(Marisol's POV)
(In school)"Ahhhgggrrr! Kabored!"-ako
Nakakainis!!!
Bakit kasi na-inlove pa ako sa maling lalaki, rebound nya lang pala ako. Nakakainis, hinding-hindi na talaga ako magpapaloko sa mga lalaking simula ngayon.Habang nakaupo ako sa bench sa cafeteria at nag-eemote, dumating at tumabi sa akin si Bessy.(Missy)
"Uy, Bes! Anong balita?"-nakainom ba'to ng enervon? Excited pa sa manok 'tong babaeng 'to.
"Bakit? News anchor ba ako para magbalita sa'yo"-walang gana kong sinabi sa kanya.
"Eto naman, syempre kayong dalawa ni Ronie? Anong latest?"-Missy
"Teka, nang-aasar ka ba? Isang linggo na kaming wala ng hayup na yun! Pagkatapos nya akong lokohin... Grrr!!! Bes, pwedeng change topic nalang... Nakakapanggalaiti lang ang pangalan nya... Kaya 'wag na nating balikan ang nakaraan."-inis kong sinabi.
"Teka, nag-break na kayo?"-ay! Bwisit.
"Sabing-
"Pasensya na po, eh sa pagkakatanda ko, absent po ako ng isang linggo at sa pagkakatanda ko, hindi ka nga po pumunta o dumalaw sa bahay namin no!"-ay... Oo nga pala.
Nawala ang galit ko ng sinabi ni bes ang nakaraan.
"Ah bes, sorry, eh sabi ng mama mo c-chickenfox yung sakit mo kaya-"
"Nakuu! Ganyan ka naman! Alam kong nangdidiri ka sa Balat na puno ng butlig na tubig no! Tssk!"-nagsungit ang bruha!
"Sorry na bes, eto nga, binilhan kita ng favorite mong cake at coke sa cafeteria kanina"-ako
"Ayoko, bawal yan sa skin ko yan !"-ang taray hah!
"Huh? Ang pagkakaalam ko, ang bawal kainin na nagkaroon ng Bulutong eh yung pagkaing malalansa katulad ng isda at itlog?"-ako
"Ayokong tumaba"-ahh... Ganun pala... Sige, tingnan na'tin kung makakatanggi ka sa inaalok ko.
"Ahh, ganun ba... Sayang naman 'tong cake at coke... Ah! Sige, kakainin ko nalan-(sabay nya kinuwa ang cake at coke sa kamay ko.)
"Pero di ko sinabi na nagda-diet ako"-bes.
"Hahaha, ikaw talaga"-ako.
At nagtawanan kaming dalawa... Maya-maya'y nag bell na kaya pumasok na kami sa Room 1-1.
Umupo na ako malapit sa bintana.Hayy...kabored talaga...
"Hay class"-Mr. Rodriguez
"Hello sir"-silang lahat
(Except me)"Ah sir! Kanina pa kami dito?! Papasukin mo na ba kami!"-sigaw ng lalaki sa labas ng room.
Papasukin?
"Wag kayong excited! E-eherm(normal ulit) Anyway, may mga nalipat na students sa other section. Actually mga lalaki silang lahat then nalipat sila dahil namali ang paglalagay sa kanila ni Ms. Cornellia kaya ung girls... Behave!"-Mr. Rodriguez
Tssu... Baka nga ang papanget nila.
"Boys! Pumasok na kayo"-Mr. Rodriduez
"Hayy salamat... Kanina pa kami nakatayo dito!"-sabi na sumigaw na lalaki kanina.
Ng pumasok na sila... Agad naman nag hiyawan ang mga babae... Parang hindi magkandaugaga sa kanilang ikinauupuan, habang ako... Napangangalang.
Binabawi ko na sinabi ko kanina.
"Silents..."-Mr. Rodriguez
Pero walang pumansin...
"Silents!..."-Mr. Rodriguez
Haiii.... Mga walang pakiramdam
"SILENTS!!!"-(sumigaw)Mr. Rodriguez
Hay salamat... Kailangan pang sigawan para matahimik?!
"Ah, sorry to interupt you boys"-paghingi ng tawad sa mga lalaking bagong lipat sa room namin.
"Ahhh... Ok lang po sa amin"-silang anim.
"Eherm... So class, behave!
And you boys, can introduce your selves?"-sabi ni Mr. RodriguezNagsimula silang mag-introduce sa batang lalaki...
Bata ba yun? Mukhang matanda na.
"Hay! Ako nga pala si Mark lister C. Freinier, 18 years old"-pangiti nyang sabi.
Sabi na eh...
"I'm Martin H. Coinlier, 18 years old"-ngiti nya rin sinabi.
"I'm Mario Enriquez, 18 years old"- cold nyang sinabi.
"H-hai... Ako nga pala si Rein H. Kimura, 18 din po age ko"- nahihiya nyang sinabi.
"Ako si Justin D. Garier, 19 years old"- mukhang ang tahimik ni kuya.
"Ako si Ian L. Britanian, 18 years old, call me Ian!"- paastig pa sya.
At lahat na ng babae ay nag sigawan...(except boys)
Kaasar!!!
"Oh sige, maaari na kayong umupo."-Mr. Rodriguez.
At umupo na silang anim, at lahat sila, naupo sa hulihan.
Sitting arangement:(right to left)Justin-Mario-Martin-Missy-Ako.
Bakante-Mark-Ian-Rein.Yun ang position ng lahat,
Ako talaga ang pinaka huli..
Huhuhu."Bess, ok kalang?"-Missy
"Obvious ba?!"-sabi ko.
"Mart, ikaw na nga lang ang tumabi dito!"-at nagpalit silang dalawa.
"Teka, magkakilala ba kayo?!"-tanong ko.
"Yes, actually, 1st cousis ko sya. Magkapatid kasi ang mga magulang namin."-Martin.
"So...?"-ako
"Grabe naman 'tong kaibigan mo"-Martin.
"Kaka break lang kasi nila ng ex-boyfriend nya ng isang linggo"-Ang ingay talaga ng babaeng to!
"Haha! Tingnan mo nga naman ang pag kakataon?! Kaka break lang kasi ng bestfriend namin na si Mario sa ex-girlfriend nya at nung isang linggo din!"-Ian
So, anong gusto nitong palabasin?!
"Mr. Britanian! What is your other discution on the back! Are you listen to me!!!"-Sigaw ni Mr. Rodriguez
"Yes sir..."-Lahat silang anim.
"Kung wala kayong pinag-uusapan... Mr. Enriquez, what is the topic for today?!"-galit na tanong ni Mr. Rodriguez.
"The topic for today is all about the philosophy sir"-sabay upo.
"Mr. Coinlier, what is the meaning of Philosophy?"-tanong nya kay Martin.
"Sir, the study of the fundamental nature of knowledge, reality, and existence, especially when considered as an academic discipline."-at umupo na sya.
Wow... Ikaw na!
Kung tutuusin para silang... Mga hari...
"May problema ba?"-Sabi ni Martin.
"Wala... May iniisip lang ako... Wag mo nalang ako pansin."-Ako.
.........................................................
Sorry po dahil ngayon lang po ako naka pag update.
Vote and comment po.
Thank you!
BINABASA MO ANG
The Time and The Past (Dramatic story)
RandomWhat if na ang taong minamahal mo, may masamang karanasan sa pag-ibig? Papaano mo sya tatanggapin ng buong-buo kung ang nakaraan mo rin ay minsan ng nasaktan. (Kung nakaka relate ka dito . . . . . . . Basahin mo ang kwentong ito at matutuwa ka sa i...