I • Love, Anger, Darkness & Evil

23 1 0
                                    

CHAPTER I

HATRED IS NOT THE OPPOSITE OF LOVE—the opposite of love is detachment. Apathy. Dispassion. When love is gone, you become numb. You no longer care. You lose that feeling, and the absence of it isn't called anger. No, it's not. It is indifference. Nonchalance. Emptiness. If you have too much emptiness of that emotion, you die inside or lose your mind. Or both. 

And sometimes, when you do, anger takes the vacant seat in your head and in your heart to make you miserable. 

Ganyan rin siguro si mama. She just became indifferent when my bastard father beat her, night after night. But my mother endured. Maybe because she loved my father so much. Maybe she just endured. Not until that cold rainy August night. Everything went loose. Simula nung gabing yon, I guess, she no longer cared. She no longer talked. Not even a word. Nakatulala na lang siya lagi sa hangin and I think she's gone. She couldn't even recognize her only son—even tried to stab him the day after. 

But I didn't mind.  I don't. 

My ex thought it's because I'm insensitive. Maybe because I'm not good enough for her. Maybe because I'm insensitive... 

I dunno, but I'm still trying to live my life the way it is now...


-|-


"Ma, pasensya ka na," sabi ko sa babeing nakatingin sa akin ngunit tila hindi ako nakikita. Walang ekspresyon ang kanyang mga mata at bakas sa kanyang mukha ang paunti-unti ngunit mabilis na pagnanakaw ng panahon sa kanyang kagandahan. "Siguro hindi na ako makakadalaw sayo rito ng mas madalas, natanggal kase ako sa trabaho ko eh. Kailangan ko muna maghanap ng bagong trabaho." Hindi ko alam kung bakit hirap ako sa pagsabing 'hirap ako ngayon at wala na akong trabaho.' Hirap akong sabihin ang katotohanang pagod na ako sa buhay ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit ang hirap sabihin ang mga yon sa taong kaharap ko ngunit hindi ko naman kasama ang diwa at isip. 

"Alam mo, ma? Artista na sana ako ngayon, kung hindi lang ako pumalpak," natatawa kong sabi. Hindi ako nagpapatawa ngunit may parte sa loob-loob ko na ninanais makita ang ngiti ni mama.  Noon, lagi akong nalulungkot pagbinibisita ko si mama. Ngayon, parang nasasanay na ako ng ganito. Siguro, I'm starting to become indeferrent too. Numb. Unfeeling. 

Kinuha ko yung dala kong basket na may mga prutas sa tabi ko at inilagay iyon sa mesa. Mula sa kumpol na mga oranges sa basket, kumuha ako ng isa upang balatan. Habang kinukuha ko ito ay nasagi ko ang isa pa kung kaya nahulog ito mula sa basket at gumulong sa concrete na mesa. Tinangka ko pa sanang salohin ang prutas ngunit bigo akong gawin iyon. Nahulog ang orange sa ilalim. Ibinalik ko muna ang hawak kong isa at paupong inabot ang nahulog na orange sa ilalim.  

"Adam..." malumanay na tawag ng pamilyar na boses. 

Dahil sa gulat ay napatayo ako bigla. Sinalubong ako ng matinding sakit nang mabagok ang ulo ko sa mesa sabay pikit ko sa aking mga mata. Pagdilat ko ay makulimlim na ang paligid. Nakaupo na ako sa ilalim ng mesa habang may naglalakad na nakapaa.  May dugo ang sahig at sa unahan ay nakahandusay ang katawan ng isang lalaking nakatitig sa akin. Maraming dugo ang kanyang mukha. Huminto ang naglalakad at biglang umupo sa tyan ng lalake sabay bulwak ng dugo sa kanyang bibig. Sa ibabaw ng nakahandusay na lalake ay ang babaeng naka bistida. Ang puti niyang damit ay may mga rosas na tila sumasayaw sa pagtilamsik ng mga pulang likido at sa saliw ng tunog nang kutsilyo laban sa pagal na laman at tunog ng lalamunang tuyo at hirap sa paghinga. Hindi ko mawari ang gagawin. Gumagapang ang mga mumunting galamay ng takot sa aking mga balat at tila namamanhid ang aking mga talampakang nakasalampa sa nagyeyelong sahig. Nais kong pumikit ngunit tila ayaw ng aking mga talukap. Dilat na dilat ang aking mata na kahit pagkisap ay ayaw nitong gawin hanggang napansin ko nalang na lumuha na ang mga ito. Patuloy ang pagtaas-baba ng patalim laban sa dibdib ng aking ama. Naalala ko ang bilis ng karayom ng demakenang pantahi na tumutusok sa tela sa tuwing tinatahi ni mama ang napunit kong damit. Pinilit kong isipin at paniwalaan na uniporme lang ni papa ang nakikita ng aking mga mata, habang ang kutsilyo ay isa lamang karayom na ginagamit ni mama upang tahiin iyon. Ngunit biglaang huminto si mama, mabilis na lumingon sa aking pinagtataguan at ngumiti habang nanlilisik ang mga mata. Hindi ko mawari kung papaano pero alam kong hindi na si mama iyon. 

Deadly NightshadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon