~*Chapter One: Walang Forever!*~

20 0 0
                                    

(Mario Enriquez POV)

(SUNDAY: 10:30 AM)

"Kuya... Kuya! Anong oras na! Si Mama nagagalit na sa'yo."-Marie

"Ahhhgggrrr!!! 'Wag ka ngang maingay dyan!"- habang tinataklob ko ang kumot sa mukha ko.

"Anong 'wag maingay hah! Tirik na ang araw, nakahilata ka pa rin dyan!"-at binuksan ni mama ang kurtina ng kwarto ko.

"Mama naman! Inaantok pa ako!"-Ako

"Babae na naman yan 'no at umuwi ka na naman ng alas KWATRO ng umaga! Yan ang hirap sa inyong mga kabataan! Dinadala mo pati sa bahay yang problema nyong dalawa ni Cath! Eh pang siyam mo na syang babae, hindi ka parin na tututo ano!"- mama.

"Ma, pasensya na po sa pagsagot ko-

"AT MAY GANA KA PANG SUMAGOT SA AKIN HAH!"-galit na sabi ni mama

"WALA PA NGA PO AKONG SINASABI, 'DI BA! Ahhh, anyway, natuto naman ako sa mga pinaggagawa kong katarantaduhan sa buhay... Na " Study muna bago pag shoshota"- ako

"Patunayan mo!"-mama

"Si mama naman, parang walang tiwala sa gwapo nyang anak."-ako

"Oo, gwapo ka nga, tanga ka naman pagdating sa pagmamahal"-(ouch!)

"Itē!"- ako

"Aba! Japanese ka na ngayon hah! Bakā!(baliw!) Sya! Tumayo ka na dyan at magligpit ng higaan mo"- mama

At umalis na si mama, habang si marie... Tumatawa.

"Anong nakakatawa!?"-tanong ko sa kanya.

"Pssttuu! Hahahaha! Tanga sa pag mamahal!"-at lalo syang tumawa ng malakas.

"Anong!... Bastos 'to!!!"-at umalis na sya sa kwarto ko.

At tumayo na ako sa higaan.

Pero inaantok pa ako...
Hmmm... Kung umidlip muna ako.

Hay, ako si Mario Enriquez, 18 years old, College student. Simple kaso 'Timer boy' ako(bansag sa akin ng mga kaibigan ko). Hindi ko namang ginusto ang gantong sitwasyon na nagmahal ako pero ipagpapalit rin pala sa iba. Hindi ko naman hiniling sa tadhana na maging 'Timer' ako, ang gusto ko kasing makadestiny ay isang babaeng simple, hindi maarte, maganda ang ugali, matiisin, mahaba pasensya at makakasama ko sa panghabang buhay... Hmmm... Masasabi kong yung mga naging girlfriend ko eh ganun ang ugali pero, bumabagsak pagdating sa dulo ng gusto kong ugali... Ang panghabangbuhay na pagmamahalan. Siguro bagay sa kanila ang katagang:
"Ang pag-ibig, pinatatagal, hindi pang madalian!"# motolite.

(1:30 PM)

"Uy bro! Musta na! Napagalitan ka rin ba ni Tita Maria"- Mark.

"Naku, may nagbago ba?!"-ako.

"Eh, kamusta na kayo ni Cath?"-Eloy.

"Wala na... As usual, pinagpalit ulit ako sa ibang lalaki, hayaan nyo na... Parang hindi na kayo na sanay"-ako

"Bro, naawa na kami sa iyo, bakit kasi nag ge-girlfriend ka pa, ilang araw, babalik ka nanaman dyan, maghahanap ng forever, tapos... Wala na namang forever."-Mark.

"Ano ka ba, walang forever Mark, kaya nga natapos agad ang forevermore kasi nga walang forever!"-(may pinaglalaban 'tong si Eloy hah?!)

The Time and The Past (Dramatic story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon