buon compleanno

4 0 0
                                    


Third person

“Breaking news isang bangkay ang natagpuan sa isang liblib at madilid na bahagi ng sakahan sa baranggay san roque, ayon sa pulisya pugot ang ulo at nawawala ang dalawang kamay ng nasabing bangkay."

" Ayon sa nakasaksi pasado ng alas-syete ng umaga ng may maamoy silang masangsang na amoy kaya naman sinundan nila ang pinanggagalingan ng amoy,dito nila natuklasan ang katawan. "



"Ayon sa imbistigasyon, walang tao ang nagpupunta rito sapagkat ito ay madilim at magubat at may mga ahas rito. Inaalam pa ng mga pulisya ang pagkakakilala ng biktima, ito si Sarah Ramos,nagbabalita breaking news.”






“ ayan nanaman, panibagong biktima nanaman ng chop-chop” saad ng isang pulis

“ kinikilabutan ako tuwing may ganiyang balita, wala ng katigil-tigil ang karumal-dumal na krimen dito sa Lugar natin" sagot ng kasama nitong pulis

Kasalukuyang marami ang tao ngayon sa bawat pulis station, karamihan rito mga pamilya na naghahanap sa nawawala nilang kamag-anak o kapamilya. Nagsimula ang kaso ng mga nawawalang tao simula nung nakaraang buwan, noong una ay paisa-isa kada linggo hanggang sa naging lima na ang nawawala kada linggo.

Nabahala ang autoridad sa ganitong krimen, ang mas kinakatakutan pa ng marami, ang mga wawalang tao ay natatagpuan makaraan ang ilang araw o linggo nilang pagkawala, bangkay na at wala ng buhay, lahat ay pugot ang ulo, ang iba wala nading braso o binti kaya naman takot ang bumalot sa lahat ng tao lalo na ang pamilya ng nawalan.


Marami ang hindi magkanda-kumahog sa paghahanap ng mga nawawala nilang pamilya, dahil sa takot na baka sa susunod na araw ang hinahanap na nila ang matatagpuang wala ng buhay at pugot ang ulo. Dahil rito pinayuhan ng autoridad ang bawat pamilya o magulang na bantayan maigi ang kanilang mga anak o kapamilya, hindi pa matukoy kung sino ang nasa likod ng karumadumal na krimen na ito, walang bakas ang makakapagturo nito sa suspek maging ang mga naging biktima nya ay walang kinalaman sa bawat isa.




Kahit na ang mga pulisya ay hindi masikmuraan ang krimen na iniiwan ng suspek, kinakailangan parin nilang maging matatag, buo ang desisyon at lakas loob nilang hahanapin ang suspek sa pagpatay; lalo na ang baguhang grupo ng kapulisan, parte rito si Emanuel, isang bente-syeteng anyos na gulang, kakatapos nya lamang ng pag-aaral sa kursong criminology, kasabay nyang nagtapos ang kanyang dalawang kaibigan na si Nicolas at si Kiennan.


“ Baltazar, lumabas na resulta ng forensic result ng biktimang natagpuan sa gilid ng kalsada sa San kalima. Kinilala ang biktimang si Arnold Dela Cruz, bente-sais anyos na gulang,katulad nya nakitaan din ng tatak sa batok, pang sampu,march 30,2023 ang oras alas-kwatro ng madaling araw. Wala sa record ng missing person natin itong si arnold, maaari bang pakihanap at sabihan narin ang ibang kapulisan tungkol rito.” Ma-Autoridad na pag-utos sa kanya ng kanilang Cief Zamor.

Mahahalata mo sa boses nya ang pagod at puyat nito,marahil hindi na nito magawang makapag pahinga dahil sa dumaraming kaso ng missing person sa bansa.

“Masusunod Cief, Eman,Colas,Kien samahan nyo ko magpunta sa kabilang baryo, ang iba sa inyo ipaalam ang naging resulta ng forensic.”
Umalis na ang apat upang magtungo sa baryo ng san deigo, habang ang natira ay nagpunta sa ibang pulis station upang ipaalam ang balita ng pagkakakilanlang ng biktima.


Nang makarating sina emanuel sa baryo ng san diego upang magtanong sa isang police station roon,napag alaman nila na naroon ang case report ng pagkawala ng bangkay na natagpuan sa gilid ng kalsada sa San Kalima.

Isang linggo ng nawawala ang ginoo,huli itong nakitang tumawid galing sa baryo ng San Agustin papunta sa San Madrid. Ngunit nakita ang bangkay nito sa gilid ng kalsada ng San Kalima malapit sa police station kung saan nakaduty sila emanuel.

Testa mozzataWhere stories live. Discover now