"If it's too soon to marry, want to date me first?"
Staedem dialed Bisqane's number. Sumagot naman agad ang babae.
"Hello, Stae-"
"What the heck is wrong with you?"
"What? Wala ka namang girlfriend, diba? Want to do a small charity and date or marry me?"
Masama ang tingin ni Staedem sa mga pinsan niyang pinipigilan ang pagtawa. They were still in his office. Nag-e-echo sa office niya ang boses ni Bisqane dahil biglang tumahimik ang silid. At hindi iyon pinalampas ng mga tsismoso niyang mga pinsan.
"Or am I wrong? May jowa ka na ba?" hindi umimik si Staedem. "If so, can you introduce me to a good person? I need to find someone, eh."
"Is it your mom again?"
"Yeah," Bisqane sighed. "Nagagalit siya kasi dinog show ko 'yong blind date ko kahapon. Eh, ang chaka naman ng ugali ng ka-blind date ko. Kung makapagyabang, the nerve! He's not even close to your level."
Muntik na mapangiti si Staedem kung hindi lang nagtama ang mata nila ng mga pinsan niya. "Wait," he muted the call. "All of you fucking get out."
"Why? Papunta palang tayo sa exciting part," reklamo ni Alder.
"Out."
Pinagsisipa niya ang mga ito kaya kanya-kanyang nagsipulasan na ang mga ito.
"Ang damot naman sa chismis."
"So secretive, hindi naman jowa."
"Ma-basted ka sana."
Nang makalabas na sa opisina niya ang mga istorbo ay binalikan niya na si Bisqane na naghihintay sa kabilang linya.
"Sorry," he cleared his throat. "You were saying?"
"Ahh, kako ang yabang ng date ko kahapon. I-recite ba naman ang mga properties na pagmamay-ari niya sa date namin? Kung properties niya ang gusto kong makilala sana naging real estate agent nalang ako, diba?"
"So what did you do?"
"Umalis ako ng hindi nagpapaalam pagkatapos mag-order ng marami," she was laughing so hard. "Tutal he said he's so yaman, he can afford it naman."
"You're evil."
"I'm cute."
"Agree."
"What?"
"What?" Shit.
"Cute ako?" nang-aasar na ulit tanong ni Bisqane.
"Well, in a conventional way, yes."
"Is it hard to say that I'm just plain cute?"
"Don't push it. And I'm single."
"Oh? So, let's date?"
"Okay."
"Okay? Okay na sabi mo, ha! No backsies! I'll see you later."
"Okay."
"Byeee!"
A wide smile spread on Staedem's lips. Fucking finally.
"Ano ba 'yan, hindi man lang nagpakipot."
"You're so easy to get, Stae. Akala ko ba Del Rio ka? "
"Huwag mo naman ipahalata kay Bisqane na patay na patay ka sa kanya."
Nilingon niya ang tatlong itlog na nakasilip sa pinto niya. Agad na nabura ang ngiti niya at binato ng throw pillow ang mga ito.
"Wala na, finish na."
"Your cousin is so hopeless."
"Pinsan mo 'yan."

BINABASA MO ANG
[GDR #3] Hopelessly Yours
ChickLitGDR #3: Staedem & Bisqane "Oh? So, let's date?" "Okay." Not epistolary! 🤞🏻