CHAPTER 15

113 58 23
                                    

Olivia's Point of View

We had known each other for over a month since I was his student long before Nalu came into the picture and I thought we had a strong bond, but apparently, I was wrong. Nalu was everything I wasn't - beautiful, confident, and outgoing. She had a way of drawing people in with her infectious laugh and charming personality.

As I watched her approach us, I couldn't help but feel a twinge of envy. How could someone as perfect as her exist? And why did Sir Yoshio have to fall for her?

"Olivia!" Patakbong lumapit siya sa akin at kasabay nito ang pagyakap niya sa akin. "Ito naman parang hindi ako na-miss." She pouted her lips just like a duck and do some puppy eyes in front of me.

"O-okay lang ako." I pretend to be fine pero deep inside it was killing me. "Kumusta ka na ba?" tanong ng mga kaklase namin. "Oo nga, balita namin na-confine ka raw? Anong nangyari ba sa'yo?" usisang tanong ni Keiran.

"Biglang nanghina katawan ko at nagkaroon din ako ng mataas na lagnat dahilan para ma-confine ako. Iniiwasan kasi nilang mag-seizure ako since mahina katawan ko para bang naninigas yung kamay, binti at iba pang parte ng katawan ko." pagpapaliwanag naman ni Nalu.

"Heto nagdala ako ng Quattro Formaggi grilled cheese sandwich. Masarap 'yan isa 'yan sa paborito ko. Pinagawa ko 'yan kay manang." Isa-isa niyang iniabot sa mga kaklase ko yung sandwiches na hawak niya.

"Uy, ang sarap nito ah. Iba talaga kapag mayaman." Puri ng isang kaklase namin, si Clarence. Bigla akong naiirita samantalang tinapay lang naman iyon na may keso anong espesyal doon.

Iniabot niya sa akin ang sandwich, "I know you're hungry. Kumain ka na muna bago mag-start klase ni Sir Yoshio." Nakaabang lang ang kanyang kamay hawak-hawak ang sandwich na hindi ko pa rin tinatanggap.

"Tanggapin mo na sis, 'wag kang tumanggi ng grasya masama 'yon." Paalalang sabi ni Keiran na pa ngisi-ngisi pa. Sarap talagang batukan ng isang 'to. Kinuha ni Keiran ang sandwich at binigay sa 'kin. "Arte-arte mo umayon ka naman sa itsura ha? May binabagayan 'yan." Hirit pa niya.

Pumasok na si Sir Yoshio sa klase namin. Gaya ng dati bumalik ang sigla niya simula ng makita si Nalu na nakatayo at bumati rin sa kanya. Padabog akong umupo nang aking upuan at sinamaan sila ng tingin. Hindi ko kaya na makita ang ganitong senaryo araw-araw!

Nalu's Point of View

Naglakad ako papunta sa kanya. Umupo na rin naman ang mga kaklase ko. I handed out the last piece of the sandwich and my excuse letter for Sir Yoshio.

"Nag abala ka pa, salamat dito. Amoy pa lang nakakatakam na." birong sabi niya.

"Well, all of them has it. So, dapat mayroon ka rin." sagot ko.

"Kumusta ang pakiramdam mo? Baka naman pinilit mo lang pumasok ng klase ko tapos hindi naman pala mabuti lagay mo." he asked.

"I'm fine. Ang dami ko ng na-missed na lessons, quiz-," Inilagay niya ang kanyang hintuturong daliri sa labi ko to shut my mouth. Nakita iyon ng mga kaklase ko. "Shh... I can send you my whole lesson plan. You don't have to worry. I got your back." Lumapit pa ang mukha niya sa mukha ko. Halos mapapikit na ako dahil sa pagkakalapit ng kanyang mukha.

Hello, Sir Yoshio. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon