Seen 1

4 0 0
                                        

Sprout


After the scenario that happened last week, sa labas ng classroom namin, I've caught his glimpse again, for the 4th time in the last weeks of attending classes, nang pauwi na. I think it's been a month since I've notice him.

I let out a sigh. Lintik na pagtingin yan.

Life is still good and I'm trying to catch up in my pre-calculus class. It sucks when you're not smart, lack concentration and understanding of things that you need to understand when studying. But keep going on even if things seem hard at times. Hinding-hindi iiyak sa academics!

9/28 

At home, staring at the screen where I just took my pre-cal test, dumbfounded. But in a while, I scoff as I realized the score and slowly, I started to weep as the shock literally triggered me. I sniff as the overwhelmed feeling started to flow out of me. I tried my best, but I think my best wasn't enough. After a bit, inalis ko na lang sa isipan ko ang nakuhang resulta. Maybe next time, I can do better than that. 

2 days later...

Nagd-discuss ang teacher namin sa earth science nang may kumatok at nag-excuse sa klase para pumasok. Gulat at napakunot noo akong tinignan syang naglalakad papasok hawak-hawak ang A4 size na papel. Ang manly ng pagtayo tapos ngayon, manly din kahit naglalakad lang.

He nods at our subject teacher, tila sinasabing magsisimula na ito sa kung ano mang iaanunsyo niya sa klase. I then started to clear my throat as he begins to look around in the class, he met my gaze and for a while he breaks it.  

"Good day! We are from the school organization named SIBOL. The science club that aims to help you to further the knowledge, learning and exploration relating to science..." blah blah blah. Hindi ko na nasundan ang sinsabi nya dahil hindi ko magawang ialis sa isipan kung gaano sya kakalma habang nagsasalita s'ya. Yung tipong masasabi mong halata sa pananalita nya na alam nya kung ano ang gusto nyang ipahayag. Maayos at wala kang masasabi, perpekto kungbaga. Napakaalam nya sa lahat ng bagay, hindi ko pa man sya kilala pero ganoon na nga ang napapakita nya base sa oberbasyon ko sa kanya. 

Naialis ko ang tingin sa kanya nang bigla silang nag-bow at gulat naman ako nang biglang nagsipalakpakan ang lahat kaya napalakpak na rin ako. Tinignan ko ang grupo nila, anim ata sila at tapos na sa kaniya kaniyang parte sa pagsasalita. Ang bilis ng oras. Paano ba naman, sa kanya lang ako nakatingin, balewala ang ibang tao na nakapaligid sa 'kin.

Naglakad na sila paalis at hindi na muli nagkita ang mata namin.

Kinalabit ako ni Mateo sa balikat. "Huy ante, ano na? kanina pa kita tinatawag."

I looked at him and laugh, "Bakit ba kasi?" he just rolled his eyes at me. So attitude sismars.

"Pahingi sagot." he said and chuckles. Kapal. Grabe talaga, mas mataas pa score nya sa 'kin tas ganto. Mateo what a legend...

"Sige, hindi ko kasalanan pag mali." sabi ko sabay bigay sa kanya ng librong may sagot na. Hindi ko rin alam kung tama yung mga pinagsasasagot ko pero atleast tapos na. Parehas naman kami babagsak. 

Nagliligpit na ako ng gamit ko bago umuwi nang ianunsyo na ang row namin cleaners. e kung what if tumakas? chariz, good girl tayo, kaya maglilinis. 

"Cr lang ako." banggit ko sa mga kasama kong maglinis at dali-daling lumabas ng classroom.  Pero dahil sa pagmamadali, muntikan na ko tumama sa pintong bahagyang nakabukas. Buti na lang may nagsara at nagtama ang mata namin. 

Aly

Tinignan nya lang ako gaya ng default face nya pag hindi nagsasalita. Walang emosyong ang chinito nyang mga mata at hindi man lang sya nagulat na may tao bago nya isara ang pinto. I think it's a good thing nga e, na sinara nya yung pinto. Para bang alam nya na dadaan ako ron, kaya nagkita yung mga mata namin. 

Tapos akong maglinis na may magaang puso. "Tara na," sabi ko kay Mateo. Siya kasi palagi ang kasama ko pauwi, since parehas naman kami ng dadaanan.

"Kailan ka mag-r-review?" Mateo. Nagkibit balikat ako.

"Meron bang exam? Stock knowledge na lang siguro, kahit out of stock." I told him sabay tawa na may kasamang hampas sa braso nya, as always, mahina lang yon. Tinignan ko na ang dinadaanan ko nang mapansin ko ang pamilyar na likod at ang kaniyang tote bag na nakasukbit sa kanyang kaliwang balikat, EST 1884  na nakasulat dito at yellow ochre pa ang kulay. 

I side eyed look Mateo na tinignan naman nya ako nang may pagtatakang mukha, at bigla ko na lang syang natatawang hinampas ulit sa balikat. Tinignan nya ako ng masama. Kaso napansin nya ata ako na nasa likod nya, he looked back. Nagkita muli ang mata namin. I innocently look at him like nothing happened. Kaya with a slight embarrassment, nilagpasan ko na lang sya na mabilis naman akong sinundan ni Mateo sa paglalakad. Tumawid kami at pumara ng jeep. 

Days passed by at tapos na rin ang exam, sa wakas! I think I did good naman, hulaan yung mga sagot don pero dadasalan ko na lang ulit para sure na pasado. 

Recess namin ngayon at kasama ko ulit si Mateo para mag recess at ang dalawa pa naming kaibigan. Nasa canteen kami, ako ang naatasang bumili ng drinks. 2 Matcha, cookies and cream tapos red velvet milktea, pauli-ulit kong saad sa utak ko. At napagpasyahang tignan ang tatlo sa likod ko kung nadoon pa rin sila.

Ngunit nang haharap na ko napansin kong may dadaan, kaya naman mabilis kong itinalikod at tinabi ang sarili. But in that moment, I felt him graze his skin onto mine. And for the second time again, feeling and seeing him made my heart pump like crazy. Siya na naman.

I'm doomed so bad.

I can't help but to be this way kung laging nagkikita ang mata at sa tuwing naglalandas ang daan namin. 

There's something in me that's being watered to sprout, like the bloom of a flower that adds the essence and meaning in our life to be alive and beautiful, that their presence is the reason why the happiness within us blossoms into something sentimental.


-O-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

at a glimpseWhere stories live. Discover now