WHERE EVERYTHING STARTED

9 1 0
                                    

When everything's made to be broken, I just want you to know who I am.
(I just want you to know who I am).

I heard the familiar song from somewhere. It was IRIS, the song of Goo Goo Dolls. Parang sira! Hindi ko naman paborito 'yon pero kung saan-saan ko na lang naririnig. Lakas pa manakit ng tao!

Parang tanga naman! Kaya nga lumabas ako para makaiwas sa sakit, eh 'di na lang sana ako umiwas sa truck! Same-same lang naman pala.

"Uy! Mayumi, magandang araw!" isa pa itong si Manong Ben! Hindi pa nakontento sa apelyido at dinamay pa ang nananahimik kong middle name! Sa shop nya pala galing ang nakaiiritang tugtog. Nananadya talaga ang isang 'to.

Kakalabas ko lang ng apartment, aba, sinusubok agad ako. Bakit ba kasi ako lumabas pa?!

"Sinong Uy Mayumi, Manong Welbenito?" Lumapit ako rito, may ngisi sa labi dahil sa aming dalawa, mas pikon si tanda.

"Gaga ka talaga, patay na nagpangalan sa'kin n'yan kaya ikaw na lang sasakalin ko, pumarine ka!" 'Di ba? Sabi sa inyo e.

"Bakit po, maganda naman ah? Well," sabi ko at nagkunwaring nag-iisip "Benito?" Halos malanghap ko na yata ang lahat ng hangin dahil sa kakahalakhak habang tumatakbo palayo sa matanda.

He's a she, so her action says it all. Closed kami no'n, as in! S'ya na ang tumayong magulang ko simula noong lumipat ako sa lugar na 'to.

Matandang dalaga si Manong Ben, o sa kinaiinisan n'yang pangalan- Welbenito-matapos mawasak ang puso ay hindi na muling umibig pa at mas pinagtuunan na lang ng pansin ang kanyang negosyo-apartments, salon, at laundry shop na nasa iisang building lang naman. 4 storey-building- sa tatlong palapag sa taas ay ang pinari-rentahang apartment, at sa ibaba naman ay ang kanyang salon at laundry shop. Hindi sobrang laki pero hindi rin naman sobrang liit, saks lang gano'n.

Pupunta ako ngayon sa best friend kong nag-iisa, si ConCon. Ayaw n'yang tinatawag ko s'ya sa palayaw n'ya, pero secret lang naman natin kaya oks lang hehe.

Aayain ko lang mag-inom, sakit ng puso ko, eh!

"Saan tayo, Mayumi?" Isa pa 'tong si kuya Lito. Bakit ba kasi sa dami ng magagandang apelyido, hindi ko pa nasalo? Lord, tabang naman oh!

"Kay ConCon, kuys", sabi ko na lang matapos umismid.

"Sige, sakay ka na", aniya at sumakay na ako sa loob ng tricycle n'ya. Kilala ni Kuya Lito si ConCon, dahil sanggang dikit kami ng lalaking 'yon. Binibiro pa nga kami na pag kinasal raw kami ay kunin s'yang ninong. Hindi mangyayari 'yon, pasensyahan na lang.

"Ninong ako, Mayumi ah", kita n'yo kabastusan ng matandang 'to? Ipapa-asawa ba naman ako sa mukhang puwet? No!

"Asa!" ani ko na lang na madalas kong ganti sa kanya. Hindi naman ako naaasar, mas malakas akong mang-alaska, 'no.

Bumaba na ako matapos iabot ang bayad. Sana naman may alak sa ref ng lalaking 'yon, kahit alam ko namang sa aming dalawa, ako ang malakas doon at malabong mayroon nga. Good boy yata ang isang 'yon, hindi ako magugulat kung isang araw magpapari s'ya.

Kumatok ako nang makarating sa apartment n'ya. Wala pa yatang tao dahil makailang ulit pa akong kumatok ay walang kumikilos para pagbuksan ako ng pinto.

Napakainit pa naman dito sa labas dahil summer na. Kumikirot pa ang puso ko, parang tanga naman kasi!

