CHAPTER 36

15.6K 315 20
                                    







"Magkaaway ba kayo ng kapatid ko?" Tanong ni Dax kay Jesylyn matapos makaalis ang sasakyan ng Kuya niya. Nasa labas pa kase sila ng bahay nila kung saan nandito din si Kapitana na papunta pala sa baranggay. Pero nasaksihan niya kase ng tarayan ng dalaga ang kapatid niya na siyang pinagtataka naman niya kung may alitan na naman ba ang dalawang 'to. 



Inabot ko naman kay Dax ang banana ice cream kineme na binigay sa akin ng isa sa anak ng baranggay kagawad namin. Hindi ko 'to kinain kagabi dahil busog nga ako at nakalimutan ko na mero'n nga pala akong nilagay sa ref. Kaya pagkakita ko nga kanina ay binaon ko na lang ngayon para habang naglalakad nga ako ay may kinakain naman ako. Saging daw 'to na nilagyan ng chocolate syrup saka ng sprinkles sprinkles na iba-ibang kulay. So meaning healthy pa din kase saging naman 'to. 



"Ewan ko sa kanya nakakainis ang itsura ng kapatid mo." Sabi ko habang kumakain, medyo maaga pa naman at walking distance din lang naman ang baranggay hall kaya puwede pa akong makipag-chikahan kay Dax kahit ilang minuto. Lumuwas na pala ang Mommy nila ng Maynila pero nagpaiwan pa siya dito sa Colores at maglalagi pa daw ng ilang araw. 



Pero napa-aw na lang ang binata ng pisilin ni Jessy ang pisngi niya. At hindi lang basta pisil dahil may kasama pa 'yong diin. "That hurts!" Reklamo niya dito sabay hawak sa pisngi. 



"Hayyys gusto ko lang naman kumain pero naalala ko pa talaga Kuya mo." Sabi ko at saka pinakita sa kanya ang kinagatan kong saging, hindi ko naman maihahalintulad ang titeee ni Crocs sa isang saging dahil ang laki no'ng kanya pero kase parang medyo ganito din 'yon. 



"Tsk, you should not tell me that Jessy that's gross." Ani ni Dax na nakabusangot na ngayon ang mukha.



"Eh sa totoo naman ah, parang sa Kuya mo talaga 'to. Pero heto ha sabihin mo sa Kuya mong panget nakakatanda kamo ang pagsusungit kaya mag-smile kamo siya lalo na kapag umaga." Sabi ko pa at saka kumaway sa kanya at naglakad na. 





Hacienda Elizondo..

"Wag ka ngang bumusangot-busangot diyan, may buntis dito." Ani ni Carlos sa kaibigan, bigla na lang itong sumulpot dito sa bahay niya at buti na lang tapos na siya sa gawain niya sa hacienda. 



"I don't get that woman, I mean natural ba sa mga babae ang gano'n? Ang bigla na lang magsusungit kahit wala ka namang ginagawa?" Naka-isang linya ang kilay na tanong ni Wilde, hindi niya na kinumusta pa si Carlos dahil alam niyang masaya naman ito sa buhay. Pero kinakainis niya talaga ang pagsusungit ng babaeng maliit at madaldal na kapitbahay niya sa kanya. Hindi lang kaninang umaga pati na itong mga nakalipas na araw, na kahit binabati niya ito kapag nakikita niya ay susungitan pa din siya. And that made him pissed specially he don't know why she's acting like that. Dahil wala naman siyang natatandaan na ginawa ditong masama kaya bakit ito magtataray sa kanya? Isa pa para bang wala silang pinagsamahan kung umasta ito. 



"Baka naman kase pulang araw nila kaya gano'n? Saka si Jessy 'yan no? Lagi naman kayong magkaasaran diba? Hindi ka pa ba sanay?" Natatawang sabi ni Carlos na ininom ang alak na nasa baso, alam naman ni Misty Faith na nandito si Wilde kaya alam din nitong mapapainom na naman siya. 



Wilde shook his head, hindi puwedeng sungit-sungitan lang siya ni Jesylyn lalo na kapag may ibang tao siyang kasama. Dahil parang hindi na din nito ginalang ang pagiging congressman niya kaya mamaya pagkatapos niyang mag-inom ay pupuntahan niya ito para kastiguhin. 





