PROLOGUE

29 2 4
                                    


"The stars shine differently upon your eyes," malambing na sabi ni Franco habang nakahiga at nakatitig sa dalagang nakahiga sa kanyang braso

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"The stars shine differently upon your eyes," malambing na sabi ni Franco habang nakahiga at nakatitig sa dalagang nakahiga sa kanyang braso. Ang magkasintahan ay nasa ilalim ng kalangitang bahagyang natatabunan ng mga ulap. May mga kakaunting bituin ang kumikinang sa mg sulok na espasyo. Hindi rin mahagilap sa kalangitan ang buwan na sa panahong ito ay dapat bilog at masigasig na lumalaban sa kadiliman ng hating gabi.

"'Naku, mambola pa talaga, alam ko na 'yang binabalak mo," natatawang sagot ng dalaga at matamlay na tinanggal ang braso ng binata mula sa likod ng kanyang ulo.

"No, really, Rose! I know, I abused that metaphor." Bumalik sa pagharap sa kalangitan si Franco, huminga ng malalim bago muling timingin at lumingon sa dalaga. "I think, I just don't need to explain more. We don't need to give more reasons when it's the way our heart's reason out."

Tumagilid ang dalaga, binaloktot ng pa-angulo ang isang braso sabay taas ang ulo at isinandal ito sa kanyang kamay. Tumitig siya kay Franco na para bang pinag-aaralan ang mukha nito.

"When I tell you how much I love you. I do, and it's just the way my heart reasons out. I want to be forever with you," ang pagpapatuloy ng binata.

"Uh, huh?" sagot ng dalaga. "Sandali, lang." Mabilis na bumangon ang dalaga, tinungo ang tent nila at mula roon ay kinuha ang kanyang celphone. Bumalik siya sa kanyang pwesto ngunit umupo na lamang sa picnic mat. Itinaas niya ang celphone sabay sabing, "Sige continue, Hon..."

Bumangon ang binata mula sa pagkakahiga. "Ano 'yan?"

"Video. Irerecord kita."

"Nakakawalang gana na man 'yan."

"Sige na, Hon."

Bumangon ang binata, bakas sa kanyang mukha ang tila pagka-irita. "Seryoso nga ako eh, tapos bi-videohan mo lang." Tumayo ito, hinanap ang tsinelas sa damohan at naglakad palayo.

"Hoy, sa'n ka pupunta, Hon?" pag-aalalang tanong ng dalaga ngunit nagpatuloy sa paglakad ang binata. "Hoy... Hon! Sorry na!"

Mabilis na natabunan ng mga ulap ang lahat ng mga natitirang bituin na tila gusto sana masaksihan ang mga eksena ng magkasintahan. Madilim ang paligid at tanging ang ilaw na lamang ng rechargeable lamp ang lumalaban dito. Matapang ang amoy ng mga punong pine habang sumasama ito sa malamig na hangin na mayamaya ang pagihip. May hamog na gumagapang sa mamasa-masang lupa, na tila mga kumot na nais itago ang ano mang nakatago na sa damohan.

Nagpatuloy si Franco sa paglalakad at tuluyan na itong nilokob ng kadiliman kahit pa man hindi pa iyon malayo sa kanilang tent.

"Franco, ano ba? Ang dilim-dilim eh!" sigaw ni Rose habang nakatayo sa kinaroroonan ng picnic mat. "Bwisit na lalaking--" napahinto ang dalaga at tila may napagtanto. Bigla itong napangiti at mabilis na hinanap ang tsinelas sa damohan. Naglakad ito at sinundan kung saan man ang kinaroroonan ng kasintahan.

Deadly NightshadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon