A/N: this story is just short. No actions, no heavy drama. Composed only of 'i don't know' how many.
Basta short lang.. :)
So enjoy reading..
Vote and comment kung nagustuhan niyo...
Trial pa lang eto kung okay lang ba kaya mahalaga ang inyong komento..
Thankies...
****
Umaga na naman. Isang panibagong araw para sa akin. Bumangon ako at nag-inat..
"Good morning Tita Yaya!" nakangiting bati ko sa aking ever loving tita na mukhang nagulat pa at napalingon sa akin. Kasalukuyan kasi itong nagbubukas ng kurtina ng aking silid.
"Good morning baby!" nakangiting bati nito.
Ganito kami araw-araw.. Nagigising ako ng maaga dahil binubuksan niya ang makapal na kurtina ng aking bintana. Para daw makapasok ang sikat ng araw na di pa gaanomg masakit sa balat.
Tumayo na ako at kaagad na yumapos sa kanyang likuran. Di ko itatangging love na love ko siya. Kasing love ko kay Mommy Nina.
Mula kasi ng magkaisip ako ay nandyan na siya sa aking tabi. Umaalalay at sinusuportahan ako.
Sayang nga lang at di sila nagkaanak ni Tito kaya eto, buhos sa akin ang atensyon niya.
"Ay naku, maligo kana at maaga ang pasok mo ngayon." usal ni tita at humakbang na papalabas ng silid. Pero bago ito tuluyang lumabas ay muli itong lumingon.
"Bilisan mo dyan at papunta na raw si Darrene!" dagdag pa niya. Kaagad na nagningning ang mata ko ng marinig ang pangalang sinambit niya.
Maliksing tinungo ko ang banyo at pakanta kanta pa habang naliligo.
Uu nga pala, bago ko makalimutan ng tuluyan i just wanna say that I am Nian Claire Jimenez Yu, familiar diba? Well, tama kayo kung nanghula kayo. Ako lang naman ang nag-iisang anak nila Nick at Nina..
Isa akong Tourism student. Yun kasi ang pangarap ko mula pa noon. Nasa 3rd year nako at syempre inaanticipate ko na ang aking debut!
Tanong nyo kung bakit ako excited? Sekreto lang ha? Baka kasi that time, ligawan nako ni Darrene oppah! Waaaahhhh!
Iniisip ko pa lang na liligawan niya ko gurabeh na ang kilig ko.. Haaayyysss...
Natigil ang pagmumuni muni ko ng makarinig ng mahinang katok sa pintuan ng banyo.
Tss.. Si tita yaya naman eh. Kinikilig pa ko dito oh!
"Saglit lang!" malakas na sabi ko at pinatay na ang shower. Isinuot ko ang rob na nakasabit na at kinuha ang tuwalya upang balutin ang buhok ko.
Pagbukas pa lang ng pintuan ng banyo ay nanlaki na ang mata ko at napanganga pa ng makita kung sino ang nakaupo sa aking kama.
"Hala! Bakit ang aga mo!?" natitilihang tanong ko. Eh kasi naman, si Darrene ang nakaupo sa kama ko. Hawak pa nito ang picture frame na kaming dalawa ang nasa larawan.
Tinaasan lang niya ako ng kilay.
"Kanina pa kaya ako nagsabing paparating na.. Tss.. Get dressed. Ihahatid kita sa school mo.." utos nito at tumayo na saka tinungo ang pintuan.
Napalabi ako.
Naman eh! Napasarap kasi ang babad ko sa shower.
Nagmamadali nalang akong nag-ayos. Ayaw pa naman nitong pinaghihintay.
Halos takbuhin ko na ang hagdan patungo sa dining room. Buti nalang at wala sina Daddy at Mommy ngayon kundi makakatikim na naman ako ng sermon.
Naabutan kong nagkakape na si Darrene. Sinipat ko ang suot niya at napangiwi ako.
"Ang baduy mo talaga, oppa!" usal ko at naupo sa tabi niya. Sinulyapan niya lang naman ako.
Mas lalo tuloy akong napalabi. He's wearing a black fitted shirt at maong pants na tenernuhan ng high-cut shoes. Aakalain mo, estudyante ito. Ni walang sense of fashion. But nungka! He's already an engineer.
"Wala namang chickababes doon.." pasimpleng sagot niya pero ang lakas ng impact sa akin.
Napasimangot ako at padabog na ibinaba ang kubyertos.
"Tapos nako.. Tara na!" asik ko at hiniklas ang bag saka nauna ng lumabas. I heard him chuckle and in an instant, nasa tabi ko na siya at nakaakbay sa akin.
"Sinusumpong ka na naman? Ngiti dyan baby, ang aga mong nakasimangot!" nakangisi niyang sambit at ginulo pa ang buhok ko.
Aaarrrggghhh! Naasar talaga ako pag nabanggit ang mga babae niya. Uu MGA, as in madami talaga. Ewan ko nga eh, di naman palaayos ang mokong na to pero andaming nahuhumaling na babae.
"Ngiti na baby.. Ayokong galit ka kay Oppa.." paglalambing niya habang pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse.
Di ko na kasi siya pansin.
Pero natatawa na talaga ako dahil nagmemake face na siya. Pinipigilan ko lang.
"Ayoko, tumigil kana.." kunyari ay seryoso ang mukha ko pagkasabi niyon. Pero tuloy pa rin siya. Di ko tuloy malaman kung sino angas isip bata sa aming dalawa, ako o siya. Pero masalamang siya, bata pa naman kasi ako at siya 22 na..
Nanlulumong pumasok nalang siya sa driver seat at inistart ang kotse. Saka naman ako tila nakonsensya.
Selosa kasi ako, at gusto ko walang ibang babae sa buhay ni Darrene. He's mine!
Kaso masyadong mabait ang isang to at wala yatang tinatanggihan sa anak ni Eba maliban sa akin.. Tss..
Nakarating kami sa school ng walang imikan. Ipinagbukas pa rin niya ako ng pintuan ng kotse at inalalayang bumaba.
Ganito talaga siya kasweet kaya di ko mapigilang ma-fall eh. Kahit pa nag galit galitan ako ay may ngiti pa rin siya sa labi at extra care sa galaw.
"Bye baby, goodluck sa klase mo.. See you tonight!" nakangiting sambit niya.
"Di ka pa ba babalik ng Korea?" takang tanong ko. One week na kasi siya sa pinas at mahaba na ito sa kadalasang stay niya.
"Bukas.. Geh pasok kana.. Late ka na oh!" taboy niya sa akin.
"Okay bye!" usal ko at tumingkayad saka kinintalan siya ng halik. Pero parehas kaming nagulat ng imbes na sa pisngi ay dumapo ang labi ko sa labi niya.
Waaaahhhh! Saglit lang iyon pero parehas kaming pulang pula ang mukha. Napatakbo tuloy ako papasok ng wala sa oras.
Whew! My first kiss!
BINABASA MO ANG
Imperfectly Perfect (ILYMG Series 3)
عاطفيةMahal kita at ramdam kong mahal mo rin ako, pero bakit di pweding maging tayo? - Nian Jeminez Yu. Darating ang araw na malalaman mo rin ang dahilan at sana mahal mo pa rin ako.. - Darrene Schiltz Jung