 Pasado alas nuwebe na ng gabi nakauwi si Jesylyn sa bahay niya at naabutan niya nga sa labas si Wilde na mukhang hinihintay siya. Nakasandal pa ito sa sasakyan nito, at puting t-shirt na lang ang suot hindi kagaya kaninang umaga na naka-polo pa. 



"Gabi na Wilde anong ginagawa mo dito sa bahay ko? Ayoko makipag-sex sa 'yong higante ka." Mataray kong sabi sa kanya, mabuti na ang unahan ko siya dahil baka mamaya ay makitulog pa siya sa ulit sa bahay ko at mag-aya na naman ng milagro. 



Sinundan naman ni Wilde ang dalaga ng pumasok ito sa loob ng bahay nito, naka isang bote at kalahati lang sila ni Carlos kanina at pagkatapos nga ay nagpaalam na siyang umuwi. Pero alam naman niyang hindi naniwala ang kaibigan ng sabihin niyang uuwi siya dahil nga pupuntahan talaga niya itong si Jessy. 



"H-Hoy, hoy hoy umuwi ka na sa bahay niyo." Sabi ko pa ulit ng umupo pa siya sa sofa ko. At talagang sumunod pa nga dito sa loob!



"We need to talk, ano na naman bang inaarte mo ha? Bakit biglang naging masungit ka?" Tanong ng congressman dito, he want to know why because he's not use too the way she's acting these past few days. At pati nga ang kapatid niya ay pinagtatawanan na siya dahil sa inaakto nito. Isa pa hindi siya sanay na hindi pinapansin at babae pa ang gumagawa nito sa kanya. 



Pabagsak ako na naupo sa tabi niya, bakit nga ba? I mean dati tuwang-tuwa ako na inisin ang higante na 'to este tuwang-tuwa ako na makita siya pero recently hindi na ako natutuwa at parang lagi din akong inis sa kanya kahit wala naman siyang ginagawa. "Hindi ko din alam Wilde pero diba dati naman sabi mo tantanan kita? So baka nga ito na nga ang simula no'n."



Hindi naman natuwa ang binata sa sinabi sa kanya ng dalaga kaya naman hinila niya ito hanggang sa mapunta ito sa hita niya at mapaupo doon. "This is not funny Jesylyn so ano bang problema mo ha? Okay naman tayo last week diba?" Inalala niya pa ang namagitan sa kanila matapos ng pa-liga dito sa baranggay Mayumi. Mag aalas singko na nga ng umaga siya umalis ng bahay nito at lumipat sa bahay nila. At okay na okay talaga sila tapos heto na ang nangyari. 



"Umuwi ka na nga sa inyo ayokong makipag-sex Wilde dahil pagod ako ngayon." Sabi ko sa kanya pero ang loko hinigpitan talaga ang hawak sa beywang ko! At teka nakainom ba siya? Amoy alak kase siya pero hindi naman mabaho. 



"Answer me first, do you have your period now? Or you just finished your period?"



Para naman akong naguluhan sa tanong niya sa akin, period ko? Don't tell me bibilhan na naman niya ako ng napkin? Eh ang dami pang natira sa binili niya sa akin at hindi ko pa nga nauubos 'yon! "Hindi pa ako nagkakaroon okay saka bakit ba ganyan ang mga tanong mo sa akin ha? Wag mo na akong bilhan ng napkin dahil mas prefer ko gamitin ang tampons."



Hindi tuloy maintindihan ni Wilde kung sino ba ang lasing sa kanila ng dalaga dahil mukhang hindi nito naintindihan ang gusto niyang sabihin dito. "Don't tell me you didn't understand what I've said to you?"



"Ano ba kaseng gusto mong sabihin ha? Sabihin mo na at inaantok na ako." Napipikon na tanong ko. 



"What I mean is sa tingin ko ay buntis ka kaya mo ako sinusungitan Jesylyn."



At doon na ako napatayo mula sa kandungan niya. "A-Ako? Buntis?"


#maribelatentastories















M.V series 02 Wilde Hawk WinstonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon