HY #2

6 2 0
                                        

Napasimangot si Bisqane nang mabasa niya ang reply sa kanya ng friend niyang si Staedem. Kasalukuyan siyang nakaupo sa sofa sa sala dahil na-corner siya ng mama niya nang tumanggap siya ng parcel delivery.

"Ano nanamang ginawa mo sa blind date mo? Bakit galit sa 'kin ang amiga ko?"

Bakas sa mukha ng ina ni Bisqane ang inis nito sa kanya kaya hindi nalang siya nagsalita. Baka lalo pa itong magalit kapag nangatuwiran pa siya.

"Kailan ka ba magtitinong bata ka? Twenty-seven ka na, wala ka pa ring stable na relationship!"

Taesong jeowa Taesong...

"Nakikinig ka ba?!"

"Hm?" Natigil sa pagkanta sa isip niya si Bisqane nang pukawin ng ina ang atensyon niya. "Opo, I'm listening."

Napatili nalang ang mama ni Bisqane sa sobrang inis sa kanya. "Ano bang nangyari sa 'yong bata ka? Nagkulang ba ako sa pagpapalaki sa 'yo? Bakit naging ganyan ka?"

Muntik na mapahalakhak si Bisqane pero pinigilan niya ang sarili niya dahil sigurado siyang masasapok na siya ng kanyang ina. Sa halos araw-araw ba naman na pagpansin nito sa non-existent niyang love life, sanay na siya sa lahat ng dialogues ng mama niya.

"Okay naman ako, 'Ma. Ikaw lang naman ang nagsasabing hindi ako okay."

"Meron bang okay na wala ng ibang ginawa kundi manood ng Korean drama at magbasa ng mga anime? At ano 'yong nakita ko sa kwarto mo noong nakaraan? Nagbabasa ka na rin ng gay porn?"

"Yaoi ang tawag doon, ma. Nagkataon lang na same sex romance pero parang normal na romcom lang din 'yon. I hope you keep an open mind."

"At nagdadahilan ka pa?!"

"Sabi ko nga hindi na."

Hinayaan nalang ni Bisqane na magpatuloy ang sermon nito sa kanya.

"Isa lang naman ang gusto ko bago ako mamatay... sana man lang makita ko na nasa magandang relasyon ka at maayos ang kalagayan mo. Is that too much to ask?"

"OA yarn? Patay agad? Magfi-50s ka palang ma. Life is just starting for you," napakamot si Bisqane ng kilay. "At hindi naman po kasi ganoon kadali 'yon. Hindi naman pwedeng manghablot lang ako ng kung sino diyan sa labas at jowain ko. I have standards, ma. I don't intend to lower it for just anyone."

"Maganda ka naman. Bakit walang nanliligaw sa 'yo na pasok sa standards mo?"

Bisqane shrugged. "I don't know. Ayaw ata nila ng disney princess levels beauty?"

Tuluyan na siyang binatukan nito.

"Two months," her mom was huffing and puffing because of too much anger towards her. "Bring someone to me in two months. I'm allowing you to choose someone you like and up to your standards. After two months, kapag wala ka pa ring mahanap, I'll fix you up with someone up to my standards. Okay?"

"Okay po."

"Good. My god!"

Hindi pa rin matigil sa paglilitanya ang mama niya hanggang makapasok na ito sa kwarto nito. Mukhang bumingo na talaga siya dito. Nanghihinang napasandal siya sa sofa.

What now?

Saan siya hahanap ng lalaking pwede niyang maiharap sa mama niya? Hindi naman sa ayaw niyang magkaroon ng boyfriend. Ang kaso ay umaatras ang mga manliligaw niya sa tuwing nalalaman ng mga ito kung ano ang mga hobbies niya.

Mortal sin ba ang pagiging otaku at fangirl?

She just couldn't find someone who would respect her preferences. Kinuha niya sa bulsa ang cellphone at nag-compose uli ng message para kay Staedem.

[GDR #3] Hopelessly YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon