1:32 thoughts kasi gutom at gustong pumunta sa 7/11

21 1 0
                                    

grabe ang sarap sa tenga ng kanta ni Toneeejay na 711 e 'no? imagine--- ikaw lang naman mahalaga e, kahit 'di na s'ya--- ang mahalaga andyan ka, tapos magkasama kayong tatanda.

masaya na kapag masaya ka. siguro sa iba, tulad ko na maraming reservations sa buhay pero uncontrolled naman kapag magmahal-- hindi madaling maarok ang concept ng pag-ibig na ganito kalalim. tipong parang kayang tanggapin lahat, kayang ibigay lahat, kayang isuko lahat. hindi ko naman naramdaman sa kanta na hindi n'ya magawa 'yong mga gusto n'yang gawin dahil mas inuuna n'ya 'yong gf n'ya, sadya lang talaga siguro na nararamdaman n'yang masaya na s'ya kapag nakangiti 'yong isa.

i'm all for exploring your individuality, do your own things outside the relationship at wag gawing personality ang jowa pero iba talaga ang dating nitong kanta e.

iba siguro talaga ang dating ng pakiramdam ng alam mong wala ka ng hinahanap. settled na ang puso mong mag-stay. ang comforting ng thought na alam mong alam ng kumakanta na hindi na n'ya iiwan 'yong jowa n'ya. na pupunta silang japan at magreretire sa canada.

that feeling of knowing, and being in peace with one another. kakaibang luxury.

misplaced words with no destinationWhere stories live. Discover now