Best Buddy

21 4 0
                                    

Caspian Hale Spencer — Ali calls him Cale.

You we're walking down the streets, on your way to school. It was just a few blocks away. Fixing your headset as you select a playlist to listen to, you run to your best friend, Caspian Hale Spencer. Lumingon siya sa gawi mo and he let out a small smile. Nakasandal lang naman siya sa isang convenience store, malapit sa school niyo. He waited for you and handed you the other coffee that he was holding on his right hand. 

He ruffled your hair as you smell the addicting aroma of the coffee. 

"Natagalan ka yata?" he asked. Natawa naman siya dahil sa reaksyon mo. Masama ang tingin mo sa kaniya kaya hindi niya maiwasan na ngumiti lalo. You didn't even dare to walk with him kaya pinauna mo na siyang maglakad at nakasunod ka lang sa kaniya. 

While walking, your phone vibrated inside your pocket. Tiningnan mo siya  nang palihim and you saw him glaring at you. Umiwas lang siya ng tingin nang mahuli mo siya.

Caspian: May problema ba tayo?

Because of his sudden questiom, napakunot ang noo mo dahil sa taka. You stopped on your tracks to type a reply to him. 

Ali: So random, ah. Why'd you ask?

Caspian: Kasi you're not walking beside me? Tsaka baka kung anong mangyari sa 'yo. 

Ali: I can handle myself.

Caspian: Una ka na maglakad. 

Ali: Why? 

Caspian: Para mabantayan kita nang maayos. 

Ali: You don't have to be so overprotective. 

Caspian: Ayoko lang na maulit 'yung nangyari sa 'yo. 

Ali: Kasalanan ko rin naman 'yon so you don't have to be overprotective. 

Nakita ko na lang siya nakitang tumigil sa paglalakad. He was still on his phone. Siguro ay nagta-type ito ng message. I know he can't focus on walking while typing on his phone. Hindi ko lang alam kung paano siya nakapag-type kanina. 

Ali: Bakit ka tumigil sa paglalakad?

Caspian: Mauna kang maglakad o magkahawak tayo ng kamay habang papasok sa campus?

Ali: Ito na nga, maglalakad na. 

Ginawa mo na ang sinabi niya. Mahirap na kapag siya ang nagbibiro ng gano'n. Nakakatakot. Hindi mo alam kung biro pa ba iyon para sa kaniya o hindi. You know he'll do that for real. 

Having a best friend like Caspian is a blessing. Lagi siyang nadiyan para sa 'yo. He is such a social butterfly. Marami rin gustong makipagkaibigan sa kaniya. Madalas ay puro babae pero hindi niya ito pinapansin. Siguro ay wala lang talaga siyang pakialam. 

Kaya hindi ka na magtataka kung bakit maraming nagkakagusto sa best friend mo, including you. 

He is such a boyfriend plus husband material. Super greenflag pa. 

"Oh, ayan." Caspian said as he put some more ointment on your wound. Tinitingnan niya iyon para masiguro na maayos ang paglalagay ng band aid sa tuhod mo.

Tinitigan mo ang mukha niya and saw a glimpse of worry. His charcoal eyes really suit his handsome face. Napapaisip ka na lang kung panaginip pa ba ito o hindi.

He feels so surreal.

"Ang kulit kasi eh." rinig mong bulong mula sa kaniya. Masungit mo siyang tiningnan at napanguso ka dahil sa sinabi niya. He stared back at you at nakita mo na bahagya siyang ngumiti. 

Sinamaan mo siya ng tingin, "First of all, ang bilis mo maglakad!" reklamo mo sa kaniya. Naglagay pa siya ng isa pang band aid para hindi matanggal ang una niyang dinikit. tiningnan mo ang tuhod mo at nakita mo na may pasa ka sa ilalim ng tuhod mo. 

Short Stories (one shots)Where stories live. Discover now