Unti-unting nagmulat ng mata ang dalaga. Napalinga ito at pinagmasdan ang kwartong kinalalagyan niya. Maayos ang kwarto iyon.May wallpaper pa itong kulay asul. Halatang kwarto ng lalaki. Agad siyang umupo at bigla itong napahawak sa ulo niya. Halata sa mukha nito ang sakit na nararamdaman niya. Nagising mula sa pagkakatulog ang matandang nasa tabi ng kama sa tinuran ng dalaga.
“Gising kana! Naku! Anong nararamdaman mo? May masakit ba? Sumasakit ba yang mga sugat mo? Jan ka lang muna ineng at tatawagin ko ang alaga ko para matingnan ka niya. Salamat sa Diyos at nagising kana!” dirediretsong tanong ng matanda saka lumabas ng kwarto.
Sa pag-iisa ng dalaga, tumayo ito at lumapit sa isang life size mirror malapit sa kama. Nagulat ito ng mapagmasdan ang kanyang sarili. May mga maliliit na sugat at pasa siya sa braso, paa at may benda din ang kanyang ulo. Napahawak ito sa kanyang ulo.
“What happened?” tanong nito kasabay ng pagbukas ng pinto. Agad siyang napatingin sa kung sinong pumasok. Lalaki iyon. A handsome guy with thick dark hair that is slightly waved. What caught her attention is his blue eyes. Sa mga matang iyon ay mahahalata mo ang pagod. May dala itong stethoscope at isang box. Agad itong lumapit sa dalaga.
“You should stay in the bed.” Sabi nito habang inaalalayan ang dalaga na makaupo sa kama. “May masakit ba sayo?” tanong ng lalaki. Agad namang umiling ang kausap nito.
“Ano bang nangyari sayong bata ka at ang dami mong sugat? Saan ka nanggaling? Buti nalang nakita ka nitong si Anthony sa daan.” Tanong ng matandang kapapasok lang.May dala itong isang baso ng tubig. Iniabot niya iyon sa dalaga at agad naman nitong ininom.
“The truth is I can’t remember what happened. I can’t even remember what my name is.” Sagot ng dalaga at yumuko. Halata naman sa mukha ng lalaki at matanda ang gulat.
“You don’t remember who you are?” tanong ng lalaking si Anthony at tumango ang dalaga bilang pagsagot.“Excuse us for a moment” paalam nito at lumabas ang dalawa. Hinintay ng dalaga ang dalawa at dumating naman sila kaagad.
“The thing is, we don’t also know who you are. Nakita lang kita sa daan nung pauwi ako. I’ll give you a name for the mean time at hindi natin hahanapin ang family mo” yun ang bumungad sa dalaga.
“But why?!” pagtutol nito. “Ako ang tumingin sa mga sugat mo. Your injuries are no accident. May daplis ka ng bala sa braso mo and also a gun shot on your shoulder. Good thing I removed the bullet. Someone must have wanted you killed. Kapag pinakita ka namin agad the killer will come back to you and would kill you.” Mahabang litany ng binata. Nakatingin lamang ang dalaga sa kanya.
“For now you are Christine Isabelle Mendiola.”
Napahinto ako sa pagbabasa ng librong nakita ko sa kwarto ng bumukas ang pinto. Si Manang Linda lang pala, ang mayordoma ng bahay na ito. “Mahilig ka ring magbasa?” tanong nito habang nilalapag sa may mesa ang daladala nitong pagkain. Ngumiti lang ako sa kanya. Umalis na si Anthony pagkatapos niya akong tingnan yung mga sugat ko kanina. “Alam mo mahilig ding magbasa si Anthony. Halata naman sa kwarto niya diba?”
Oo, kwarto ni Anthony ang gamit ko ngayon. Madami siyang libro ditto sa kwarto. May novels, iba’tibang dictionaries, mayroon ding books with different languages at karamihan ay science books. Malawak ang kwarto niya at makikita mo sa loob ang 3 book shelves sa gilid. “Yung iba jan bigay ng mommy ni Anthony. Yung iba bigay ng mga Kaibigan niya. Karamihan jan binili niya, yung iba mula pa ng ibang bansa. Sa mga pinupuntahan kasi ng batang iyon ay bumibili ng libro.
“Matanong ko lang po kayo, paano po ba ako napunta dito? Ang sabi niyo po nakita ako ni Anthony sa daan.” Tanong ko sa kanya.
“Ang kwento ng batang iyon sa akin, pauwi na siya galing sa lab ng napatawid ka bigla sa daan. Nabangga ka pa nga niya eh. Agad siyang lumabas ng kotse niya at tiningnan ka. Duguan kana daw nun ng Makita ka niya sa gilid ng kalsada,sa may bangin eh tumalsik yung dugo mo. Sinakay ka niya sasasakyan. Nagulat na lang ako ng dumating siyang kasama ka. Pinahanda niya agad sakin yung operating room. Ako ang tumulong sa kanila ni doktora sa panahong iyon, kasi nurse naman ako at may doctor tapos marami naming alam si Anthony pagdating sa field ng medicine. Kinailangan mo ng dugo at sa awa ng Diyos ay nag match ang dugo niyong dalawa. Siya ang nagbigay ng dugo sayo. Akala namin magigising ka rin after 3-4 days pero tumagal pa ng 3 weeks bago ka nagising.” Mahabang kwento ni Aling Linda.