"Boy, buksan mo 'to. Ang init dito, amoy daing na bangus na ako!" Reklamo ko, nagbabakasakaling may ConCon na lilitaw at buksan ang pinto, pero wala!

"Si Lincoln ba, hija?" si ate Beth, ang landlady ng apartment.

"Opo, asan po kaya s'ya?" Tanong ko, nakakunot ang noo sa init.

"Maagang umalis, hindi ka ba sinabihan?"

"Hindi po, e"

"Oh s'ya pasok ka na lang at bukas naman yata ang kanyang silid, ako ay may pupuntahan pa." Aniya at umalis na.

What in a world is this? Ah kalutangan. Bakit ba kasi ako kumatok pa, pwede namang pihitin ang doorknob! Hindi nga pala nagl-lock ng pinto 'yon dahil alam n'yang labas-masok ako rito at parang kaboteng susulpot na lang kung gugustuhin. Pati si ate Beth ay nasanay na lang siguro sa'kin.

Ah sheesh, the only exception~ eme lang!

Nang makapasok ay dumiretso ako sa kusina. As usual, malinis ang buong paligid. Duh, hindi ko best friend 'yon kung hindi sya oc as in over sa cleanliness!

At syempre, hindi ko rin best friend 'yon kung may bote ng kahit isang alak dito sa ref n'ya. Minsan nakakainis din talaga! Ang boring! Anong gagawin ko ngayon dito?

Nang makaupos sa sofa ay binuksan ko na lang ang cellphone ko at nag-fb. Pero kung minamalas ka nga naman.
Nakita ko na naman ang dahilan ng pagkirot ng puso kong total wrecked!

I saw my ex's picture together with my ex best friend. It's always the 'pinagseselosan' talaga after the break up. At oo, isa na lang ang best friend ko ngayon, si Lincoln na lang dahil ahas yung isa! Tinuklaw yung basura ko.

A wise once said, "she didn't just betrayed me, she did me a favor - she took my problem, too", aha! Wise ko 'diba?

I decided to deactivate my soc med acc. Gusto ko na ulit maging mysterious girl, tapos magm-move on ako, tapos babalik ako nang maganda na lalo with bonggang glow up para makita nila kung sino ang sinayang nila!

Sabagay, I'm Fælicity Lɔ:hreign Uy Mayumi, I deserve more than those trash! Si Mayumi na 'to, sinayang pa?

Natigil ang pagbuo ko ng mga plano sa isang pitik sa noo ko. Kung nakamamatay lang ang tingin, nasa kabaong na ang isang 'to.

"Ano ba?!" pairap kong sabi sa kadarating lang na si Lincoln, nagulo tuloy ang bangs ko!

In fairness, gwapo s'ya sa suot nya (erase muna ang sinabi kong mukha s'yang pwet)-his navy blue long sleeve dress shirt folded up unto his forearm cleanly and neatly, partnered with his neatly ironed black pants and shiny black shoes. Makalaglag panty naman 'to! Hala, erase-erase! Si mukhang pwet na ulit s'ya sa mind kong gorge! Paalala lang, broken ako, broken. Tama.

"Bakit ka na naman nandito? Tsaka ano na namang iniisip mo?" Parang journalist naman 'to sa pagtanong!

Iirapan ko na naman sana ito nang may maisip ako. Hindi pa man s'ya tapos sa pagtanggal ng kan'yang sapatos ay nagsalita na ako.

"Yves Lincoln Zandoval Mon t' Cillo" panimula ko. Tumingin naman ito sa'kin nang may pagtataka dahil buong pangalan nya ang binanggit ko.

He arked his thick left eyebrow, urging me to continue. Iniisip n'ya sigurong Latin honors ang babanggitin ko pero ako si Mayumi na unpredictable and full of surprises kaya I smiled naughtily and spoke, "tayo na lang kaya?"

and that's where and when everything started-on how I fell, but he never did.

Or he may be did, since I did.

-We did fall together and yet we fell apart.

_

🎀🌷

Falling Together, Falling Apart (Mon T' Cillo Series 1)Where stories live. Discover now