang saya mo ngayong summer vacation mo rito." Panimula niya

"Yes, dad. Ngayon lang ako nagkaganito, masyado ba kaming mabilis na dalawa?"

"Hindi naman. Mas malala pa kami ni mommy mo sa inyong dalawa ni Hyuk." Natatawang wika niya

"Dad, sa tingin mo ba kapag pinaghintay ko si Hyuk, kakayanin niya?"

"Ah, I cannot answer that question, anak. Si Hyuk lang ang tanging makasasagot sa tanong mo. Let me ask you, Tori."

"Hm?" Tanong ko saka ako yumakap kay dad.

"Do you trust him?"

"Of course, I do! I trust him so much."

"Let your heart decide then. Kung ano ang sa tingin mo ay mas nararapat, 'yon ang sabihin mo sa kanya sa araw ng pag-alis mo. Maiintindihan ka naman niya."

Sigh.

"Nakakatakot. Wrong timing naman kasi, bakit ngayong summer pa." Reklamo ko saka ibinalibag ang unan na hawak hawak ko, making my dad chuckle. "Natatakot ako na baka sa pag-alis ko, kaagad siyang makahanap ng ibang ipapalit sa akin. Sobrang masasaktan ako kapag nangyari ang bagay na 'yon. Ayaw ko na mapunta siya sa iba..." Dugtong ko na para bang bata na nagsusumbong.

"Mana ka pala sa mommy mo. Surname lang yata ang kinuha mo sa akin talaga e." Pabirong aniya habang pinupulot ang uman na ibinalibag ko. "Maiba ako, Tori. Papuntahin mo nga si Hyuk dito mamaya, tapos mag-shopping kayo ng mom mo." Hala, ano na naman 'yan, dad? Anong plano mo sa future ko, na hindi ko sigurado kung future ko nga ba talaga?

"Sige po." Hindi ako makakapangatwiran d'yan, kasi kapag usapang lalaki, alam ko nang hindi mapipigil si daddy. Namention na ni mom sa akin ang tungkol d'yan before, paano nga.

our summer -★ hyuk kwonWhere stories live. Discover now