THE FINALE

201 1 0
                                    

Alexa's POV

Nakakapagtaka lang di na lumabas sila mommy at Daddy Louis sa kwarto nila. Gustong-gusto ko na talaga magkaroon ng kapatid. Naiinggit ako sa iba. Andito ako sa sala kasama nila mamila at dadilo na nanonood ng balita sa TV.

"Oh bakit nakabusangot ang aming apo?"

Tanong ni dadilo. Mukhang nahuli akong iba ang itsura ko. Kaya naman ay agad akong umayos.

"Wala po, dadilo. Okay lang po ako"

Masaya kong sabi sa kanila. Agad naman akong nilapitan ni mamila.

"Alam ko na kung anong iniisip mo."

"Ano po yun?"

"Gusto mo ng magkaroon ng kapatid, ano?"

"Hehehe opo, mamila"

"Ready ka na bang maging ate?"

"Oo naman po, dadilo"

"Naku, mukhang excited ka na talagang maging big sister"

"Hayaan mo, darating din ang panahon na magkakaroon ka rin ng kapatid. Hindi pa sa ngayon, malay natin bukas, buntis na pala ang mommy mo"

"Kapag po lumaki na ang tiyan ni mommy?"

"Oo apo ko"

Nakangiting tugon sa akin ni mamila habang hinahaplos ang aking buhok.

"Magpahinga ka na apo, pero mag-pray ka muna bago matulog"

"Ipag-ppray ko po na sana buntis na po si mommy bukas. Hihihi!"

"Loko ka talaga apo. Nagmana ka sa dadilo mo"

Natawa na lang kaming tatlo. Nagpaalam na ako kanila mamila at dadilo na ako'y pupunta na sa aking kwarto para makatulog na.

Third Person's POV

Makalipas ang ilang buwan na pagbubuntis ni Annika ay matagumpay niyang ipinanganak ang isang sanggol na kamukha ni Louis.

"Napakacute ng baby niyo ma'am. Ano pong pangalan niya?" tanong ng isang staff nila Annika. Dinala ba naman ni Annika ang anak nito sa kanilang opisina.

"Alessandro David Velasquez Harmonico" pagsagot ni Louis.

"Tiyak na siya ang tagapagmana ng kompanyang ito" magiliw na ani ng isang nakakatandang staff.

"Omsim"

"Balak kasi ni Alexa na maging isang doctor. Para naman daw matulungan niya ang mga taong may malubang karamdaman." nakangiting pagpapaliwanag ni Annika sa mga staff nila.

Mahimbig ang tulog ng kanilang unica iho. Nakuha niya ang mahabang pilik mata ni Louis habang ang matangos na ilong nito ay nakuha niya mula kay Annika.

"Napakaswerte niyo po ma'am at sir. Kailan po ba ang kasal niyo?"

"Kasal agad?"

"Malalaman niyo sa tamang panahon. Imbitado kayong lahat. Huwag kayong mag-alala." Siniko na lang ni Annika si Louis.

"Teka nga. Bakit kayo lang ang pumasok ngayong araw na ito? Hindi ba makakapasok ang iba pa ninyong katrabaho?"

Pagtatanong ni Louis sa kanyang mga staff.

"Ano kasi sir. May pi--"

Di na natapos ang pagpapaliwanag ng isang empleyado nang nakarinig sila ng pagputok ng party poppers at pagkanta ng Happy Birthday. Pumasok ang ibang staff nila Louis at Annika na may dalang balloons at pagkain. Sumunod din na pumasok ang mga magulang ni Annika at si Alexa.

"Happy birthday to you... Happy birthday to you... Happy birthday, happy birthday... Happy birthday to you. Happy birthday sir Louis!" sabay-sabay nilang pagkanta at pagbati ng mga staff na nasa loob ng opisina.

"Sino ang may pakana nito?"

"Ang soon to be Mrs. Harmonico" pagsagot ni Annika kaya napalingon si Louis sa kasintahan nito.

"A-Annika..."

"Happy birthday, baby" pagbati ni Annika sabay halik nito sa pisngi ni Louis na nagpabigay ingay sa apat na sulok ng opisina.

"Happy birthday, Daddy Louis!" bati naman ni Alexa na may dala-dalang cake. "Make a wish before you blow the candle, baby"

"Humanda ka sakin mamaya" pagbabanta naman ni Louis kay Annika na narinig ng karamihan. Pumikit muna ito bago niya i-blow ang candle nito.

"Maraming salamat sa pagsurpresa niyong lahat sa akin. Muntik ko na kayong pagalitan kanina e"

Nagtawanan silang lahat. Masaya nilang pinagsaluhan ang dala nilang pagkain.

Napakabilis nga naman ng panahon. Sa dinami rami ng pagsubok na napagdaanan ni Annika, si Louis lang pala ang makakapagbigay susi para buksan ang kanyang saradong puso para magmahal ulit...

-THE END-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE LADY IN A RED DRESSWhere stories live. Discover now