CHAPTER 20

188 1 0
                                    

Annika's POV

Ano bang pinagsasabi nitong magbunga? Yung puno ng mangga?

"Hahaha nevermind"

Napatawa na lang si Louis sa naging reaction ko. Nilapitan ko na lang si Alexa.

"Alexa anak, go back to the dining area and finish your food, okay?"

"How about you and Tito Louis?"

"Susunod na kami, may pag-uusapan lang kami ng Tito Louis mo"

"Okay mom"

Mabuti na lang at hindi pasaway itong anak ko. Iba talaga kapag ang lolo at lola ang nag-alaga at nagpalaki ng maayos.

Tuluyan na ngang nakalabas ng kwarto si Alexa.

"Wag mo ngang pinapaniwala ang bata"

Sinamaan ko siya ng tingin. Binalewala lang niya yun at hinawakan ang aking kamay at tumingin sakin ng seryoso.

Eye to eye talaga. Jusko baka matunaw ako.

"I'm not pranking or either joking here"

Ewan ko ba kung seryoso itong si Louis o hindi.

Nagdaan ang mga araw at nalalapit na nga ang kasal nila Lawrence at Kyzixah.

Naalala ko pa noon yung mga binitawan niyang salita na 'Ikaw lang Annika, wala ng iba' pero nagawa mo pa ring magloko. Yung mga plano natin na gagawa tayo ng buo at masayang pamilya, ngayon ay ipaparamdam mo na sa iba.

Hindi rin natin masisisi ang tadhana. Hindi man ikaw yung taong makakasama ko hanggang sa pagtanda, nagkaroon naman ako ng isang taong tumanggap at magmamahal sa amin ng ating anak pang habang buhay.

Nitong nakaraang araw lang ay nakakaramdam ako ng pabago bago ang mood ko at pagsusuka. Di ko pa trinatry na mag PT (pregnancy test) kasi busy din sa work.

Nasa kabilang table si Louis habang ako naman ay narito sa table ko at pinapakiramdaman ang katawan ko na sa tingin ko e masusuka ulit ako.

Agad akong nagpunta sa CR.

"Louis!" sigaw ko.

Rinig ko ang yapak ng paa ni Louis sa flooring. Aligaga itong napatakbo sa akin upang alalayan ako.

"Let me help you"

Lumapit kami sa sink at doon ako nagsuka. Hinagod niya ang aking likuran sabay paalam na aalis para kumuha lang ng tubig. Matapos kong magsuka ay napasandal ako sa dingding at nagpahinga muna ako saglit.

Dumating din naman agad si Louis na may dalang bottled water. Binuksan niya ito at pinainom sa akin.

"Are you okay now baby?"

"Yes, I'm fine. Thank you"

Inalalayan niya ako papalabas ng CR hanggang sa paupuin ako sa aking swivel chair. Mabuti na lang at nariyan si Louis.

"What if magpacheck-up ka na sa OB Gyne? May isa akong kaibigan na OB Gynecologist. Hindi naman kalayuan ang kanilang clinic sa building na ito"

Hinawakan ko ang kanyang kamay at ngumiti sa kanya.

"Thank you so much, Louis"

"Nothing to worry, okay? I'm always here beside you no matter what happen"

Matapos niyang sabihin iyon ay hinalikan niya ako sa aking noo. Dahilan para ako'y mapangiti. Kinabukasan ay agad din kaming nagpunta sa isang OB Gyne.

Inalalayan ako ni Louis paupo sa may bakanteng upuan. Mabuti na lang at kakaunti lang ang pasyenteng nagpupunta dito. Agad din kaming pumasok sa loob ng clinic.

THE LADY IN A RED DRESSWhere stories live. Discover now