Christof's Point of View
Masaya kaming kumakain ng mga kaibigan ko nang biglang nag vibrate ang phone ko.
Kinapa at kinuha ko ito sa bulsa ko at nakita ko ang pangalan ni Talia.
Talia?
Biglang nanlaki mata ko at napatayo kaagad.
"Oh? Saan ka pupunta?" Tanong sa'kin ni Tan.
"Sasagutin ko lang 'to." Sabi ko na pinakita pa sa kanya ang phone ko.
"O-Okay." Sabi pa niya.
At pag talikod ko ay maririnig kopang nag tatawanan sila.
Agad kong sinagot ang tawag.
"Talia? Napatawag ka? May problema ba?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.
"P-Puntahan m-moko dito." Sabi pa nito na nanghihina at nauutal pa.
Ano kayang nangyari sa babaeng 'to? May problema kaya? Kasi di naman talaga 'to tatawag kung walang problema o kaylangan, e.
Napatitig nalang muna ako sa cellphone dahil sa kabang nararamdaman ko.
"Talia! Nasan ka?" Nag aalalang tanong ko, kinukutoban ako.
Paniguradong may masamang nangyari.
"C-Comfort room--"
"Talia? Hoy! Talia!" Tawag ko pa sa kanya dahil biglang hindi na nakasagot.
Agad akong napatakbo papasok sa dining area para mag paalam sa kanilang tatlo na aalis ako.
"Alis muna ako--"
"Saan ka naman pupunta? Hindi kapa tapos kumain." Si Jacob.
"Kay Talia--"
"Talia na naman!" Si Tan, at napatayo pa siya.
"Bakit? Ano bang problema ha? Bakit ba kumukulo dugo mo sa kanya?" Inis na tanong ko sa kanya.
Hindi siya nakasagot.
"Bakit? Ayaw mo bang malaman ito ni Dalla?" Diretsong tanong ko.
"Oo! At ayaw ko na pati tayong apat mapahamak!" Sabi pa niya na isininyas kaming apat. "Pag nalaman niya lang talaga 'to, lagot tayo!"
"Teka lang pre." Awat ni Alex kay Tan na pumagitna pa sa amin. "Bakit parang malaki ata galit mo kay Talia?" Seryusong tanong nito.
"Anong parang? Malaki talaga! Kasi isipin mo nga pag nalaman ito ni Dalla na may tinutulongang babae yang si Christof, ay malalagot tayo!"
"Bakit yan ang iniisip mo?" Singit ni Jacob.
"Bakit ba? Ayaw ko lang na pati yang Talia nayan! Mapahamak at mapatay ni Dalla! Kasi noon, hinding hindi ko makakalimutan na si Dalla ang pumatay sa girlfriend ko! Ayaw kong bumalik yung trauma pre!"
"P-Pre--" Sila Alex at Jacob. Akmang lalapitan nila si Tan.
"Kilala ko si Dalla." Biglang sumeryuso ang mukha niya. "Kilalang kilala. Ayaw na ayaw niya sa lahat..." Sabi pa niya na napatingin sa'kin. "Ang may sagabal." Dagdag niya pa at tumalikod na.
Natahimik kaming tatlo at nag siyukuan.
Nang biglang...
"Pre! Si Talia!" Parang nag aalalang sabi pa ni Alex.
YOU ARE READING
My Boss, My Lover
RandomSi Talia ay anak mayaman, ang mga magulang nito ay sina Mr. Cristobal at Mrs. Alexandra. Tatlo silang mag kapatid ang pangalan ng lalaki niyang kapatid na panganay ay Christopher 12 years old habang ang pangalawang kapatid na lalaki ay si Christian...